Chapter 2

20.3K 504 45
                                    

******************Flash Back Continuation******************

Alex flashback 8 years old

"Aalis ka na. Kilan?" Malungkot na tanong ni Trixie sa kaibigan na ngayon ay naiiyak na. Bigla naman inalo ni Alex si Trixie sa pamamagitan ng pag akbay dito.
"In two days. Mom called last night. Kakainis nga kasi nag eenjoy ako dito, nag eenjoy ako dahil nagkaron ako ng kaibigan sa katauhan mo." pinipilit ni Alex pasayahin ang kaibigan dahil sobra na ang iyak nito. Patuloy sa pagsasalita si Alex habang tahimik lang si Trixie na umiiyak at panay punas ng luha gamit ang maliit na braso nito at punas sa tumutulong sipon gamit ang laylayan ng damit.

"Wag ka na umiyak jan kasi sabi ni Mommy I can go back here again in summer time. Meaning magkikita muli tayo. I can send you mail as well. You don't need to write me back kasi I understand na mahal magpadala ng sulat." masayang paliwanag ni Alex kay Trixie na ngayon ay medyo maaliwalas na ang pagmumukha.

"Basta bago ka umalis magkikita tayo dito ha, kasi may ibibigay ako sayo." mahinang wika ni Trixie at iniwas ang tingin mula kay Alex. Kahit hindi siya nakatingin kay Alex alam niya na nakangiti ito sa kanyang sinabe.

"Oo naman. Ayoko namang umalis na hindi muna magpaalam sa bestfriend ko no." sabay tingin ni Alex kay Trixie at binigyan pa ng isang wink. ( A/N malandi talaga si Alex)

Namulang parang kamates naman si Trixie dahil sa ginawang pagkindat ng kaibigan. Iniwas niya ang tingin at nagkunwaring tumingin sa kabilang side pero andun ang tipid na ngiti. Maghapon silang magkasama at masayang nagkwentuhan at paminsan minsan ay maghahabulan sa tabi ng dagat.

Kinabukasan muli silang nagkita, napagpasyahan nilang doon naman sa may burol pupunta na di kalayuan sa bahay ng lolo at lola ni Alex. Wala silang ginawa kundi magkwentuhan, at magtawanan. Hanggang sa pinutol ni Alex ang masaya nilang tawanan.
"Trix para nga pala sayo." sabay abot ni Alex kay Trixie ang kapirasong tela. Isang panyo na nakaburda ang mga pangalan nila. Tinanggap naman ito ni Trixie.

"Panyo.. "mahina ngunit dinig ni Alex ang sinabi nito.

"Ay hindi. Kumot yan.." natatawang biro ni Alex kay Trixie. Mahinang hinampas nman ni Trixie ang kaibigan.

"Salamat dito ah,Alex. Ito din oh para sayo." sabay abot ni Trixie ng isang malaking shell kay Alex. Isang kulay puti na shell na mukhang pamaypay. Nilagyan niya ng maliit na butas at nilagyan ng pink na ribbon at may makikita na papel at pangalan nilang dalawa.

"Wow! Talaga, para sa akin to. Ikaw ang gumawa nito?" tuwang tuwa na sabi ni Alex sabay yakap ng mahigpit sa kaibigan.

"Nagpatulong ako kay Tatay. Siya ang naglagay ng maliit na butas tapos humingi ako kay nanay ng pantali kaya ayun." ganting paliwanag naman ng walong taong gulang na si Trixie. Hindi naman mapuknat puknat ang ngiti sa mukha ng batang si Alex na halos kaedaran lang din ni Trixie.

"Iingatan ko ito Trixie gaya ng pag iingat ko sa pagkakaibigan natin." mababakas sa mukha ni Alex ang kasiyahan habang pinagmamasdan ang munting regalong bigay ng kaibigan.

"Alexandra! Alexandra! Halika na at baka gabihin tayo sa daan." sigaw ng isang babaeng naka uniform.

"Yaya Cora, papunta na po!" Ganting sigaw naman ng batang si Alex. At sabay na naglakad ang dalawang bata papunta sa nakaabang na sasakyan.

"Trixie, mag-iingat ka ha. Hayaan mo babalik ako dito sa summer para makapaglaro ulit tayo. Sandali lang yun kaya dimo na kailangan pang malungkot." nakangiting wika ni Alex sa kaibigang nakasimangot na halos iiyak na.

So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon