21.
Truth or Perish
Third Person's POV
"Love me like you do, lala-love me like you do, touch me like you do, tata-touch me like you do. What are you waiting for!" Pakanta-kanta pa ang binatang si Jojo Tirador habang ipinaparada ang kanyang bisikleta sa labas ng abandonadong bahay. Nakakabit sa kanyang leeg ang isang kulay pulang unan samantalang sa tenga naman niya ay ang kanyang headphones na sinasabayan niya sa pagkanta.
Naguguluhan siya kinaroroonan kaya tiningnan na lamang niya ulit ang kanyang cellphone para makasigurado.
"Anong ginagawa mo dito?!"
Sa gulat ni Jojo ay agad niyang hinugot mula sa loob ng backpack niya ang isang animo'y tennis racket na gawa sa plastic at agad itong iwinasiwas na para bang isa itong espada.
"Lintik kang Tirador ka!" Napasigaw na lamang ang binatang si Ecleo nang tamaan siya nito sa noo at makuryente ng bahagya.
"Ecleo?!" Gulat na sambit ni Jojo na agad na nakahinga ng maluwag. "Sorry wag mo kasi akong ginugulat!" Sabi pa nito saka umalis na lamang sa kanyang bisikleta.
"Tangina! Ano yun! Ba't may kuryente?!" Galit na sambit ni Ecleo habang hinihimas ang noong kumikirot parin.
"Pamatay ko to ng lamok, cool diba? Ayokong magaya sa kapatid kong nagka-dengue kaya dadalhin ko na to 24/7! Kesa ba naman magpausok ako ng katol parati, ito nalang." Pagmamayabang pa ng binatang si Jojo kaya napangiwi na lamang si Ecleo at sinamaan ito ng tingin, tila ba nagbabanta.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, anong ginagawa mo dito?! May iba ka pa bang kasama?!" Muling giit ni Ecleo habang nililibot ang paningin sa paligid kaya napabuntong-hininga na lamang si Jojo at ngumisi.
"Solo flight lang ako syempre. Andito ako kasi hindi ako makatulog, atat na atat na ako sa inorder kong bomba kaso di sinasagot ni Agapito ang mga tawag ko! Brad, tuyong-tuyong-tuyo na ang kaluluwa ko! Kailangan ko na ang pornograpiya ko! Wala kang ideya gaano kahirap manood online, sawang-sawa na ako sa loading at buffering!" Desperado at problemadong sambit nito.
"Paano mo nalamang nandito kami?!" Muling tanong ni Ecleo na mistulang naubusan na ng pasensya at tuluyan ng kinwelyohan ang nagdadramang binata.
"Teka teka, chill-chill tayo pre! Retire na ako sa suntukan! Pang romansa nalang tong katawan ko, hindi na para sa riot!" Giit ni Jojo habang pilit itong pinapakalma lalo na't alam niyang wala siyang kalaban-laban kay Ecleo, "Ang totoo niyan, may kakilala akong henyong hacker, ginawan niya ako ng application na parang tracking device, ginamit ko yun para i-trace at sundan si Ponzi hanggang sa mapadpad ako dito! Teka, ano nga palang ginagawa niyo dito? Hala, wag niyong sabihing may inorder kayong chicks?"
Napabuntong-hininga na lamang si Ecleo at binitawan si Jojo.
"Kung ganun maari mong ma-trace ang kahit na anong cellphone?" Tanong ni Ecleo kaya muling ngumisi si Jojo na tila ba nagmamayabang.
"Oo kaso siyempre may bayad." Bumubungisngis na sambit ni Jojo ngunit agad na nawala ang ngisi sa mukha niya nang makitang mistulang galit na si Ecleo, "Pero dahil ayaw kong mabugbog, libre na sayo." Pagbawi nito saka ngumiti ng inosente.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?