Hola amigos!
Dahil masipag ang ating Nanay A ay may update tayo ngayon! Magbunyi! Sana magustuhan niyo ito!
Enjoy reading! Don't forget to vote mga bruh' labyu all!
-Altrix
_____________________________________________________________Third Person POV
Araw ng linggo maagang gumising si Trixie, kaagad tiningnan ang cellphone pero ganun na lamang ang pananamlay niya ng wala man lang message mula sa dalaga. Pumasok sa banyo para maligo at ng matapos na siya kaagad niya ito pinatuyo gamit ang blower, nakita niyang umiilaw ang kanyang cellphone at patakbo niya itong dinampot upang alamin kung sino ang nagtext. Si Andre at nangungumusta sa kanya.
'Ano ba nangyayari sa babae na yun at di man lang makaalala mag text?' Sa isip niya.
'Baka walang load' Sagot ng epal niyang utak.
'Anong wala, sa yaman niya kahit libo libong load kaya niyang bumili tapos sasabihin mo sa akin na walang load?! '
'Bakit sa akin ka nagagalit? Ako ba siya ha?!' Sagot ng epal na utak.
'Bwesit! Magsama kayo!'
Lumabas siya ng kwarto papuntang kitchen at gumawa ng kape sabay dampot ng pandesal at peanut butter. Padabog siyang naupo sa silya at panay tingin sa cellphone.
'Leche ka talaga Alex kahit kilan. Makikita mo bukas at sisimangutan lang kita buong araw.' maktol niya sa sarili.
'Kung makaasta akala mo girlfriend'. Ekstraheradang bungad ng epal na isipan
'Tumahimik ka! Bwesit!'
Sabay lagok ng kape ngunit bigla niyang naibuga. Imbes na asukal kasi ang ilagay niya asin pala ang nailagay niya sa kape.
'Grrr! Andre bakit mo pinagtabi ang kape at asin?!'
'Bakit si Andre ang sinisisi mo?' epal na utak na ito.
'Siya huli gumamit nito!. kainis'
'Bakit dimo tiningnan ng maayos?' sabat ng epal na utak
'Pareho kasing puti at pwede wag ka na sumagot kung ayaw mo matodas ng maaga!'
'Kung todasin mo ako todas ka din gaga!'
Chee!! Leche! Grrr!
Agad niyang nilisan ang condo unit upang magsimba, pumara ng taksi at nagpahatid sa pinakamalapit na simbahan.
Pagkatapos niyang magsimba nagpunta siya sa mall, nag ikot ikot. Pumunta ng ladies department at nag tingin tingin ng pwede niyang bilhin. Nakakita naman siya ng damit na pwede niyang gamitin sa office.
Tumuloy siya sa food court,umorder at umupo sa pang dalawahang upuan. Dinampot ang bag checked her phone and ayun sumimangot uli ang dalaga. Dahil sa pagod na nararamdaman nagdecide na siyang umuwi na.
Dahil sa may left over pa naman yun na lang ang ininit niya sa microwave para sa hapunan niya.
Tumunog ang telepono sa loob ng condo.
"Hello? Sino po sila?" Magalang niyang tanong
"Ah hello din sayo iha. Itatanong ko lang sana Kung andiyan si Yna. Ako yung Ninang Felly niya. Andiyan ba siya iha?" Tanong niya
"Ay wala po. Bumalik po siya ng states dahil sa inatake sa puso ang dad niya. Ako po bestfriend niyang si Jane Castro." Sagot niya Naman.
BINABASA MO ANG
So It's You After All(COMPLETED)
RomanceMatagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE? Abangan ang storyang hatid nina Trixie and Alexandra na magpapainit ng ulo niyo, magpapakilig, magpapaiyak, magpapatawa at magpaparamdam n...