Chapter 38

4.5K 152 44
                                    

HELLO!HELLO! TO ALL OUR BABIES HERE...

ITO NA PO ANG UPDATE, SORRY FOR THE DELAYS KASI MADAMING INASIKASO ANG MGA DYOSANG NILALANG. YUNG ISANG BABY NGA DIYAN SA INBOX BALAK DAW PO AKO ITAPON SA PLUTO. :((

ITO NA OH YUNG UPDATE, I CHANGED MY MIND PWEDE SA MARS NA LANG AKO ITAPON KASI MAY KAPITBAHAY NA PALA AKO DOON. PWEDE NA AKO UMAKYAT NG LIGAW ESTE LUGAW.

GUYS HOPEFULLY MAGUSTUHAN NIYO ANG UPDATE NA ITO. KAPIT BISIG LANG PO TAYO SA NALALAPIT NA PAGTATAPOS NG ALTRIX.

ONCE AGAIN, THANK YOU FOR ALL THE SUPPORT GUYS...

BLOWING KISSES TO ALL.. MUAHH MUAHH MUAHH

XOXO

ALTRIX

ALEX POV

Laglag ang panga ko ng marinig ang salitang fiancé mula kina Mom and Dad. Nakalimutan yata nila kung ano ang preference ko sa buhay. Nanatili muna ako sa table nila mom hanggang sa namataan ko si Chels na mag-isa na lamang. Oo nga naman, wala siyang masyadong kakilala dito. Nagpaalam muna ako kina mommy para puntahan si instant wifey. Akala kasi talaga ng mg aka tropa ko may something sa amin. Nagulat naman siya ng umupo na ako sa tabi niya sabay lagay ng kamay sa bewang niya. I leaned closer to her dahil gusto kong sabihin sa kanya ang balita. I don't know kung ikatuwa niya ba ito or what.

"Bad news baby."bulong ko.

"Hey, what bad news? How's your parents by the way? Kahawig mo pala ang daddy mo no. Hmm. Mukha naman silang mababait pero nagtataka ako saan ka nagmana sa pagiging pasaway mo at womanizer?"tinaasan ko nga siya ng malditang kilay ko.

"Kaibigan ba talaga kita? It runs through the blood. Yung lolo ko from both side mga womanizer sila. At saka pwede makinig ka muna. Ikaw yang bibig mo laging walang preno kapag nakabuka. Uso po ang makinig." Nakita ko sa side ng aking paningin ang pasulyap sulyap na tingin ni Trixie sa aming kinaroroonan at nagkunwari na hindi ko ito nakita. Paano kasi sarap kutusan nitong katabi ko. Hindi yata naiintindihan ang bulong ko kasi sasagutin ka sa high pitch voice niya.

"Okay fine ano ba yon at para kang nabagsakan ng kalangitan."I let out a sigh.

"Sabi ng parents ko, sinet up nila ako ng dinner date sa isang tao and siya daw ang future fiancé ko. And hey Fiancé with one E."I whispered to her in my sad voice.

"OMG Alexandra titikim ka na ng tal-"mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil sa lakas ng boses. Pinanlakihan ko nga ng mata.

"Samahan mo na din ng dalawang itlog, perfect baby kasi may ulam ka nang tortang talong." pabulong niyang sabi at panay bungisngis. Wow lang napaka supportive niyang kaibigan.

Binelatan ko nga." Ewan ko sayo. Pero bakit sa lalaki e pwede naman sa babae di ba? Di ba?.Hoy pssttt.." sabay kalabit.

"Hindi tayo bati. Inaaway mo ako. Pagkatapos mo makuha ang lahat lahat sa akin." BOOM sapul. Si Trixie kasi nakatayo sa likuran namin at narinig ang sinabi niya. Pucha kang babae. Pasikreto ko siyang sinipa sa ilalim ng mesa sabay bulong..

"Lagot ka mamaya sa akin." Sabay tayo at ngumiti para kamustahin ang anghel sa likuran namin.

"Hey Trixie how are you? It's been awhile huh. How's everything? Kilan ka pa nakabalik ng bansa?." Kunwari wala akong alam sa mga pangyayari sa kanya.

"Hello Alex. I'm actually great. Yeah I know. Ito busy sa negosyo at kay Xandre. Kararating lang namin kahapon. Ikaw nga diyan you look... look wonderful. I guess magaling mag alaga ang girlfriend mo." Sabay tingin kay Chelsea na ang lapad ng ngiti at ito nga tumayo pa at hinarap din ang dyosa.

So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon