Note: Hi osum peeps of wattyworld! Please do not post spoilers on public platforms. Iwasan nating maging spoiler sa iba ha? hahaha. Let's be considerate on others. Dito sa wattpad comment section nalang kayo maglabas ng feels (kung meron man) Hahaha. Marami pa kasing readers ang hindi nakakahabol plus it would waste all my hard work on this book kung mas-spoil lang. Sana naman pagbigyan niyo ako. Haha. Btw, Thank you sa inyong lahat na nakaabot sa epilogue! :))) Thank you for reading the Ripper series! *Pinasabog si Tatang* I hope you enjoyed reading the series as much as I enjoyed writing it! Mwa mwa
R U RIDI?
UKI, LISDUDIS
SA PALAWAN IKSPRIS~~ *JUNISHA PUS*
BWAHAHAHAHA
***
The Ripper Series #3
Never Cry Murder
Epilogue (Part 1 of 2)
"'Kirby 'wag kang magulo! Kailangan kong mag-concentrate!" Inis na sambit ni Kirk at mas hinila papalapit sa kanya ang paa ng kapatid na mayroon paring cast. Seryosong-seryoso si Kirk habang patuloy itong ginuguhitan gamit ang marker.
"Kuya naman eh! Sabi ko stick-o ang i-drawing mo! Ba't nagmukhang patotoy?!" Inis na sambit ni Dustin na halos malaglag na sa mahabang upuang kinaroroonan nilang magkapatid.
"Mukha kang patotoy, wag kang magulo." Biro ni Kirk kaya naman agad siyang binatukan ni Dustin.
"Lintik! 'Wag kang mambatok!" Inis na sambit ni Kirk at binatukan pabalik ang kapatid dahilan muntikan itong malaglag mula sa upuan.
"Hoy! Wag kayong mag-away!" Sita sa kanila ng isang warden na kabilang sa nagbabantay sa kanila kaya naman magkasabay na ngumiti at nag-peace sign ang magkapatid na animo'y inosente.
Nang makalayo na ang warden ay napabuntong-hininga na lamang si Dustin at pinagmasdan ang harding kinaroroonan nila. Hindi lang silang magkapatid ang tumatambay rito, kasama rin nila ang iba pa nilang mga kakosang gaya nila'y nakasuot ng kulay kahel na damit.
"Kuya paano mo natagalan ang lugar nato?" Tanong ni Dustin.
"Kasi alam kong ito ang dapat. 'Wag kang mag-alala, masasanay ka rin." Nakangiting sambit ni Kirk.
Muling napabuntong-hininga si Dustin at napatitig sa kalangitan na animo'y napakalalim ng iiisip.
"Ano na naman ang iniisip mo?" Tumatawang sambit ni kirk at pabirong ginulo ang buhok ng kapatid.
Ngumiti na lamang si Dustin, "Naalala ko lang si Ate Tammy, sa tingin mo kamusta na siya?"
Ngumiti si Kirk at pinagmasdan ang mga ulap sa kalangitan, "Siguradong masaya na siya ngayon kung nasaan man siya."
"Consulacion may bisita ka!" Biglang sigaw ng isa mga warden kaya naman agad na nakunot ang noo ni Dustin at Kirk.
"Teka, diba kakabisita lang nila Tita at Tito kanina?" Tanong ni Kirk kaya napaangat na lamang ang naguguluhang si Dustin sa kanyang mga balikat.
****
Nagulat si Dustin nang makita ang walang kaemo-emosyong si Ponzi pero sa kabila nito ay naupo na lamang siya sa tapat nito.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?