5.
Finding Serenity
THIRD PERSON’S POV
“Ponzi, You really can’t stay mad at me right?”
“Sisa pwede bang tumahimik ka muna kahit ilang oras lang!”
“Are you sure? Kasi you’re gonna miss my voice when I’m gone.”
Napapikit na lamang si Ponzi nang muling magbalik sa isipan niya ang nakangiting mukha ni Sisa habang nakakapit ito sa balikat niya.
“You are so gonna miss me when I’m gone Agashito.”
Hindi na nakapagpigil si Ponzi at marahas niyang naisara ang pintuan ng kanyang locker dahilan para mapatingin sa kanya ang mga estudyanteng nasa malapit.
Napansin ni Ponzi na nasa kanya na ang atensyon ng lahat kaya walang kaemo-emosyon niyang pinulot ang packbag niyang nasa sahig at naglakad palayo na para bang nagpupuyos na sa galit.
“Bad mood si Pirata ngayon ah?” Bigla na lamang humarang sa kanya ang isang payat at hindi gaanong katangkad na lalaking nakasuot ng kulay pink na birthday hat na gawa sa karton.
Hindi kumibo si Ponzi, lalampasan niya lang sana ito matapos binigyan ng matalim na tingin pero muli siya nitong hinarang. “Hungry? Grab a snickers! You’re not you when you’re hungry!” Patawa-tawang Pange-endorso nito sabay abot ng isang piraso ng isang sigarilyong may nakasulat na snickers sa gilid gamit lamang ang ballpen.
“Tantanan mo nga ako Jojo.” Naikuyom ni Ponzi ang kanyang kamao. Akmang magpapakawala na siya ng suntok sa pagmumukha ng tumatawa paring si Jojo nang bigla na lamang niyang maaninag si Ecleo mula sa malayo. Naglalakad ito palayo bitbit ang isang backpack at maliit na kahon.
“Ecleo!” Sigaw ni Ponzi at agad itong hinabol.
Hindi humihinto si Ecleo sa paglalakad kahit pa naririnig niya si Ponzi. Tumigil lamang siya sa paglalakad nang tuluyan siyang maharang ng galit na si Ponzi.
“Problema mo?” Matigas na sambit ni Ecleo na animo’y umiiwas kay Ponzi.
“Nasaan si Sisa?” Mariing sambit ni Ponzi na nagpupuyos na sa galit. Dahil sa galit, nanlalaki na at namumula ang mga mata nito. Walang ibang estudyante o guro sa pasilyong kinaroroonan nila kaya naman boses lamang nila ang nananaig sa pasilyong napakatahimik.
“Ano?” Kunot-noong sambit ni Ecleo.
“Sabihin mo sakin nasaan si Sisa?!” Bigla na lamang hinigit ni Ponzi ng marahas ang kwelyo ng damit ni Ecleo na animo’y handang sakalin ang binata ano mang oras.
“Anong nangyari kay Sisa?” Naguguluhang sambit ni Ecleo na animo’y walang kamalay-malay sa itinatanong ni Ponzi.
“Siguro may kinalaman ka nga talaga sa nangyari kay Zepp, imposibleng mamatay si Zepp sa kamay ng isang matandang lalakeng sugatan dahil sa aksidente. Imposibleng madala kayo ni Sisa sa ospital ng matandang lalakeng sugatan. Ano? Tama ako diba? May kinalaman ka sa pagkamatay ni Zepp? Natuklasan ba yon ni Sisa kaya siya naman ang kinuha mo?!” Giit ni Ponzi na tila ba siguradong-sigurado sa bawat salitang binibitawan.
Nanlaki ang mga mata ni Ecleo sa narinig. Agad niyang winakli ang kamay ni Ponzi at napaatras. Mistula siyang naapektuhan sa sinabi ni Ponzi pero sa kabila nito ay hindi siya nagpahalata, taas noo niyang binigyan ng matalim na tingin si Ponzi.
“Wala akong alam sa sinasabi mo. Kung nawawala nga si Sisa, hanapin mo siya. Nakita mo anong nangyari sa kanilang mga nawawala, sa tingin mo maililigtas mo si Sisa sa pambibintang mo?” Nagsimulang maglakad palayo si Ecleo samantalang napako lamang sa kinatatayuan si Ponzi at naiwang nakatingin sa kawalan.
***
“Look Ponzi, I’m with you on this. Whatever happens, I’ll always side with you.”
“Hayop ka Ponzi! Traydor!”
Muling nasapo ni Ponzi ng marahas ang kanyang ulo nang muli na namang bumalik sa isipan niya ang alaala ni Sisa. Napasandal siya sa kinuupuan at napatingala na lamang sa kisame saka napabuntong-hininga.
“Mr. Agapito, are you even paying attention to my class?!” Bulyaw ng matandang babaeng guro ni Ponzi pero hindi natinag si Ponzi. Nanatili lamang ito sa kanyang posisyon na para bang walang naririnig sa kanyang paligid.
“Psst… Psst…”
Walang kamalay-malay si Ponzi na nasa tabi na naman pala niya si Jojo na gaya kanina ay nakasuot parin ng birthday hat at may pilyong ngisi sa pagmumukha.
“Narinig ko ang usapan niyo ni Ecleo kanina. Kaya ka ba nagkakaganyan kasi nawawala si Sisa? Alam mo matutulungan kitang mai-trace ang cellphone niya. Sa maniwala ka o hindi, matutulungan kita.” Sabi pa ng nakangising si Jojo bagay na tuluyang pumukaw sa atensyon ni Ponzi.
“Anong kapalit?” Unti-unting lumingon si Ponzi sa kanya.
“Itinatanong pa ba yan?” Humalakhak si Jojo na animo’y ginagaya ang mga kontrabido sa pelikula, “Kaibigan, Pornograpiya siyempre. 10GB, High Definition, Siguraduhin mong walang virus.” Sabi pa nito saka pasimpleng inabot kay Ponzi ang isang flash drive.
****
“Opo pa, kinuha ko lang po mula sa school ang iba kong gamit baka kasi may maiwan ako, inayos ko narin po ang transcripts ko. Susunod na po ako diyan. ” Matapos makapagpaalam ay agad na binaba ni Ecleo ang kanyang cellphone at sumakay na sa kanyang kotse.
Magmamaneho na sana siya upang umalis na ng Crimson Lake pero muli niyang naalala ang mga sinabi ni Ponzi dahilan para muli niyang kunin ang cellphone mula sa bulsa niya.
“Hijo ba’t ka napatawag? Pinaghahanap parin ba nila ako?!” Nag-aalalang sambit ng may-edad ng lalaki sa kabilang linya.
“Sir…” Saglit na nilibot ni Ecleo ang paningin na animo’y sinisiguradong walang ibang nakakarinig sa kanila, “Sir nawawala po si Sisa. Alam niyo po ba kung sino ang maaring kumuha sa kanya?” Muling nilibot ni Ecleo ang paningin, “Ang programa ba?”
END OF CHAPTER 5.
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?