TRIXIE POV
Bumalik kami ng Manila na pagod na pagod. Nakakapagod ngunit sobrang saya. Napapangiti akong mag isa habang nakahilata sa kama ko. Pilit bumabalik sa isipan ko ang mga naka kaaliw na mga pangyayari na ni sa panaginip diko na inaasam pa na mangyari ito. Hindi ko alam pero sobrang kilig at saya ko ng mga oras na iyon.
Napapahampas ako sa unan, siguro kung may kamaylang ito baka babatukan din ako. Hay ewan para akong temang na gusto kong tumili sa sobrang kakiligan. Nagpabaling baling ako sa kama at akap akap ang aking unan. Jusko! Bakit ganito ang hatid mong kiliti sa akin Alex? Napakasarap sa pakiramdam. Para akong nakalutang sa ulap.
Ayokong sumigaw baka isipin ng mga kapitbahay ko eh nasunugan kami o kaya pinasok ng magnanakaw. Pilit kong pinapakinggan ang bawat pintig ng puso ko. Grabe sobrang bilis .Oo na ako na ang nabaliw sa pagmamahal ko kay dragon. Magagawa ko eh siya lang ang nagpatibok sa murang puso ko ng ganito. Malay ko ba na malandi na pla siya noong mga bata pa kami. Pero hay ewan ko. Parang nakikita ko ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit. Mga nagkakantahangmga munting tinig ng mga anghel.
Ganito nga yata ang hatid mong kiliti sa mga babaeng minahal mo Alex. Kapag ikaw na ang nagparamdam ng pagmamahal ang hirap hirap mong pakawalan. Mababaliw ang mga babaeng mamahalin mo. Ano bang Meron ka na diko makita kita sa iba ha. Napabuntong hininga na lamang ako.
Bumangon ako at tiningnan ang phone ko. I scrolled our pictures from the library and there, thanks to my personal photographer. Yep kinuha ni Courtney ang phone ko kagabi at ito pala ang ginawa niya. Naku mahahalikan kita sa puwet dahil sa picture na ito. Alex carrying me in a bridal style, meron pa nakahilig ang ulo ko sa kanyang balikat, oh my vegetable salad perfect moments talaga ito.
Napapakagat labi ako sa mga pinagkukuhang pictures ni Courtney. Hmm, mabuti na lang pumayag ang dragon na iwan ang anaconda sa Manila and thanks to your bright ideas again Court. Buti na lang nasa akin ang loyalty ng babaeng ito. Yeah plano lahat ni Courtneyito na sinang ayunan ko naman.
Sumandal ako sa headboard ng kama at pinikit ang mga mata, pilit binabalikan ang mga masasayang sandali namin sa Palawan.
Flashback Palawan Trip
Malapit nang magtakipsilim, habang nagkakasayahan ang lahat ng mga kasama namin bigla akong hinawakan ng dragon sa Braso at hinila upang maglakad lakad sa tabing dagat na nakapaa. Sa una tahimik lang kami habang nakatingin sa mga nagkikislapang mga ilaw mula sa di kalayuan. Patuloylang kami sa pag lalakad hanggang sa may nakita siyang malaking bato. Umupo kami doon habang pinagmamasdan ang papalubog na Araw. Si Alex ang bumasag sa katahimikan.
"Kamusta ka na? Nalulungkot ka pa rin ba dahil sa pagkawala nina Tito at Tita?" malungkot niyang turan.
"Oo naman. Pero pilit kong nilalabanan ang lahat. Kami na lang ng kapatid ko ang naiwan at ayokong ipakita sa kapatid ko ang kahinaan ko. As much as possible gusto kong makita niya na matapang ang ate niya kahit hindi. Kaya ito kunwari masaya at matapang sa harapan ni Bunso." mahabang litanya ko sa kanya. Ginagap niya naman ang mga kamay ko na nagbigay kiliti sa buong sistema ko.
"Kung kailangan mo ng karamay don't be afraid or hesitate to call me. Dahil kahit saan man ako naroroon, o nasa kalagitnaan man ako ng aking pagtulog, di ako magdadalawang isip para puntahan ka."diretsahang wika niya sabay tingin sa aking mga mata. Napatingin naman ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata. Hindi ko kayang sabayan ang makipagtitigan sa kanya kaya napayuko ako.
BINABASA MO ANG
So It's You After All(COMPLETED)
RomanceMatagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE? Abangan ang storyang hatid nina Trixie and Alexandra na magpapainit ng ulo niyo, magpapakilig, magpapaiyak, magpapatawa at magpaparamdam n...