Chapter 18: The Jemaima Program

66.5K 3.2K 1.2K
                                    

18.

The Jemaima Program

Third Person's POV

 

Present Day


"Dustin sigurado ka ba talaga dito? Bibigatan lalo ng Judge ang parusa sayo pag nalaman niyang umalis ka ng ospital." Paalala ni Ecleo habang minamaneho ang kotseng pagmamay-ari ng ina ni Dustin.


"Wala akong pakialam." Walang emosyong sambit ni Dustin at napadungaw na lamang sa bintana ng sasakyan.


Inihinto ni Ecleo ang sasakyan sa tapat ng nag-iisang library ng Crimson Lake na siyang naging dati ring tirahan ni Sisa.


"Magandang Umaga sa inyo mga hijo." Bati sa kanila ng isang matandang babaeng may malaking pangangatawan sa pagpasok pa lamang nila sa halos walang katao-taong library.

Agad na nakunot ang noo ng matanda nang makitang nakasaklay pa si Dustin at marami pa itong benda sa katawan, "Hijo ayos ka lang? Naku, ang sipag mo naman, kahit bali-bali pa ang buto mas pinili mo paring magtungo sa library para magbasa." Mangha nitong sambit kaya ngumiti na lamang si Dustin ng tipid at napatingin sa sahig para wag na siyang makilala pa ng matanda bilang ang mamamatay-taong kinasusuklaman ng buong lungsod.

"Teka kilala kita ah?" Biglang sambit ulit ng matanda kaya naikuyom na lamang ni Dustin ang kamao habang nanatiling nakatitig sa sahig.

"Marami po siyang kamukha." Sabi na lamang ni Ecleo, "Ma'am asan po ang mga archives niyo? Yung mga lumang newspapers?"

Imbes na sagutin si Ecleo ay nanatili paring nakatingin ang matanda kay Dustin. Bigla itong napangiti nang tuluyang maalala ang binata, "Ah! Naaalala ko na, Ikaw yung kinababaliwan ni Sisa!" Tuwang-tuwa nitong sambit, "Hindi ko talaga makakalimutan ang mukha mong 'yan kasi noon, sinubukan ni Sisa na i-photocopy yung litrato mo kaso biglang nagloko ang machine at imbes na dalawa eh naging dalawang-daan ang lumabas. Dalawang-daang mukha mo din 'yun kaya di ko 'yun makakalimutan. Hay, kahit parating tumataas ang blood pressure ko at kahit halos ma-stroke na ako sa sama ng loob dahil sa mga kalokohan ng batang iyon, nami-miss ko parin siya. Kamusta na ba siya? Pag nakita niyo siya, sabihin niyo dumalaw naman siya ah?" Sabi pa nito kaya tumango-tango na lamang si Ecleo.

"Ma'am may news articles po ba kayo o kaya mga archives na tungkol sa mga batas o programa na ipinanukala o sinuportahan dito sa Crimson Lake?" Tanong na lamang ni Dustin sa matanda.


"Hindi ako sigurado eh pero tingnan niyo nalang sa basement. Si Sisa kasi ang mas nakakaalam sa mga nandun eh." Sabi pa ng matanda kaya dali-daling nagtungo rito sina Dustin at Ecleo.


***


Matapos laklakin ang kape ay marahas na itinapon ni Ponzi sa basurahan ang hawak na paper cup. Nasapo na lamang niya ang kanyang ulo at muling pinagmasdan ang mga newspaper clippings nakalap at idinikit niya sa malaking white board.


Hatinggabi na at napakatahimik na ng buong estasyon ng mga pulis. Ang binatang si Archie na siyang tumutulong kay Ponzi ay nakatulog na sa mesa. Tanging si Ponzi na lamang ang natitirang gising sa loob ng opisina ng hepe na nagsisilbi nilang kuta sa pag-iimbestiga.


"Asan ka ba talaga Sisa?" Mahinang sambit ni Ponzi saka hinilamos na lamang ang palad sa mukha para matanggal ang antok. Bakas ang pangangayayat ng katawan at pati narin ang puyat sa mga mata niyang walang kabuhay-buhay.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon