Chapter 27: Epilogue

59.4K 3.1K 3.3K
                                    

27.

Epilogue

Third Person's POV

THREE DAYS LATER

Binuklat ni Dustin ang hawak na yearbook at agad na bumungad sa kanya ang litrato kung saan magkakasama sina Tammy, Calix, Tyler, Quinn at Milky. Magkakaakbay ang lima at abot-tenga ang ngiti habang suot-suot ang mga toga nila sa araw ng kanilang Highschool Graduation.

"Ganda ng kapatid mo dudung." Biglang sambit ni Jojo sabay turo sa mukha ni Tammy na napakasaya. "Anyare sayo? Naabsorb ba ni Tammy lahat ng bitamina ng nanay niyo kaya wala ng natira para sayo?" Tumatawang sambit ni Jojo kaya natawa na lamang si Dustin ng bahagya at muling pinagmasdan ang iba pang litrato sa pahina.

"Ang manyakis talaga ng hitsura ni Ford pag nakabungisngis." Komento pa ni Jojo nang makita ang litrato nito.

"Ikaw din naman ah? Mas malala nga yung sa'yo kasi mukha kang Rapist na sumasideline bilang batang hamog sa kanto. Lahat ng mga nakakasabay mo sa jeep, napapahawak ng mahigpit sa mga bag nila. Manyakis na nga, mukha pang holdaper." Pabirong pasaring ni Dustin kaya agad na suminghal at ngumiwi si Jojo.

"Tangina Consulacion, parang inuunsulto mo na ang kaluluwa ko ah? Hindi ka ba marunong umintindi? Pornography Enthusiast ako at hindi manyakis! Mukha akong isang gangster, hindi holdaper!" Pagdidiin ni Jojo at lalaumin na sana ang baong kwek-kwek nang bigla niyang makita ang litrato kung saan magkakasama sina Ford, Dustin at Ponzi, "Paano ba 'yan Dustin? Mukhang ikaw nalang ang natira?" Biro pa nito.

Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Dustin.

Napalunok si Jojo at dahan-dahang napatingin kay Dustin at halos mamutla siya nang makita ang galit sa mukha nito.

"Ikaw ang isusunod ko." Walang emosyong sambit ni Dustin pero bigla na lamang tumawa si Jojo dahilan para makunot ang noo ni Dustin. "Hindi ka naniniwalang papatayin kita?" Kunot-noo nitong sambit.

"Naniniwala pero sa huli ikaw parin naman ang kawawa eh. Isang galos lang sakin, lagot ka sa nanay ko. Isang linya lang mula sa dambuhalang bunganga ng nanay ko, tanggal ilong mo." Pagmamayabang nito kaya napabuntong-hininga na lamang si Dustin at muling ibinalik ang tingin sa yearbook.

Inilipat ni Dustin ang pahina at sa isang iglap ay kapwa nawala ang ngiti nila ni Jojo nang makita ang litrato ni Sisa. Mag-isa lamang si Sisa sa litrato, gaya ng dati ay kasingpula ng buhok niya ang lipstick at napakakapal pa ng eyeliner nito, nakangiwi ito habang naka peace-sign.

"Nasabi niyo na ba sa mga magulang niya ang nangyari sa kanya?" Basag ni Jojo sa katahimikang bumalot sa kanila at sa unang pagkakataon ay bigla itong naging seryoso sa pananalita.

Isinara na lamang ni Dustin ang yearbook at napasandal sa kinauupuan. Napabuntong-hininga ito saka umiling. "Hindi pwedeng mailibing si Sisa nang hindi pa nagigising si Ponzi, kailangan pang kumpletuhin ng mga pulis ang imbestigasyon." Nanlulumong sambit ni Dustin saka napalingon sa direksyon ng wala paring malay na si Ponzi.

"Antagal namang magising Agapito, hindi niya pa ako nababayaran sa utang niya." Nakangiwing pasaring ni Jojo kaya muling lumingon sa kanya ang walang emosyong si Dustin.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon