37.
The Dead Girl
Third Person's POV
"Good morning Jollibee Delivery!" Masiglang sigaw ni Ponzi sa pinto ng tinutuluyan ni Serenity. Kung ano-ano na ang sinisigaw niya ngunit sadyang ayaw siyang papasukin nito.
"Good morning hindi pa tayo bati!" Masigang sigaw naman pabalik ni Serenity habang nakaupo lamang sa kanyang sofa at nagsusulat sa kanyang notebook.
"Good morning para kang bata!" Sarkastikong sigaw muli ni Ponzi habang patuloy paring kumakatok.
"Good morning bata pa po talaga ako!" Pasaring pa ni Serenity.
"Hoy! Umagang-umaga ang ingay-ingay niyo!" Bigla na lamang may sumigaw kaya dali-daling binuksan ni Serenity ang pinto dahilan para agad na pumasok ang nakangisi nang si Ponzi at dali-daling naupo sa sofa.
"Teka..." Agad na nakunot ang noo ni Serenity, "Before you moved next-door, ako lang naman ang nakatira sa floor nato ah?!"
"Hoy! Umagang-umaga ang ingay-ingay niyo!" Biglang sigaw ni Ponzi gamit ang malalim na boses na siyang narinig ni Serenity kanina.
"Wow, now that's childish." Sarkastikong sambit na lamang ni Serenity nang mapagtantong naloko siya nito.
"Childish man, mahal mo parin." Pasaring ni Ponzi na nakangiting-aso na.
"Seriously Ponzi, sumama ka sa bible study tomorrow after sa early mass. Kailangan mo 'yun." Ganti na lamang ni Serenity.
"Sige ba! Andun ka eh!" Taas noong sambit ni Ponzi saka bigla na lamang napatingin sa notebook ni Serenity na nasa sofa, "May sinusulat ka na naman? Teka 'wag mong sabihing diary mo to?"
Bago pa man mabuklat ni Ponzi ang notebook ay dali-dali na itong inagaw ni Serenity at itinago sa kanyang likuran.
Bigla na lamang humalakhak si Ponzi at tiningnan si Sisa ng nakakaloko, "Serenity ikaw ha? Anong tinatago mo diyan? Nandiyan ang pangalan ko sa likod ng notebook mo no? Ayieee! Kayong mga babae ang hilig niyo pa naman sa mga vandal-vandal sa notebook. Ano Serenity? Anong resulta ng flames natin?"
"Flames? What in the world is that?" Kunot-noong sambit ni Serenity at isinilid na lamang ang notebook sa kanyang bag.
"Nga pala okay na ba ang paa mo? Saan ka ba nakaapak ng bubog kahapon?" Tanong ni Ponzi at hinila si Serenity dahilan para maupo ito sa tabi niya.
"Doon siguro sa bahay mo, andaming bubog doon eh. Teka ano bang nangyari dun at ang gulo?" Napabuntong-hininga na lamang si Serenity nang niyakap siya ni Ponzi mula sa likuran.
"Yung mga naglilipat kasi, aksidente nilang naitumba yung vase at aparador kaya nagkalat ang bubog at mga nasira. Nasugatan nga yung isa sa kanila kaya nagkalat yung dugo niya sa sahig. Teka baka nanananghalian sila nang dumating ka kaya wala kang nadatnan?" Tanong ni Ponzi habang nakapatong ang baba niya sa balikat ni Serenity.
"Baka nga. Nga pala, sa tingin mo magiging okay lang kaya si Dustin sa rehab? Ngayon daw kasi isa ia-admit doon eh." Pag-iiba ni Serenity ng usapan dahilan para agad na mapabusangot si Ponzi.
"Wala naman siguro akong dapat na ikaselos diba?" Tanong ni Ponzi kaya muling natawa ng bahagya si Serenity.
"Ni katiting wala. We're just friends. Promise, madapa man si Jojo." Giit ni Serenity.
"Mabuti naman kung ganun." Sabi pa ni Ponzi na ngayo'y abot tenga na ang ngiti.
"Nga pala, tapusin na natin yung workbooks mo. Baka mamaya, malimutan mo pa. " Aya ni Serenity pero agad na umiling-iling si Ponzi.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?