Chapter 25: Decipher

58K 3K 3.2K
                                    

25.

Decipher

Third Person's POV

Mula sa sira-sirang bintana ng ikalawang palapag ng abandonadong bahay ay nakatanaw si Jojo sa sasakyang lulan nila Ponzi na dali-daling umalis. Wala siyang magawa kundi mapabuntong hininga na lamang at bumalik sa kinauupuan.

"Anak ng baog! Ano ako babysitter?! Tangina, isa akong Pornography enthusiast, hindi ako isang babysitter! Bakit ako pa ang iniwan para bantayan ka?! Alam mo bang diring-diring diri na ako sa pagmumukha mo?! Oo Pornography enthusiast ako pero hindi ko trip ang torture porn! Ni hindi ko nga matapos ang Hostel kahit andaming jugjugan don! Lintik na buhay to!" Paghihimutok ni Jojo na hindi man lang magawang humarap sa duguang si Rodney.

Wala siyang kamalay-malay na unti-unti na pala itong nakakawala mula sa pagkakatali niya.

"Pati cellphone ko kinuha ng tatlo, bwisit. Pag-tong swatter ko na-deadbat, pasensyahan uuwi na talaga ako. Pag-ako nagka-dengue humanda talaga kayo sa nanay ko." Sambit pa nito saka nagpatuloy na lamang sa panghuhuli ng lamok.

Sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na tunog ng mga salamin at kahoy na nawasak at kasunod nito'y isang napakalakas na kalabog na animo'y mistulang may malaking bagay na nalaglag. kaya naman agad na napalingon ang gulat na gulat si Jojo.

"Patay kang Tirador ka." Mahinang sambit ni Jojo nang makitang wala na si Rodney sa upuan kung saan ito nakatali at tuluyan ng nawasak ang bintana.

Dala ang kanyang mosquito swatter ay dali-daling nagtatakbo si Jojo palabas ng abandonadong bahay at laking gulat niya nang maabutan ang ngayo'y wala ng buhay na katawan ni Rodney na nakabulagta sa kalsada matapos itong tumalon mula sa ikalawang palapag.

Hindi na magawang tingnan pa ni Jojo ang bangkay dahil sa pandidiri kaya naman natataranta niyang nilibot ang paningin sa takot na baka may nakakita sa kanya o sa nangyari.

"Ge pre, una na ako bye." Natatarantang sambit nito at dali-daling umalis lulan ng bisekleta niya.

****

Pare-parehong tensyonado sina Ponzi, Archie at Dustin habang patungo sa direksyon ng kinaroroonan ni Ecleo na nakuha mula kay Jojo. Wala mang plano, pare-pareho ang mga itong determinado.

"Narinig ko yung sinabi ni Rodney sa telepono nung isang araw, sabi niya iilan nalang daw sila sa programa." Walang emosyong sambit ni Dustin habang pinupunasan ang kutsilyo niyang may bahid pa ng dugo ni Rodney.

"Andiyan nga kaya sila?" Mahinang sambit naman ni Archie na siyang nagmamaneho ng mabilis.

Napabuntong-hininga si Ponzi saka ibinaba ang cellphone matapos makausap ang hepe ng pulisya, "Pupunta rin ang mga pulis at magsasama daw sila ng Swat team." Anunsyo nito saka napatingin sa kalsadang tinatahak nila.

Hindi maiwasan ni Ponzi na magtaka nang mapansing pamilyar ang daang tinatahak nila. Oo nga't walang katao-tao rito lalo na't napapalibutan ito ng naglalakihang puno at malayo pa ito sa siyudad pero natatandaan ni Ponzi ang lugar lalo na't kamakailan niya lang ito nadaanan sa paghahanap kay Sisa.

"Paanong nandito ang kuta? Ni wala nga akong makitang bahay dito noong hinahanap ko si Sisa sa lugar nato." Mahinang sambit ng naguguluhang si Ponzi at nasapo na lamang ang kanyang ulo.

"Galing ka dito?" Kunot-noong sambit ni Dustin saka lumingon kay Ponzi.

"Oo pero ni isang bahay, wala akong nakita. Ni halos wala ngang sasakyan ang dumaan dito, puro puno lang at kagubatan-"Hindi na natapos pa ni Ponzi ang sinasabi nang muli na namang tumunog ang cellphone niya kaya naman dali-dali niya itong sinagot nang makitang ang hepe pala ang muling tumatawag.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon