31.
The words he longed to utter
Third Person's POV
"Ponzi naman eh, sigurado ka ba talagang hindi niya ako sasaktan? Baka bigla siyang mag-killer mode sakin!" Habang nasa elevator ng ospital ay hindi na mapigilan pa ni Serenity ang nararamdamang kaba.
"Magkaibigan kayo, pangako hindi ka sasaktan ni Dustin. Hindi siya gaya ng nababasa mo sa newspaper o nababalitaan mo sa tv. Hindi siya isang halimaw gaya ng sinasabi ng iba. Basta yung sinabi ko 'wag mong kalimutan..." Giit ni Ponzi saka pabirong ginulo ang bangs ni Serenity.
Napabuntong-hininga na lamang si Serenity, "'Wag babanggitin ang tungkol sa kapatid niya, 'Wag siyang huhusgahan, 'Wag siyang gagalitin at May Girlfriend na siya—I know, hindi ko kakalimutan." Sabi pa nito habang inuulit ang bawat bilin ng binata.
Biglang tumunog ang elevator saka bumukas dahilan para agad lumabas mula rito ang dalawa.
"Hindi mo ba talaga ako sasamahan?" Muling tanong ni Tanong ni Serenity nang makita ang iilang mga nagbabantay sa labas ng kung saan pansamantalang tumutuloy si Dustin upang magpagaling.
"Kayo ang magkaibigan, hindi kami." Giit ni Ponzi kaya napangiwi na lamang si Serenity.
"Nga pala ba't andito pa siya sa ospital? Diba yung kasabwat niya nakulong na?" Usisa ni Serenity.
"Inoobserbahan pa siya dahil sa kundisyon niya, hindi pa gumagaling ng tuluyan ang mga injuries niya at isa pa menor-de-edad pa siya kaya ginagawang prayoridad ang psychological status niya. Pinagde-debatehan pa kung saan siya mapupunta kaya pansamantala muna siyang andito." Paliwanag ni Ponzi kaya tumango-tango na lamang ang dalaga.
Sa isang iglap ay bigla na lamang lumabas ang isang matandang lalaki mula sa kwarto ni Dustin dahilan para mahinto sa paglalakad sina Ponzi at Serenity.
"Omo! Si Pastor Will!" Nakangiting sambit ni Serenity.
"Ah, siya pala yung sinasabi mo. Teka, bulag ba siya?" Tanong ni Ponzi nang mapansing may bitbit itong tungkod at naka-eyeglass ito.
"Yup, he's been blind ever since he was a kid dahil sa isang accident but never siyang sumuko. Tingnan mo naman, siya na ngayon ang gumagabay sa lahat." Pagmamalaki ni Serenity at parang isang batang sabik na nagtatakbo papunta rito upang magmano.
"Hello po Pastor Will! Si Serenity po 'to!" Bati agad ni Serenity dito.
"Serenity hija, anong ginagawa mo dito sa ospital? May nangyari ba?" Nag-aalalang sambit ng matanda nang malamang ang dalaga ang lumapit sa kanya.
"Wala po Pastor, gusto ko lang pong makausap ang lalake diyan sa loob. Everyone needs a friend to lean on right?" Paliwanag ni Serenity dahilan para agad itong tumango-tango.
"Ang bait mo talagang bata, sige hija mauna na ako. Pagpalain ka." Paalam ng pastor na agad inalalayan ng isa sa mga pulis paalis.
"Nasusunog na ang sungay ko sa sobrang bait niyo." Pasaring ni Ponzi nang makalayo na ang pastor.
"Mabait ka din naman ah? Madami nga lang kalokohan." Giit ni Serenity.
"Ganyan ka rin noon. Pumasok ka na nga lang." Giit naman ni Ponzi at pabirong itinulak si Serenity papasok sa kwarto ni Dustin.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?