Chapter 45: Kin

48.3K 2.8K 569
                                    

45.

Kin

Third Person's POV

"A-ang lolo ni Calix?" Nauutal na sambit ni Ponzi nang makita ang matanda sa loob ng interrogation room sa pamamagitan ng isang two-way mirror.

Hindi sila nakikita ng matanda, pero sila, nakikita nila ang bawat galaw nito. Kalmado lamang ang matanda habang nakaupo at nakapatong ang mga kamay sa mesa. Pangiti-ngiti pa ito sa salamin dahil alam niyang may nakakita sa kanya.

"Si Leoncio Lancaster. He fits the profile of the person who ordered to kill Lucia Grady and his family. Sabi ni Dustin bukod sa myembro ng programa, maaring nawalan din siya ng mahal sa buhay dahil sa Crimson Ripper...." Paliwanag ng hepe kaya agad na nakunot ang noo ni Ponzi.

"Sandali, may proweba ka ba? Napagbintangan narin ang pamilya niya noon." Giit ni Ponzi kaya naman napabuntong-hininga si Chief Hidalgo at iniabot sa kanya ang ilang papeles.

"Ginawa ko ang sinabi mo, inimbestigahan ko si Rodney at nalaman kong ipinasok rin siya sa isang rehabilitation facility dalawang taon na ang nakakaraan. Bigla siyang inireport na missing ng staff, ayon sa kanila tumakas daw ito pero makaraan ang ilang buwan, isinugod ito sa ospital dahil sa isang vehicular accident. Pamilyar diba?" Giit ni Chief Hidalgo na ngayo'y nakangisi na at para bang nagmamalaki sa kanyang natuklasan.

"Anong koneksyon nito sa lolo ni Calix?" Naguguluhan parin si Ponzi.

"Mula sa listahan ng mga pasyenteng naisailalim sa lobotomy, nakita ko ang pagkakapareho ng lahat ng mga lalakeng pasyente—lahat sila ipinasok sa rehabilitation facility at iniulat na tumakas. Tiningnan ko kung sino ang founder nito at nalaman kong si Mr. Lancaster pala. Wala akong makitang kahit na anong record tungkol sa pagkabata niya pero ayon sa mga nakalap kong impormasyon mula sa kanya, dati siyang nag-aral para maging isang doktor pero hindi na nakapagpatuloy matapos bumagsak sa isang psychological evaluation. Matapos makapag-aral, naging isa siyang mamamahayag hanggang sa nagkaroon siya ng sarili niyang pahayagan sa diyaryo. Mayaman at makapangyarihan, lahat ng kailangan para magtayo ng isang sikretong pasilidad, kayang-kaya niya." Giit pa ng pulis kaya naman agad na lumapit ang naguguluhang si Ponzi sa salamin at pinagmasdan ang galaw ng matanda na animo'y walang nadaramang kahit na anong tensyon. Taas-noo itong nakaupo habang nakangisi sa kawalan.

"P-pero si Calix..." Nauutal na sambit ni Ponzi.

"Lumaki si Calix sa puder ng pamilya ng nanay niya. Paminsan-minsan lamang niyang nakakasama ang lolo niya sa iisang bahay. Siguro ito ang dahilan kung bakit walang kamalay-malay ang kaibigan mo sa totoong kulay ng lolo niya. Tiningnan ko ang iba pang record ng pamilya at may natuklasan pa ako..." Napabuntong-hininga ang pulis matapos mabasa ang mga lumang dokumento, "Hindi nagbigti ang ama ni Calix. Ayon dito ang totoong paraan ng pagpapakamatay ng ama ni Calix ay sa pamamagitan ng paglason sa sarili niya.." Dagdag pa nito dahilan para muling manlaki ang mga mata ni Ponzi sa gulat.

Bigla na lamang bumukas ang pinto sa likod ni Ponzi at ni Chief Hidalgo kaya naman kapwa sila napalingon rito.

"Chief, andito po si Pastor Will." Sambit ng isang pulis at ilang sandali pa ay pumasok ang bulag na pastor at kasama nito ang iika-ika nang kapatid na si Jemaima na luhaan parin.

"Anong ginawa ni Henry?" Umiiyak na sambit ni Jemaima habang pinagmamasdana ang lolo ni Calix mula sa kabilang dulo ng bintana.

"Kaano-ano niyo po siya?" Tanong agad ni Chief Toralba sa mga ito.

"Kami ang totoo niyang pamilya." Pag-amin ni Pastor Will.

"A-akala ko ba hindi niyo pa nakikita ang kapatid niyo?" Naguguluhang sambit ni Ponzi saka napatingin sa Pastor na hindi kumikibo.

"Anong ginawa ng kapatid ko?" Tanong pa ng matandang si Jemaima kay Chief Hidalgo.

Napabuntong-hininga na lamang ang pulis, "Iniimbestigahan namin siya tungkol sa isang programang responsible sa pagkawala ng mga kabataan." Pag-amin nito dahilan para lalong maiyak sa labis na panlulumo ang mga matanda.

"Pinapanood niyo ako diyan diba?"

Laking gulat ng lahat nang bigla na lamang magsalita ang lolo ni Calix sa kabilang dako ng salamin. Nakangisi ito na para bang nagmamalaki, na para bang walang kinatatakutan.

"Nakikita niya tayo?" Tanong ni Ponzi kay Chief Toralba at umiling ito bilang sagot.

Nakatuon ang atensyon ng lahat sa matandang nakangisi habang nakatingin sa kawalan. Mag-isa lamang ito sa kwarto pero alam niyang may nagmamasid sa kanya mula sa salamin.

"Ikulong niyo man ako, wala na kayong magagawa." Sabi pa nito habang humahalakhak, "Nagpatuloy ang programa nang rumetiro ako, magagawang magpatuloy ng programa kahit mamatay man ako." Pagmamalaki pa nito.

"Kuya anong ginawa sayo ni Tatang?" Umiiyak na sambit ni Pastor Will habang pinagmamasdan ang kinahinatnan ng nawalay na kapatid.


END OF CHAPTER 45!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon