Author's Note: Sorry kung super inactive ako this past few weeks. Medyo nagka-problema lungs. Sorry din sa mga di ko pa nare-replyan. I'll catch up on 'em. Thankiess guys... Also, Belated Happy 2nd Anniversary to the ever so osum Serialreader Family. You guys are the best. Thank you sa inyong lahat <3 Ingat kayo lagi at wag niyong pababayaan health niyo <3 Mahirap magkasakit, medyo masakit. lels.
7.
The haunt is on
Third Person's POV
"Ponzi anak, sigurado ka ba talagang kaya mong maiwan dito ng mag-isa? Again, pwede naman naming hintayin nalang na matapos ang semester mo eh." Muli, kahit na papasakay na sa sasakyan ay sinubukan paring kumbinsihin ng ina ang anak na sumama sa kanila.
"Mommy naman eh." Bahagyang ngumiti si Ponzi saka tumigil sa pagbitbit ng mga bagahe patungo sa sasakyan. "Pinag-usapan na po natin to diba? Alam kong nahihirapan na si Daddy sa pagb-byahe ng matagal para lang makauwi dito. Mas mabuti kung lumipat na kayo sa bagong bahay. Pangako, uuwi ako sa bagong bahay linggo-linggo." Sabin na lamang ni Ponzi saka yumakap dito bilang pamamaalam.
"Honey, matanda na ang anak natin. Wala ka bang tiwala sa kanya?" Biro naman ng ama sa kanyang ina saka napatingin kay Ponzi, "Kung nababagot ka, pwede mo namang papuntahin dito ang mga kaibigan mo. Si Sisa, pwede mo siyang imbitahin dito pero behave lang kayo. Baka mabagito ka bigla." Dagdag pa nito kaya agad siyang sinamaan ng tingin ng asawa. Si Ponzi naman, ngumiti na lamang ng tipid. Tanging si Ponzi lamang ang nakakaalam sa pagkawala ng dalaga.
"Anak nabalitaan namin ang tungkol kay Dustin... Mas mapapanatag ako kung—" Bago pa man matapos ng ina ang sinasabi ay agad na itong pinutol ni Ponzi.
"Wala na po dapat kayong alalahanin." Giit ni Ponzi na tila ba naging malamig ang pananalita nang mabanggit ang dating kaibigan.
"Ponzi, hindi naman namin dinidiktahan kung sino ang mga kakaibiganin mo. Ang sa amin lang—"
"Dad, matagal ko na pong tinapos ang ugnayan ko sa kanya. Wala na po akong balak na makipagkaibigan sa taong gaya niya." Muling giit ni Ponzi kaya naman bahagyang nagkatinginan ang kanyang mga magulang saka nagsitanguan na lamang.
"Teka, asan po si Kikoy?" Tanong ni Ponzi nang mapansing wala pa sa loob ng sasakyan ang kapatid.
"Nagbanyo muna. Anak, pakitawag nga yung kapatid mo. Baka nahirapan na naman yun sa sinturon niya." Sabi pa ng ama kaya agad na bumalik sa loob ng bahay upang puntahan ang kapatid.
"Kikoy?" Naguguluhang sambit ni Ponzi nang maabutan ang kapatid na nakaupo sa sofa na para bang wala na naman sa sarili.
"Biikoy..." Pabirong sambit ni Ponzi saka lumuhod sa harapan ng kapatid habang sinusundot-sundot ang pisngi nito. Natigil si Ponzi sa pangungulit rito nang mapansin na naman niya ang pagluha nito.
"Sama ka, wag ka magpaiwan. Baka bumalik siya." Umiiyak nitong sambit kaya agad na napayakap si Ponzi sa kanya.
"Kikoy naman, wag kang umiyak. Strong ka dapat. Sige ka, di ka reregaluhan ni Santa pag pinagpatuloy mo yan." Paulit-ulit na giit ni Ponzi para lamang tumahan ang kapatid.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?