SPECIAL CHAPTER:
First words
"Yes Mom. We already had dinner, I already locked the doors and set-up the alarm. You guys have nothing to worry about. Just enjoy your weekend vacation with Julia's parents. We'll be fine. Love you." I immediately hung-up bago pa man siya maka litanya ng pagkahaba-haba. Yeah, I'm still osum. Come to think of it, I got osummmah! Wow I'm so osum up to the point that I need to have my own dictionary for every shit I come up with, lemme just call it a sisactionary.
"Sleep well kiddo." Napangiti na lamang ako sa ngayong mahimbing nang natutulog si Twinkle sa loob ng crib niya. Matapos kong mailagay ang baby monitor sa tabi niya ay agad kong hinalikan ang pisngi niya. Ang cute niya talaga! Buti nalang talaga at sakin siya ipinagkatiwala ng parents ni Julia ngayong nasa bakasyon sila.
Matapos kong masiguradong komportable si Twinkle ay bumalik ako sa living room kung saan ko naiwan ang mga books at notes ko. Hay, weekend na weekend andami kong homeworks at workbooks na dapat sagutan. May Twinkle pa na wagas kung makadistract. Buti nalang walang—wait what is that smell?! Why can I smell Ponzi's perfume? Why can I also smell the wonderful yet seducing scent of Pizza?!
"Ponzilita what the hell are you doing here?!" Napasigaw na lamang ako sa gulat nang maabutan ko si Ponzi na natutulog sa sofa habang nakapatong naman ang tatlong box ng pizza sa mga books kong nasa center table. I don't know what makes me happier, ang three boxes of pizza or the fact na sa wakas nagkita na kami ni Ponzi after a week of missing his gummy face.
Hindi kumikibo si Ponzi. Napakahimbing na ng tulog niya, parang pagod na pagod siya. Wait come to think of it, he's still wearing his uniform and ID. Don't tell me, he drove for three hours straight right after class para lang pumunta dito?
"You are the sweetest yet the stupidest Agapito Zosimo." Napabuntong-hininga na lamang ako. Pupunta sana ako sa kwarto ko upang kumuha ng kumot at unan para sa kanya pero laking gulat ko nang bigla na lamang niyang hinigit ang kamay ko ng malakas dahilan para mahiga na lamang ako sa balikat niya.
"Dito ka lang." Pikit-mata niyang sambit at niyakap ako ng mahigpit.
"Ulol ka rin talaga eh no? Paano ka nakapasok?" Tanong ko saka yumakap sa kanya pabalik. Kapwa namin ipinagkakasya ang isa't-isa sa napakalambot na sa sofa. Kahit mukhang pagod na pagod siya mula sa school at pagd-drive napakabango niya parin, nakakainis.
"Sinabi mo kaya sakin ang passcode dito." Natatawa niyang sambit habang nakapikit parin. Oo nga naman, muntik ko nang makalimutan.
"Hey next time just call me when you decide to drop by. Nakakatakot kasi kung bigla kang pasulpot-sulpot. Alam mo namang praning pa ako dahil sa mga nangyari last year diba?" Paalala ko habang pinagmamasdan ang mukha niya.
It's been almost a year. I'm not done with my therapy sessions yet and yes, I still have nightmares.
"Sorry." Natatawa niyang sambit, "Gusto lang talaga kitang sorpresahin kaso antagal mo dun sa kwarto kaya nakatulog na ako dito." Aniya pa kaya napabusangot na lamang ako at hinalikan siya sa pisngi dahilan para unti-unting dumilat ang mga mata niya.
"Yun lang? I drove all the way here just for that?" Sarkastiko niyang sambit habang nakangisi kaya agad kong kinurot ang ilong niya.
"Ba't ka ba kasi nagpunta dito? You should've just rested at home right after class tutal Saturday pa bukas." Biro ko pero lalo lamang lumapad ang pilyong ngisi sa mukha niya.
"Nabalitaan ko kasing wala ang parents mo this weekend Hihihi." Aniya kaya agad akong napangiwi. See this is what happens when my boyfriend hangs out with jomomo—ugh jomomo this is yow fault ye fool!
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?