Chapter 41

9.4K 241 42
                                    




Hello Good Day To all.

Sorry If Matagal ang update namin. Naging busy lang po kami. Once again muli po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang pagsuporta sa ALTRIX.

Thank you and be safe everyone. Muahhhh muahhhh muahhhhh (blowing kisses)

ALTRIX


P.S Try to read our NANG DAHIL SA PIE it was just a short clip. Worth it naman daw...  LOL





Dumating ang araw ng pag-alis ng mag-asawang Tyler and Alex papuntang Canada for their honeymoon kung saan nakabase ang kamag-anakan ni Tyler at maging ang mga kamag-anakan ni Alex dito din nagmula. Rogers Arena owns by Alexandra's Uncle. Dito madalas ginaganap ang mga big sporting events and concerts from the big star.

Pagkalapag sa YVR sumakay na ang mag asawa ng skytrain from airport to downtown. Pagkababa ng train sumakay ulit sila  ng seabus from waterfront to north shore kung saan nag aantay ang kanilang sundo. It takes 15 minutes to cross the water. Pagkalabas ng nasabing ferry nakaabang na ang mommy ni Tyler na Filipina din. Very fluent si Tyler sa tagalog sa kabila ng pagiging half half nito.

"Tyler, Alex, how's your trip?" Tyler's Mom.

"Hello Mom. It's great, how are you?" Tyler asked after kissing his mom cheek and gave her a hugged.

"Hello po Ma.Kamusta po?" bati ni Alex sa biyenan.

"Okay lang ako iha, iho. Uy Nak, pakainin mo itong asawa mo at masyadong payat. Kailangan mo ng good nutrition para maging healthy ang magiging apo ko" Natatawang turan ng ina ni Tyler sa mag-asawa. Napaubo naman si Alex sa sinabi ng biyenan nito.

"Yes Mom. Kaya nga isang buwan kami dito para maikot niya naman ang buong Vancouver although dito galing ang dad mo but you just come here for a visit and  Ma, we're planning to visit some provinces na hindi pa niya napuntahan. Right baby?"

"Yes baby. I'd like to visit the Lake Louise." Sambit ni Alex.

"Naku maganda doon iha. Kapag doon nabuo ang apo ko ayan kunin niyo na ang Louise na pangalan as souvenir." Natatawang biro ng biyenan ni Alex.

Habang binabaybay ang daan papunta sa bahay ng mga Soprovich, sinamantala ni Alex eenjoy ang kanyang mga mata sa bawat madaanan nila. Tyler is now on driver's seat, alex is on the passenger's seat at ang ina nito ang nasa bandang likuran. Marami silang pinag usapan na mostly di maintindihan ni Alex dahil nga wala siyang alam. Mas lalo pang complicated ang lahat dahil wala siyang kakilala sa mga kamag anakan ng totoong Alex. Mas lalo siyang nababahala nab aka dito na matapos ang kanyang pagpapanggap.

Pumasok ang nasabing kotse sa daan paakyat sa hill. Napahanga naman si Alex sa mga naggagandahang design ng mga bahay. Overlooking the ocean ang area ng bahay nina Tyler sa British Properties. Dito makikita moa ng naglalakihang mga bahay na halos wala namang nakatira.

"My! Nice house Ma." Sambit ni Alex pagkababa ng sasakyan.

"Glad you like it Iha. Oh halika na sa loob at nang maipaghanda ko kayo ng makakain." Sabay hila sa manugang papasok sa loob ng kabahayan. Naiwan naman sa labas ng bahay si Tyler habang inaunload ang mga dalang bagahe.

Napapahanga naman si Alex sa laki ng bahay at maging sa kagamitan. Very modern ang style nito. Halos di mo din makikitaan ng alikabok. Napapangiti naman si Alex sa kanyang sarili dahil sa pakikipagsabwatan niya narrating niya ang lugar na tanging sa magazine at internet niya lamang ito nakikita. Kaya ito siya ngayon, naging instant asawa at naging milyonarya pa.

"Baby you need help?" habang papasok si Tyler hila hila ang kanilang luggage's.

"No worries baby. I'll just take this to our bedroom. Come on I'll show you our room." Napapalunok naman si Alex nang marinig ang salitang room. Wala nang atrasan ito. Maisusuko na niya talaga ang kanyang V.

So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon