16.
Be rational not emotional
Sisa
Be rational not emotional.
I really hate in when those people in horror movies do stupid crap, so now that I am in a sorta same situation like them, I try not to be like them.
Be rational not emotional.
I kept on repeating it over and over and over again as I try my best not to look for Paris and the others before escaping this hell. Every second counts. This isn't about being selfish, this is doing the greater good. The sooner one of us gets out, the sooner everyone gets to survive.
Let's be real here, kailangan naming makaalis dito at makahingi ng tulong as soon as possible. Wala ng arte pa, takbo lang ng takbo.
"Miss ano ba kasing nangyayari?!" Naguguluhang sambit ng delivery boy na para bang takot na takot habang kapwa kami tumatakbo sa tila ba walang hanggang pasilyo.
I can't blame him. Ikaw ba naman makakita ng babaeng mala jukebox ang mukha sa dami ng bugbog at humihingi pa ng tulong plus the fact maganda this girl and kidnapping material pa. Sino ba namang di matatakot para sa buhay niya.
"You just trespassed on my kidnapper's house! See, I got kidnapped by a psychotic hypocrite so now he'll kill us both if we won't leave now! Where's your phone?! Saan ka ba dumaan?!" Aligaga ko na lamang na sambit habang mas binibilisan pa ang takbo ko kahit iika-ika.
"Teka sino bang gumawa sayo niyan?! Yun bang receiver nito?!" Takot niyang sambit sabay turo ng box niya.
Wait is that Pizza? Omg what if its Pizza? Pero para siyang shoe box, it can't be! Wait no! No Sisa! No! Behave! Focus! Be rational not emotional! Mamaya na arte!
"Give me your phone! Answer me, saan ka dumaan?!" Bulyaw ko na lamang ulit sa kanya.
Huminto siya sa pagtakbo. Aligaga niyang dinukot mula sa bulsa ang cellphone niya habang nililibot ang paningin sa kulay puting mga dingding.
"Teka di ko maintindihan?! Andito lang yun kanina! Teka nalilito narin ako! Sandali! Mama!" Mangiyak-ngiyak niyang sambit saka inabot sakin ang cellphone niya.
Muntikan kong maitapon ang cellphone nang makita kong walang ni katiting na signal pero buti nalang at naalala ko pa ang be rational not emotional mantra ko.
Wait, what if the white paint all over the place is ruining his sense of direction? Tipong optical illusion ba. Every wall and even the ceiling is white, might as well call us the new Confucious coz you know, we're confused—oh I'm so great, ngayon pa ako nakaisip ng pun. Way to go pandasisa, way to go. You're in the brink of death and you still come up with the pun, too bad I can't share it to the clouds.
"Run! Pagpatuloy natin paghahanap!" Giit ko kaya kapwa kami natatarantang nagtatakbo.
But wait..
"Ba't ka tumigil?!" Bulyaw sa akin ni Delivery boy nang huminto ako sa pagtakbo.
"Optical illusion!" Bulalas ko saka mariing tiningnan ang bawat dilim.
"Miss wag mo ako englishin! Gusto ko pang mabuhay!" Bulyaw niya sa akin sabay sapo ng ulo niya.
"Baka kulay puti ang pinto! Kapa delivery boy, kapa!" Hinahaplos ko ang dingding sa bawat dinadaanan namin sa pag-asang may mahihipo akong umbok—umbok ng pinto ha—this paint could be Tatang's trick. Ang cool sana ng trick niya kung hindi lang siya isang demonyong hipokritong nagkatawang ulol.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?