Chapter 47: Connivance

52.4K 2.9K 956
                                    

47.

Connivance

Third Person's POV

Nanlulumong ibinaba ni Chief Hidalgo ang kayang telepono at napatingin kay Ponzi na sabik nang malaman ang balita.

"Ano? Nandun ba sila?!" Aligagang sambit ni Ponzi ngunit umiling-iling lamang ang hepe.

"Maling address ng facility ang nakasaad sa mga papeles. Isang bakanteng lote ang sinasabing kinaroroonan ng rehabilitation facility." Paliwanag ng hepe kaya muling nasapo ni Ponzi ang kanyang ulo dahil sa galit at panlulumo.

"Teka sa underground! Tingnan niyo sa mga imburnal!" Giit ni Ponzi pero muli itong umiling-iling.

"Wala kaming nahanap. Dead End na ang lahat." Sabi pa nito kaya napailing-iling na lamang si Ponzi habang bakas ang matinding galit sa mukha niya.

"Mga wala talaga kayong kwenta." Mahinang sambit ni Ponzi at maglalakad na sana palayo nang bigla siyang pinigilan ni Chief Hidalgo.

"Ponzi sandali, may dapat kayong malaman tungkol sa ginawa ni Borneo Grady nang araw na inambush sila ng ama niya." Giit nito dahilan para makunot ang noo ni Ponzi.

Matapos malaman ang katotohanan ay muling naglakad si Ponzi palayo, determinado ang binatang hanapin si Sisa ng walang tulong mula sa kapulisan.

Nang malapit na siya sa Parking lot ay bigla na lamang siyang nakatanggap ng mensahe mula sa ina ni Serenity, nagtatanong ito kung nasaan ang anak niyang hindi sinasagot ang mga tawag niya. Saglit na napako si Ponzi sa kinatatayuan, hindi nito alam kung ano ang isasagot sa ginang.

"Tatang nahuli siya ng mga pulis."

Nanlaki ang mga mata ni Ponzi sa naulinigan kaya pasimple siyang lumingon upang makita kung saan ito nanggagaling hanggang sa nakita niya ang isang lalakeng pulis na nakatalikod mula sa kanya, malayo-layo ito pero sa sobrang aligaga ng lalaki ay hindi nito namamalayang nalalakasan na pala niya ang boses niya dahilan para marinig ito ni Ponzi.

Lalapitan sana ito ni Ponzi nang bigla niyang mapansin ang artipisyal nitong kamay dahilan para maalala niya ang huling pag-uusap nila ni Jojo.

"Ayokong mamatay! May humahabol sakin! Si Putol Kamay!"

 

"Putol kamay..." Mahinang sambit ni Ponzi at nang nakita niyang nagsimula itong maglakad palayo ay pasimple niya itong sinundan.

****

"Henry... Henry ako to, ang kapatid mo... si Ate Jemaima mo..." Umiiyak na sambit ng matandang si Jemaima saka hinawakan ang kamay ng kapatid na nakaposas.

"Kapatid?" Ngumisi ang matanda at inilayo ang kanyang mga kamay, "Tinalikuran niyo kami ni Tatang. Anong klase kayong mga kapatid?" Dagdag pa nito saka napatingin sa pastor na nananahimik lamang.

"Henry hindi," Umiling-iling ang matandang babaeng humahagulgol, "Hindi kita ginustong iwan, hinanap kita pero ang laki na ng apoy! Henry natakot ako pero kailanman hindi kita ginustong iwan kasama ni Tatang." Giit pa nito.

"Ginawa mo na... iniwan ninyo akong dalawa sa piling ni Tatang. Pagkatapos ng sunog napagtanto kong si Tatang lang ang pamilya ako. Siya lang ang hindi nang-iwan sakin... Salamat sa inyo at nalaman ko ang totoo." Muling giit ng kapatid nilang naligaw na ng landas.

"Henry nilason ni Tatang ang isipan mo—"

"Ate pwede bang iwan mo muna kami ni Kuya?" Biglang sabat ng pastor kaya walang magawa si Jemaima kundi iwan na lamang ang kanyang mga kapatid sa loob ng interrogation room ng sila-sila lang.

Naupo si Pastor Will sa tapat ng kanyang kapatid at Ilang sandali rin silang binalot ng katahimikan.

"Pastor ka na pala ngayon." Tumatawang sambit ng matanda kay Pastor Will.

Ngumiti si Pastor Will habang nakatingin sa kawalan, "Kuya bulag man ako pero gaya mo nakikita ko ang totoo." Mahinang sambit nito na animo'y ayaw na may ibang makarinig sa kanila, "Kuya naging Pastor ako dahil kay Tatang." Dagdag pa nito.

Napangiti ang matanda sa tuwa dahil sa narinig, "M-mabuti kung ganun... May natitira ka parin palang pagpapahalaga kay Tatang diyan sa puso mo."

"Kuya antagal kitang hinanap, antagal ko kayong hinanap. Kailanman hindi ko gustong iwan kayo ni Tatang. Pinilit lang ako ni Ate ni Jemaima na lumayo at 'wag bumalik. Pero kuya kahit malayo ako, sinubukan kong ibahagi sa iba ang mga turo ni Tatang. Kuya kakampi mo ako." Mahinang sambit ni Pastor Will at mas hininaan pa ang kanyang boses.

Nanlaki ang mga mata ng matanda sa narinig at kasabay nito ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya, "Kung buhay pa si Tatang ngayon, siguradong napakasaya niya." Natutuwa nitong sambit at agad na niyakap ang nakababatang kapatid.

"Kuya sino ang nagpatuloy sa programa? Sabihin mo para matulungan ko siya at magabayan lalo." Giit ni Pastor Will.

"Ang ampon ko pero 'wag kang mag-alala, bata pa lang, itinuro ko na sa kanya ang lahat ng dapat niyang malaman." Giit nito kaya naman tumango-tango na lamang si Pastor Will.

"Kuya sabihin mo sakin, nasaan ang pasilidad?" Giit ni Pastor Will pero napatingin lamang ang matanda sa napakalaking salamin sa likuran niya.

"Maririnig nila tayo. 'Wag ngayon." Giit nito.

"Kuya hinaluan ko ng pampatulog ang mga kape nila gaya ng laging ginagawa ni Tatay sa mga pasyente niya noon. Magtiwala ka, walang ibang makakarinig satin. Walang tao sa likod ng salamin." Pagsisinungaling pa ni Pastor Will.

Napabuntong-hininga ang lolo ni Calix bago tuluyang nagsalita.

******

Napangisi si Chief Hidalgo matapos masaksihan ang naging pag-uusap ng magkapatid mula sa salamin. Lalabas na sana siya upang maglabas ng utos sa nasasakupan nang bigla na lamang siyang nakatanggap ng tawag mula kay Ponzi.

"Hijo alam na namin kung nasaan sila, nagsalita na si—"

"Chief nahanap ko na ang facility! Magpadala na kayo ng pulis dito!" Natataranta at aligagang sambit ni Ponzi kaya agad na nakunot ang noo ng pulis dahil sa pagkabahala.

"Ponzi sandali! Makinig ka! 'Wag kang gagawa ng kahit na ano! 'Wag kang magpadalos-dalos, hintayin—" Hindi na natapos pa ng hepe ang kanyang sinasabi nang bigla na lamang siyang binabaan ni Ponzi.

END OF CHAPTER 47.

Note: Yes bitin, sorry na. hahahaha. Try ko mag-update bukas ng gabi :)))))

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon