35.
The verdict
Third Person's POV
"Jusko Jojo! Ano na naman yang nakatali sa ulo mo?! Pwede bang umayos ka?! Baka mamaya makita ka na naman ni Mama, tataas na naman blood pressure 'non!" Bulalas ng nakatatandang kapatid ni Jojo sa pagpasok pa lamang ng binata sa kanilang bahay.
Napangiwi na lamang si Jojo at nahilata sa sofa habang bitbit pa ang bag at may bandana pa sa kanyang ulo, "Ate Gigi naman eh! Cute parin ako! Okay lang 'yan!"
Agad na tumama ang isang unan sa pagmumukha ni Jojo, "Bwisit ka! Naaamoy ko ang insenso ni Lolo! 'Wag mong sabihing pinakailaman mo na naman ang mga laman ng baul niya?!" Bulyaw naman ng kuya niya sa kanya.
"Kuya Toto kalma lang!" Sigaw na lamang ng naiinis nang si Jojo saka marahas na napakamot sa kanyang ulo.
"Hoy Jojo, umakyat ka nalang nga muna sa terrace at samahan mo dun si Lola. Kanina ka pa hinihintay nun, alam mo namang ikaw lang ang marunong ng mah-jong sa bahay nato." Maotoridad na sambit ng Ate ni Jojo sa kanya.
"Mah-jong na naman tapos kung susumpungin, mukha ko na naman ang tatargetin? Astig talaga 'tong si Lola, bagay talaga sa kanya ang apelyidong Tirador." Naiinip na sambit ni Jojo at walang magawa kundi umakyat na lamang sa hagdan.
"Jo, sabihin mo rin kay Lola na darating ngayon si Pastor Will." Pahabol ng ate niya sa kanya dahilan para muli siyang pangiwi na animo'y diring-diri.
"Ano?! Naka-move on na si Lola sa pagkamatay ni Lolo?!" Sigaw ni Jojo dahilan para muli siyang pagbabatuhin ng mga nakakatanda niyang kapatid.
***
"Ba't parang ang lalim yata ng iniisip mo?" Tanong ni Ponzi nang mapansing tila ba balisa at nananahimik si Serenity habang naghahapunan sila sa tinitirhan nito.
"I don't know anymore." Mahinang tugon nito at napasandal na lamang sa kinauupuan.
"Sabihin mo sakin baka makatulong ako." Giit ni Ponzi.
Ngumiti si Serenity at umiling-iling, "Andami mo ng naitulong sakin at isa pa wala naman 'to. I'm just over-thinking stuff, don't worry."
"S-serenity may naalala ka na ba?" Tanong muli ni Ponzi.
"Wala parin, nakakainis nga eh. Though sometimes yung mga panaginip ko parang memory na ewan. Di ko masigurado kung panaginip lang ba sila na gawa ng subconscious ko o manifestation sila ng totoong alaala ko." Huminga ng malalim si Serenity muling pinilit ang sariling ngumiti, "Pakiramdam ko walang patutunguhan 'tong buhay ko, para akong isang pasaherong papalit-palit ng sinasakyang jeep kasi hindi ko alam kung ano ang destinasyon ko o may patutunguhan ba ako." Muling umiling-iling si Serenity at natawa na lamang, "Don't mind me, nasobrahan lang siguro ang nalanghap kong usok thanks to Jojo." Biro na lamang nito.
Hinawakan ni Ponzi ang kamay ng ni Serenity, "Kung masaya ang napapanaginipan mo, siguro nga totoong parte yan ng alaala mo."
"Thank you Ponzi... for everything." Sambit ni Serenity, "Sorry kung minsan pabigat na ako sayo pero maraming salamat kasi kahit hindi kita maalala, andiyan ka parin sa tabi ko." Dagdag pa nito saka hinawakan pabalik ang kamay ng binata.
"Ang weird mo talaga ngayon. Hindi ako sanay." Hindi mapigilan ni Ponzi na matawa dahilan para mapangiwi si Serenity at mapabitaw sa kanya.
"Masanay ka na." Giit ni Serenity na animo'y naiinis. "Umuwi ka na nga sa inyo! Baka hinahanap ka na ng parents mo!" bulyaw pa nito.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Bí ẩn / Giật gânThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?