Chapter 3 : Love and other stuff

77.2K 3.4K 2K
                                    

3.

Love and other stuff

Sisa

“Andito ka parin? Wala ka bang balak umuwi sa inyo?” Bulalas ng doktor nang pumasok siya sa kwarto ni Spermy at madatnan ako rito sa sofa.

“Spare me the lecture bruh. Shut your yaps and let me continue my sleep okay?” Giit ko na lamang at saka muling binaon ang mukha ko sa malambot na unang yakap-yakap ko.

“Bata, umuwi ka na muna sa inyo. Tatlong araw ka na dito eh. May nurse naman na magbabantay sa kanya habang wala ka.” Giit naman ng doktor kaya napangiwi na lamang ako’t sinamaan siya ng tingin.

“Three days? Docky-doc-doc, I can so stay here forever. I got clothes, bathroom, a comfy couch, free wifi and a beautiful supply of food. This is super duper enough.” Pagmamalaki ko  sabay turo sa empty boxes ng pizza na nasa sahig, “And I’m not bata. I have a baby face though.” Dagdag ko pa.

Tumawa siya. Shet, nang-o-offend ba ‘to?

“Okay red head. Now give me your parents’ contact number para makausap ko sila ng personal tungkol sa hospital expenses ni Borneo.”

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napaupo.

Oo nga pala. Pero shet, hindi nila pwedeng malamang andito ako. I have to get to the bottom of things first. I have to avenge Julia’s death. I have to find her baby.

“I’ll pay you with my own credit card. You don’t have to contact my parents. Please don’t tell anyone I’m here okay? I’ll pay you personally too just shut your yaps!” Giit ko saka agad na kinuha ang wallet mula sa bag ko. Double shet! Cash lang pala ang dala ko, naiwan ko sa dating bahay nila Dusty ang mga ‘yon. “You know what, I’ll be back.” Tumawa na lamang ako at tumayo saka inayos ang buhok kong gulong-gulo parin. Kailangan kong bumalik dun sa dati kong tinitirhan, I should get my credit cards and other stuff back.

“Go home red head.” Aniya pa. “Teka ano nga pala pangalan mo?”

“Mamatay ang magtanong.” Sagot ko sabay flip ng hair ko. Pero siyempre joke lang. This doctor is pretty young tas mukhang cool naman siya kaya magaan ang loob ko sa kanya enough para makipagbiruan ako.

“O sige, tatanungin ko nalang yung boyfriend mo sa kabilang kwarto.” Pang-iinis niya pa kaya gaya niya, ngumisi rin ako. I know who he’s pertaining to. Paminsan-minsan kasi, dumadayo rin ako sa kwarto ni Dustin. It gets boring here in the hospital kaya siyempre kailangan ko rin ng kausap.

“Correction, its ex-imaginary future-boyfriend and I’m so over him.” Pagdidiin ko saka taas noong lumabas mula sa kwarto.

Hanggang sa maglakad ako sa pasilyo ay nakataas-noo parin ako. Wala eh, osum ako eh. Pero shet, andun pa kaya ang mga gamit ko? Baka kinuha na yon nila Mommy, lagot talaga ako dun. Kasalanan ni Ponzi ang lahat ng ‘to. Dapat talaga hindi ko siya pinagkatiwalaan. Mas malaki pa siyang traydor kay Dustin. Hayop siya. Wait, speaking of that Agapito shet, ba’t parang naririnig ko ata ang boses niya?

“Chief, hindi ba sapat yung video para gumaan ang kaso nila Kirk at Dustin?”

“Buong Crimson Lake ang kalaban nila. Kung pwedeng mailipat ang jurisdiction ng kaso, baka may laban pa sila.”

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon