Chapter 29: A new chapter

57.7K 3K 4.2K
                                    

29.

The New Chapter

Third Person's POV


To Serenity: Good Morning :)

From Serenity: Good Morning din po! Start your day with a smile po :)

To Serenity: Wag mo na akong i-po :)

From Serenity: Sure thing, sorry :) hehe


Napabuntong-hininga na lamang si Ponzi at naibagsak ang mga balikat sa inis dahil hindi na niya alam anong ire-reply pa sa dalaga. Gusto niya itong makausap ng matagal pero sadyang wala na siyang ideya kung ano pa ang sasabihin dito.


Itinago na lamang ni Ponzi ang cellphone sa kanyang bulsa saka pumasok sa opisina ni Chief Hidalgo at naabutan niya itong abala at tambak pa ang mga papeles sa mesa.


"O Hijo? Kamusta ka na?" Agad na tanong nito nang makita si Ponzi. "Antagal na kitang di nakita mula nang—"

"Buhay siya." Agad na bulalas ni Ponzi dahilan para makunot ang noo ng pulis.

"Sino?" Tanong nito.

"Si Sisa... Serenity pala." Nakangiting sambit ni Ponzi.

"Ha? Paano nangyari 'yon? Magandang balita 'yan pero totoo ba talaga 'yan?" Naguguluhang sambit ng pulis na labis na naguguluhan.

"Nagtagumpay ang programa." Mahinang sambit ni Ponzi dahilan para masapo na lamang ng pulis ang kanyang noo.

"Kaya pala hanggang ngayon hindi pa kine-claim ang bangkay, kanino bang bangkay 'yon? Andami ng namatay pero ni isang sangkot sa programa hindi pa nahuhuli." Paghihimutok ng pulis kaya nakunot ang noo ni Ponzi.

"Wala parin kayong lead hanggang ngayon?" Pasaring ni Ponzi.

"Sinunog nila ang buong pasilidad gaya ng nangyari noon, ni isang ibedensya wala na kaming naisalba o nakuha....magaling sila." Pag-amin na lamang ng pulis.

Aalis na sana si Ponzi nang muling magsalita si Chief Hidalgo.

"Hijo tatlong linggo na ang nakakaraan, may natagpuang bangkay ng lalake sa isang abandonadong bahay, pinahirapan ito ng todo.... Hindi naman siguro kayo ang may gawa nun diba?" Tanong ng nag-aalangang pulis kaya napabuntong-hininga na lamang si Ponzi.

"Hindi kami ang pumatay sa kanya." Tahasasan nitong sagot.



*****


Matapos kumatok sa pinto ay agad na pumasok si Ponzi sa opisina ng bagong Guidance Counselor ng Crimson Lake University.

"Agapito, I saw your records and apparently you've been gone for 3 weeks right?" Tanong kay Ponzi ng isang may edad ng babaeng animo'y napakataray.

"Opo ma'am, nagka-emergency lang po kasi." Sagot na lamang ni Ponzi.

"Well then don't expect to get good grades from your Professors. But then again we saw your old records both from this semester and back when you were in high school, you have decent grades and you have quite a lot of extra-curricular activities to back-up your skills and responsibilities so your Professors decided to give you another chance. They are willing to give you a passing grade only if you complete these tasks and requirements." Sambit nito at iniabot kay Ponzi ang tatlong makakapal na workbook at isang listahan ng requirements. Magrereklamo sana si Ponzi sa dami ng kailangan niyang gawin nang bigla na lamang bumukas ang pinto.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon