Chapter 12

13.4K 336 5
                                    

THIRD PERSON POV

Simula nga nung pumalpak si Alex sa kanyang unang subok ng pagluluto, never na ulit siya nagdala ng breakfast. Bago siya pumasok ng opisina dumadaan na lang siya ng IHOP at bumili ng makakain with extra order for Trixie and Courtney. Dahil sa nagkaron ng anomalya sa Finance Department, si Trixie ang ipinagkanulo niya na maging head ng departamento nito. Simula nun unti unti niyang naayos ang mga problema sa tulong na rin ni Trixie. Hindi naman naging mahirap kay Trixie ang lahat dahil na rin sa angking galing nito pagdating sa pasikot sikot sa business world. Ito kasi ang pinag-aralan niya at nakapagtapos bilang isa sa magaling na mag-aaral ng unibersidad kung saan siya nagtapos bilang isang skolar.

Lalong ginanahang magtrabaho si Alex lalo na at kasama niya palagi si Trixie, madalas kasalo sa pagkain, kakulitan niya paminsan minsan. Ito ang dahilan kung bakit mas lalong napapalapit ang loob niya sa dalaga. Pero natatakot siya kung paano sabihin ang totoong nararamdaman kung kaya't minabuti niya munang sarilinin ang totoong nararamdaman kay Trixie. Papalabas na sila ni Courtney nang makita nilang papalabas ng office niya si Trixie kasama ang ibang staff. Kaagad na tinawag nila ito.

"Trix, going out for lunch?" si Alex habang tinitignan ang mga kasama ni Trixie, puro taga Finance Department. Bumati naman ang mga ito sa kanya na tanging ngiti at tango lang ang isinagot niya dahil nasa kaharap ang buong atensyon nito.

"Ah, yeah. Kaarawan ni Alicia kaya pupunta kami sa cafeteria for lunch. About dun sa pinapaayos mo sa akin, idadaan ko mamaya sa office mo. Malapit ko na matapos yun, review ko na lang din ibibigay ko sayo." sagot nman ng dalaga kay Alex. Binati naman ni Alex at Courtney ang tauhan na may kaarawan at agad din na dumiretso sa elevator. Pero bago nila narating ang private lift, nilingon ni Courtney si Trixie at may sinabi siya dito.

"Hey Trix labas tayong apat mamaya ah. Unwind lang tayo. You can invite a friend if you want. We'll pick you up at 7 then we will headed to Embassy at Fort Bonifacio." ngingisi ngising anyaya ni Courtney kay Trixie at kinindatan si Alex.Hindi sila pumasok sa lift hanggat di naririnig ang sagot mula sa dalaga.

"Sure. So I'll see you both at 7 then." ganting sagot ni Trixie na nakangiti pero kay Alex nakatingin. Napasuntok naman sa hangin si Courtney habang si Alex naka crossed fingers sa likuran nito.

"For sure mag-eenjoy ka dun Babe Trix, kasi madaming hot guys doon. Akong bahala sayo babe for sure magkakaboyfriend ka mamaya." natatawang biro ni Courtney na ikinasimangot ni Alex. Ngingiti- ngiti naman si Trixie na napapailing sa binitawang biro ni Courtney. Nakita niya kasi ang biglaang pag iba ng mood ni Alex. Biglang hinatak ni Alex ang besty niya papasok sa lift.

"What's that all about ha Courtney Perez?" she asked while raising her eye brows with crossed arms. Bumunghalit naman ng tawa si Courtney dahil she knows umuusok ang ilong ni Alex sa selos.

"Chill Babe. Watch me and will you please trust me with this plan? All you have to do is go with the flow. I assure you, tonight malalaman na natin ang totoong feelings ni Trixie sayo. And hey Babe, ano nga pala yung favourite song mo? Pwede practice ka, ayoko mabulilyaso at please wear your Alexandra Brittany outfit. Hahaha!" mahabang litanya ni Courtney sabay pang aasar sa kaibigan.

"Siguraduhin mong okay yang plano mo kung ayaw mo pagbuhulin ko kayo ng PI mo. Anyway, are you bringing your hukluban na boyfriend?" ngising nakaloloko ni Alex. Ito kasi ang makapagpasimangot kay Courtney. Ganti ganti din pag may time.

"Oo naman no. Alangan naman na ikaw lang ang mag enjoy kasama ng taong iniirog mo. Dapat ako din no. Dun na din siguro ako matutulog sa condo niya babe, alam mo na ilang days din akong hindi nadiligan." papikit pikit na sabi ni Courtney na para bang inaalala ang mga steamy nights niya with her DETECTIVE. Si Alex naman kunwari nasusuka sa mga sinabi ng kaibigan niya.

So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon