Chapter 43: Just a warning

50.3K 2.9K 772
                                    

43.

Just a warning

Sisa

"Thank God you're alive..." Umiiyak na sambit ni Ada nang muli kaming magkita sa hapagkainan. Nothing changed with Ada, Rose and Kerry... well aside from nadagdagan ang sugat at pasa nila sa katawan. Nakakalungkot kasi wala na si Paris pero okay narin siguro to kasi hindi na siya magdurusa araw-araw.

This is just like the old days, us girls—minus paris—strapped strapped in chairs around a damned table, trying to eat just to stay alive... the only difference right now is that it isn't just us... mas madami kami ngayon. I can't recognize some of them but judging from their bloodied face and swollen faces, we're suffering the same fate.

Ang nakikilala ko lang dito ay sina Rose, Ada at Kerry na nasa tabi ko.... At ang dalawang duguang ungas sa tapat ko—sina Dustin at Jojo.

"S-Sisa okay ka lang?" Tanong ni Dustin nang makita ako kaya ngumiti na lamang ako.

Nakakainis, siya tong mukhang binalibag ni Incredible Hulk pero ako pa ang tinatanong niya kung okay ako.

"I should ask you that." Biro ko nalang. Awang-awa ako sa hitsura ni Dustin, andami niyang bugbog na tinamo, ni hindi na niya maibuka ang kaliwang mata niya sa sobrang pamamaga. Ang kulay puti niyang damit, halos magkulay pula na dahil sa dugo.

"Alam ko na ngayon ang pakiramdam ng mga lamok..." Walang emosyong sambit naman ni Jojo na nakatingin lamang sa kawalan. Nakasandal lamang siya sa kinauupuan niya, ni hindi niya maigalaw ang mga kamay niya sa sobrang panghihina. Panay ang pagsinghap niya, hindi siya makahinga ng maayos. Kung pagbabasehan ang kulay pula niyang noo at mukha, mukhang nagpaka-pikachu na naman si Tatang. Sa sobrang panghihina ni Jojo, ni hindi niya magawang ngumiti gaya ng lagi niyang ginagawa.

"Dude you look like a fish out of water." Nakangiwing sambit ni Rose.

"Rose, quit fooling around. Kita mong hirap na hirap na ang tao." Giit ni Kerry saka napatingin kay Jojo, "Just do whatever he says, wag mo siyang gagalitin." Paalala nito.

"'Yan ba ang dahilan kung bakit kayo tumagal? Kasi sinusunod niyo siya?" Tanong ni Dustin.

"Survival is everything. Just do whatever he says. I've been here for years, I've seen so many horrible things. Obedience will keep you alive." Mahinang sambit ni Kerry habang nakatingin sa kawalan.

Napansin kong nakatingin sakin si Dustin kaya naman muli akong napatingin sa kanya.

"Nang sinabi mo noong 'See you in hell', hindi ko inakalang ganitong klaseng 'see you in hell' ang ibig mong sabihin" Biro niya pero imbes na tumawa, muli na lamang akong ngumiti ng tipid.

"Hindi to impyerno. Isa tong pasilidad para mailigtas kayo mula sa mga sarili niyo." Napatingin kaming lahat sa pinto at nakita namin si Tatang na may kinakadkad patungo sa kinaroroonan namin... Isang babae.

Di gaya namin, normal na damit ang suot niya. Hindi siya nakasuot ng kulay puting sleeveless shirt o white pajama gaya namin. Nakatali ang mga kamay at paa niya samantalang may busal ang bibig niya. Umiiyak siya, pilit siyang sumisigaw lalo na nang makita kami.

Walang ano-ano'y pinaupo ni Tatang ang babae sa pinakaunahang upuan na siyang lagi niyang pwesto bilang 'ama ng tahanan'... What the? Ano na naman kayang trip ni Tatang? Sino 'tong babaeng to?

Tinitigan ko ng maigi ang mukha ng babae hanggang sa bigla siyang napatingin sakin dahilan para agad kong maalala kung sino siya—Si Penny...

Napanganga ako. Hindi ako makapagsalita sa gulat at kilabot.

Patay na si Penny pero sino tong nakikita kong kamukhang-kamukha niya? Posible bang buhay pa talaga siya?

"Mga anak, isa mga pinaka-ayaw ko ay ang mga sinungaling kaya naman dinala ko siya sa inyong harapan bilang isang balala."Bigla siyang naglabas ng kutsilyo mula sa bulsa saka tinanggal ang busal sa bibig nito.

"P-please parang-awa mo na, hindi ako magsusumbong just please pakawalan mo ako." Pagmamakaawa niya sa pamamagitan ng mga hikbi niya matapos nito ay bigla siyang napatingin samin, "Please tulungan niyo ako! Ayoko pang mamatay! Tulungan niyo ako!"

"Pare-pareho lang tayo." Walang emosyong sambit ni Rose.

Biglang iniangat ni Tatang ang mukha ng babaeng kamukha ni Penny at itinutok sa leeg nito ang napakatalim niyang kutsilyo. Nagsigawan ang karamihan sa mga kasama ko, hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko pero nanatili akong nakatitig sa mukha ng babae... Fucky fuck kamukhang-kamukha niya talaga si Penny.

"Magpakilala ka at sabihin mo sa kanilang lahat ang kasalanan mo." Maotoridad na sambit ni Tatang at mas diniinan pa ang kutsilyo sa leeg nito.

Lalo akong kinilabutan. Bigla kong naalala ang takot ko dahil sa kutsilyong nakadiin sa leeg ko noong mga panahong muntik akong mapatay ng Crimson Ripper—ni Lucia Grady.

Hirap mang magsalita dahil sa pag-iyak, pilit na nagsasalita ang babae, "A-ako si Penny Roldan, at nakipagsabwatan ako sa Crimson Ripper pati kay Mr. Monterro... Nalaman kong si Mrs. Grady ang Crimson Ripper at kinumbinsi nila akong magpanggap na nagpakamatay para magsimula ulit ang patayan... Nagpanggap akong patay! Nagsinungaling ako! Please 'wag mo akong papatayin! Please parang-awa mo na!" Pagmamakaawa niya na halos hindi makahinga kaiiyak.

Wait so she's alive all along?! That explains the hole in Mrs. Grady's comeback! Years ago, the Crimson Ripper started killing after a good nerdy girl committed suicide. Few months ago, Mrs. Grady a.k.a The Crimson Ripper went out of her hiatus and killed again after penny-sayang-di-plural committed suicide but we found signs of foul play hence contradicting The Crimson Ripper's goal of 'getting rid of bad girls' since Penny is a good nerdy girl. I get it now... those footprints on the rooftop, ang hindi pag-andar ng mga cctv camera, the lack of witnesses—they all make sense now! There was no foul play, it was just a staged suicide! Kaya pala walang ibang nakakita sa pagtalon at pagbagsak ni Penny, kaya pala si Sir Monterror lang ang nagdala sa kanya sa ospital!—Whoa, contaminated nga siguro talaga ang water system dito sa Crimson Lake, parang may sapak lahat eh.

Bigla kong napansing nakatingin sakin si Tatang, "Babala 'to para sa inyong lahat na 'wag na 'wag magsisinungaling at magpapanggap."

Walang ano-ano'y bigla na lamang niyang ginilitan ng leeg si Penny at sa harap pa naming lahat. Nagtalsikan ang dugot-laman ni Penny sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Nakakadiri. Nakakapangilabot. Umalinagwngaw ang malakas na sigawan ng mga kasamahan ko.

"Serenity! Serenity wag mo siyang titingnan! Serenity Just look at me!" Naririnig kong sambit ni Dustin pero hindi ko na magawang makagalaw pa.

Naramdaman ko nalang ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa matinding takot. Napakabilis ng tibok ng puso ko na para bang sasabog ito. Nakatingin parin si Tatang sakin, alam kong ako ang pinapatamaan niya. Naka-strike two na ako—una nagsinungaling akong inatake niya ako, pangalawa nagpanggap akong walang naalala... Oh fuck, I can feel tatang's love already.

Ohfuckyeetatang

Rest in Peace Sisa.

END OF CHAPTER 43.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon