Chapter 1

36.4K 574 24
                                    

Kkkrrriiiinnnggggg.........Kkkrrriiiinnnggggg.........Kkkrrriiiinnnggggg.........

Shut Up!!!! Inis kong baling sa alarm clock na nasa side table ko. Punyemas naman oh! bat pa kasi
ako sumama sa mga barkada ko kagabi sa Bar. Eto tuloy Hangover ang drama ko ngayon. Tumayo na
ako at pumunta sa bathroom ko, naghilamos at nag-toothbrush na rin, nakakahiya naman kasi sa mga katulong namin kung makita nila ang morning star ko, nakakasira ng beauty, baka sabihin pa nilang chararat ako. Noo f*cking way! I'm perfect now, wala nang makukutya ang mga tao sa akin. Bakit? of course dahil isa akong Dyosa! I'm an eeffinn Demi-God!

Good Morning Mom! Good Morning Dad! ^_^ Bati ko sa magulang ko na nasa dining table namin.
Good Morning Baby si Mom. She is a Fil-Am and naka base dito sa US.
Morning Sweetheart si Dad. He is a Canadian and a successful Businessman here in US and in Philippines.
So how was the party last night Baby? did you enjoy it? si Mom. Gosh not now Mom!
Until when are you gonna be like that Young Lady? Uh oh! pag ganyang Young lady na ang tawag sa akin, alam na! You're not getting any younger anymore, you should be more responsible about your action, you know you're the next Heiress of Rogers Company International (RCI). Seryosong turan sa akin ng aking ama. Honey, calm down, give our baby a break, besides she just graduated with flying colors so she has the right to celebrate. Pagtatanggol sa akin ng aking Mom with matching paglalambing kay Dad. Oh! God! not now please!
Kesey naymen Hon, Nekeke-eynes seya eh! I told her after graduation she will start her training right away at RCI. But for you ill gonna let this pass. Di ko alam kung ma-iinis ako o tatawa sa trying hard tagalog accent ng Dad ko. If you were wondering bat marunong kami ni Dad magtagalog it's because of my makulit Mom.

I'm done! dali-dali akong tumayo at tumakbo papuntang room ko pagkatapos kumain, Di ko masikmura yung ginagawa ng magulang ko sa hapag-kainan. Aba! maglambingan ba sa harapan ko? ang Eeeww kaya! di ako bitter promise! Promise talaga! Hope to die!

Sweetie be there in the office @ 10:00, okay? We'll have a serious thing to discuss. Don't be late. Pahabol na ni Dad. Serious talaga? Ano kaya yun? Haaisstt! maka-pag-ayos na nga lang.

_____________________________________________________________________________

You need to go back to the Philippines.... di ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Dad sa akin. My mind was already wandering to the place where I met that girl, am I ready to see her? Kamusta na kaya siya?

******************Flash Back******************

Sa tabing dagat

"Eh baboy, baboy!! Oink! Oink!.. hahaha.. Maririnig na sigawan ng dalawang batang lalaki sa isang batang babae na masasabi nating may malusog na pangangatawan.
"Grabe pinabayaan sa kusina oh. Lakas mo siguro kumain ano" hahahaha!". Wag mo subukang maligo at sigurado lubog ang aabutin mo dahil sa laki mong yan. hahaha!" sabat naman ng isa ding batang lalaki na sa tantiya eh mga kaedaran ng batang babae. Walang nagawa ang batang babae kundi ang umiyak na lamang hanggang sa...

"Hoy! Anong ginagawa niyo sa kanya ha?!" narinig niyang sigaw ng batang babae na kinulang sa taba. Oo na! mahal ang tiki-tiki. Pero sabi niya mas masustansiya ang kinakain niya araw araw. Mas masarap ang talbos ng kamote at kangkong. Samahan mo pa ng kalabasa at talong, okra,sitaw at ampalaya. May pinakbet ka na.. Sa araw-araw ba naman yun ang kakainin mo, minsan pati pagdighay mo amoy na amoy mo ang "ahh kamote". Masipag kasing magtanim ng kung ano ano ang mga magulang niya. Kaya di na kailangan bumili pa sa bayan para sa mga ganung kakailanganin. Ay balik na tayo  pagiging super hero kuno ng batang payat.. Wag niyo akong maliitin. Payat man, matulin ang mararating sa bilis ng pagtakbo ko.

"Anong ginagawa niyo sa kanya ha?!" nakikita ng batang payat ang isang batang babae na nakayuko na umiiyak at natatakpan ang mukha ng kanyang mahabang buhok. Dahil sa lakas ng sigaw ng batang payat sa mga batang lalaki ay bigla na lang itong nagsipagtakbuhan. Agad niyang nilapitan ang batang malusog at...

"Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" bakas sa mukha ng batang payat ang pag alala. Bigla naman nagtaas ng mukha ang batang malusog at nagtama ang kanilang mga mata. Hindi maintindihan ng batang malusog ang nararamdaman sa murang edad niya. Isang sikdo na hindi pa niya nararamdaman sa tanang buhay. Nagtama ang kanilang mga mata. Unang beses siya nakakita ng ganun kagandang mga mata. Those blue rounded eyes. Muli niyang tiningnan ang batang kaharap niya at napansin niya ang kakaibang kulay ng buhok nito. Mamula mula lalo na kapag nasinagan ng araw. Kakaiba sa lahat. Bigla namang bumalik sa katinuan ang batang malusog ng magsalita ulit ang batang payat.

"Sigurado ka na okay ka lang?" tanong ng batang payat. "A-ah, Oo. Salamat nga pala sa pagtanggol mo sa akin mula sa mga batang yun."

"Naku wala yun. Ganun lang talaga ang mga yun mahilig mang-away lalo na sa mga hindi nila kilala at hindi taga rito.O, wag ka nang umiyak ha kasi baka maghigh tide bigla dahil sa mga luha mo." Di naman napigilang matawa ng batang malusog dahil sa sinabi ng batang payat.

"Ano pala ang pangalan mo at anong ginagawa mo dito sa dalampasigan?" tanong ng batang payat.

"Ako nga pala si Alex, nagbakasyon lang ako dito sa mga grandparents ko. Namumulot ako ng mga shells na iuuwi ko sa Maynila. Ang gaganda kasi and souvenir ko na rin. Unang dalaw ko kasi sa lugar na ito." sagot  ng batang si Alex.

"Ikaw ano ang pangalan mo?" tanong ni Alex sa batang payat. "Trix, Trixie ang pangalan ko. Halika tulungan na kitang mamulot ng mga shells kung okay lang sayo." wika ng batang si Trixie. "Oo naman no pwedeng pwede. Mukhang dika naman nakakatakot eh." biro ni Alex sa batang si trixie.

Dito nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawang batang pinagtagpo ng panahon. Sa araw araw na pagkikita nila hindi maikakaila ni Alex ang sayang nararamdaman kapag kasama niya si Trixie. Ganun na lamang ang naramdamang kalungkutan ng dalawa ng kailangan ng bumalik ng maynila ni Alex.Muling nagkita ang dalawa sa may dalampasigan.

"Trixie! Trixie!" sigaw ni Alex na hinihingal sa pagtakbo.

"Ano ka ba naman Alex kung makasigaw ka talo mo pa ang sirena ng bumbero!" iritang biro ni Trixie sa kaibigan. Nagyakap silang dalawa at nagbeso beso. Sabay upo ni Trixie sa nakalatag na banig sa lilim ng puno at si Alex humiga dahil sa pagtakbo dahilan upang siya ay hingalin.

"Trix..." mahinang tawag ni Alex sa kaibigan. At tiningnan niya ito na may malungkot na mukha.

"Hmm." tanging sagot ni Trixie habang kinikiliti ang tungki ng ilong gamit ang balahibo ng manok.

Hindi naman mapigilan ni Alex ang makiliti at matawa dahil sa ginagawa ng kaibigan sa kanya.

"Trix, I have something to tell you." sabay bangon ni Alex upang salubungin ang mga mata ni Trixie na ngayon ay nakatitig sa kanya. Bigla naman napatigil si Trixie sa ginagawa at sumeryoso ng mukha habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng kaibigan. Muling nagsalita si Alex pero nakatanaw sa malayo at paminsan minsan ay yuyuko.

"I'm leaving... My vacation is over and I need to go back to Manila as soon as possible coz my school is about to start." Sabay kagat sa mga labi upang pigilan ang emosyong nararamdaman niya sa ngayon. Hindi naman nakapagsalita si Trixie sa narinig.

____________________________________________________________

A/N: Ayan na po ang unang sabak namin sa pagsusulat. Tell us what you think? Comment and Vote po kayo. Thanks! Enjoy Reading.

-Altrix

So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon