Chapter 21

9.2K 253 35
                                    

Ito na naman si makulet na taga hatid newspaper na si lovely kuting..


Gusto kong ipaabot ang pasasalamat sa mga sumusunod

@nyler18

@nyler_18

@jhovieabucay

@jensen555

@alydenden213

@gemsie10

@chaofun

@ljgabales























TRIXIE POV


Nagising akong puro puti ang mga nasa paligid ko. Nagtataka ako kung bakit ako narito sa lugar na ito. Anong nangyari sa akin? Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nagulat ako ng napagtanto ko na nasa hospital ako.


Muling bumalik sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Ninang. Hindi ko alam kung paano ako magsimula sa buhay na hindi sila kasama. Wala na ang Mga taong naging pangalawang magulang ko.

Nagulat ako ng may bumukas ng pintuan...

Si Courtney pala. Pilit ang ngiting masisilayan mula sa kanya.


"Babe, halika ka na. Pupunta tayo ng funeral homes, andun na kasi ang mga labi ng parents mo at saka kailangan mong mamili ng kabaong. Don't worry about the expenses, the company will shoulder everything. About your brother, inilipat na din siya sa isang pribadong hospital para lalo siyang maalagaan at magamot ng maayos ang mga sugat niya. " anas ni Courtney na sinagot ko ng isang mapait na ngiti at tinanguan siya.


"Courtney salamat ha. Si Alex ba ang nasa likod ng lahat ng to? Siya ang may gusto na sagutin ng company ang lahat ng gastusin di ba? Nakakahiya naman sa kanya. Hayaan mo kapag nagkapera ako babayaran ko siya." madiing wika ko.


"Babe sa ngayon kalimutan mo muna yang mga utang, ang mahalaga sa ngayon andiyan ka, buhay na buhay at ang kapatid mo. " tipid niyang sabi.

"Oo Courtney kailangan kong magpakatatag. Alang alang sa kapatid ko. " tipid kong sagot sa kanya.


Nandito na kami sa loob ng funeral homes. Habang namimili ako ng kabaong, napapaisip ako. Bago sila pumanaw nag tingin tingin na ako ng brand new na bahay. Hindi gaanong malaki pero pwede na sa aming apat . Pero wala na eh. Andito ako at hindi bahay ang tinitingnan ko kundi magiging tahanan ng parents ko sa mahabang panahon. Bumuga ako ng hangin habang naglalakad sa dalawang kabaong. Pinili ko ang dalawang kabaong may pagka light blue green/ turquoise. Medyo Hindi siya gaano kamahal. Nakakahiya naman kasi.


Pagka pili ko, dumiretso naman kami sa St.Peter Chapel para ayusin ang loob nito. Dumating na din ang Ibang kamag anakan namin mula sa iba't Ibang lalawigan. Nagsidatingan ang mga nag gagandahang bulaklak na kulay puti at maganda ang pagkakaayos nito at inilagay sa tamang pag lagyan. Nakamasid lang ako sa buong paligid na parang hindi ko alam ang mga nagaganap.


Nakita ko si sir Blake, mga tagaibang department, si Meagan andito rin pala na panay instruct sa mga umaayos ng mga bulaklak, mostly mga taga RTC ang andito upang makiramay. Mga kaibigan nina Tatay at Nanay andito rin maging ang aming kapitbahay. Tulong tulong sila upang magkaron ng maayos na paglalamayan ang mga magulang ko. Salamat din sa tulong ng RTC lalo na kay Alex.


So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon