Chapter 33: Jorino

60.1K 3.1K 3.1K
                                    

33.

Jorino

Third Person's POV


Higit na mas tahimik kesa sa karaniwan ang library sa oras na ito. Karamihan sa mga estudyante ay nasa mga klase nila o di kaya'y nasa cafeteria kaya iilan lamang ang nandito at kabilang sa kanila sina Ponzi at Serenity na nasa pinakalikurang bahagi ng library kung saan malayo sila sa paningin at pandinig ng librarian.

Hindi maiwasan ni Serenity ang mailang dahil habang nagsusulat siya sa kanyang notebook ay nakahalumbaba lamang si Ponzi sa tapat niya na animo'y tinititigan ang bawat galaw niya.

"Ponzi answer your workbooks and quit messing with me." Kalmadong giit ni Serenity sabay turo sa mga libro ni Ponzi na nakalatag sa mesa.

"Kinikilig ka lang eh." Biro ni Ponzi habang pinagtatawanan ang dalaga.

"Hey we're both at the library quit messing with me, pag tayo napagalitan ng librarian di na talaga kita papansinin at kakausapin ulit." Banta ng dalaga sabay turo sa direksyon matandang librarian na napakalayo lamang mula sa kanila.

"Really Serenity?" Ngumisi si Ponzi at mas lalong inabante ang upuan upang mas lalong malapit ang mukha niya sa dalaga. "Can you really ignore me?" Muling tanong ni Ponzi ngunit hindi kumibo ang dalaga, sa halip ay nagpatuloy lamang ito sa pagsusulat sa kanyang notebook na animo'y walang naririnig na kahit na ano dahilan para agad na mawala ang ngisi sa mukha niya.

"Oo nga, kaya mo nga." Napangiwi na lamang si Ponzi at marahas na napakamot sa ulo niya.

"Told ya boy." Pagmamalaki ni Serenity habang nakasentro parin ang atensyon at paningin sa notebook na kaharap. Hinihinaan lamang nito ang boses niya sa takot nab aka mapagalitan ng librarian o maistorbo ang mga kasamang estudyante sa library.

"Ano ba 'yang sinusulat mo?" Nang akmang sisilipin na ni Ponzi ang notebook ay dali-dali itong sinara ni Serenity.

"This is homework and cheating is a mortal sin so your peeking is a no-no. Get ya brain together boy." Nakangiting sambit ni Serenity dahilan para lalong mapangiwi si Ponzi.

Nang muling inihiga ni Ponzi ang ulo sa mesa ay muling nagpatuloy si Serenity sa pagsusulat habang nagpipigil ng tawa.

"Yung ghetto-gangsta-slang mo bumabalik na pero puro naman kabanalan ang mensahe ng pinagsasabi mo. Bwisit, mababaliw na talaga ako." Pabulong na sambit ni Ponzi na kulang nalang ay iuntog na ang ulo niya sa mesa.

"Don't go Dustin-like-crazy." Biro ni Serenity na hindi man lang tinitingnan si Ponzi dahil sa sinusulat.

"Yung crush mo na naman. Tss." Inis na pasaring ni Ponzi.

"Hindi siya ang crush ko..." Pakantang sambit ni Serenity na animo'y nang-iinis dahilan para mapaangat si Ponzi sa kanyang ulo.

"Si God crush mo?" Tanong ni Ponzi na animo'y naniniguro.

Tumingin si Serenity kay Ponzi ang ngumiti ng nakakaloko, "God is my great love. Crush is different." Anito dahilan para muling mapasimangot si Ponzi.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon