Hello Everyone. Ang Chapter na ito medyo may halong violence po. Dito lang na chapter. Yung susunod makikilibing na tayo.. Sorry kailangang may mawalang character na naman. Sana magustuhan niyo ang update na ito. Sorry Alex :( sorry Trixie :( in heaven no more pains, no more sufferings, no more tears...Pagkatapos mag aminan ng damdamin ang dalawang pusong nagmamahalan, pareho naman silang napatawa dahil sa mga mugtong mga mata. Hindi naman na iniwan ni Alex si Trixie at doon na rin siya nagpalipas ng gabi sa condo ng dalaga. Dahil sa walang alam sa kusina si Alex,nagpasya na lang siyang magpadeliver para sa kanilang tatlo.
Hindi pa kayang magkikilos ni Trixie kasi kaya ito siya nakahilata sa kanyang kama at ninanamnam ang mapagsilbihan ng isang Alexandra. Bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at bumungad ang naka apron na si Alex bitbit ang tray ng mga masasarap na pagkain. Perfect girlfriend naman ang peg ni Alex. Lahat na makapagpasaya sa iniirog ginagawa niya.
Gusto niya lang iparamdam sa dalaga na wala siyang bukod tanging mamahalin kundi ito lamang. Ang spidey niya, si Trixie. Nakangiti siyang lumapit sa side table upang ilapag ang mga dala. Agad na lumapit sa girlfriend upang bigyan ng halik sa noo. Nahiga sa tabi ni Trixie at binack hug. Kinabig niya lalo ang dalaga palapit sa kanya at hinayaang umunan sa dibdib niya ang girlfriend.
"Kamusta na ang pakiramdam ng baby ko?" sabay tingin sa nakapikit na minamahal. Agad naman nagmulat ng mga mata si Trixie upang salubungin ang mga mapagtanong na mga mata ni Alex.
"Medyo okay okay na ako. Magaling kasi mag-alaga yung nurse ko. Mabilis magpagaling ng maysakit." Sabay kindat niya kay Alex.
"Payakap pa nga para lalo akong gagaling at ikaw naman ang pagsilbihan ko mahal na prinsesa. Nakakahiya naman na ang isang tagapagmana eh ginawa kong katulong." Ngingiti ngiting wika ni Trixie. Hinigpitan naman ni Alex ang pagkakayakap sa dalaga at pinikit sandali ang mga mata.
"Hindi ka pa ba nagugutom baby? Mainit pa yung pagkain na pinadeliver ko. Mas masarap kainin yun at saka para mainitan na din ang tiyan mo." Turan ni Alex. Kaya pansamatalang nagkalas sa mga yakapan ang dalawa.
"Tara kain na tayo." Maikling sagot ni Trixie at akmang babangon na ng magsalita ulit si Alex.
"Talaga baby magkainan na tayo!?" ngingisi ngising tanong ni Alex.
"Oh my gosh Baby! Ang Perv mo talaga! Hahaha! Utak mo Alexandra! Kakain na. Hindi magkainan. Ikaw talaga pagdating sa bagay na iyan ang bilis mo. Tsk. Tsk.Halika ka na bumangon ka na nga diyan."utos niya sa nakahilatang si Alex.
"Help me baby. I think I'm having a back pain right now. You know I did some cleaning earlier while you were sleeping." Reklamo ni Alex at kunwari nag stretching at ngumiwi naman. On the rescue naman si Spider Woman na si Trixie. Inabot niya ang mga kamay ni Alex upang hilahin itong patayo ngunit mas hinila siya ni Alex kaya bumagsak siya sa itaas ni Alexandra. Napahalakhak naman si Alex dahil ang pula pula na ni Trixie.
"Baby, I'm just being happy na finally heto tayo in each other's arms. Kamatayan na lang ang pwedeng makapagpahiwalay sa atin baby. You know why? Wala na akong ibang gustohin pa sa buhay kundi ang makasama ka at mapagsilbihan ko. Magsimula tayo baby. Magmula sa araw na ito, akin ka lang ha at I am yours. Mula sa buhok sa taas hanggang sa mga paa ko. Wala na akong ibang mamahalin pa maliban sayo. Hindi ko kayang mawala ka ulit sa akin, ikakamatay ko yun." Mariing wika ng dalaga kay Trixie and she gave Trixie a quick kiss on her forehead.
BINABASA MO ANG
So It's You After All(COMPLETED)
RomanceMatagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE? Abangan ang storyang hatid nina Trixie and Alexandra na magpapainit ng ulo niyo, magpapakilig, magpapaiyak, magpapatawa at magpaparamdam n...