Chapter 34

8.1K 257 32
                                    





A/N

SALAMAT SA LAHAT NG NAG-ABANG,NAGPUYAT, NAGBIGAY NG KAPE, TINAPAY. NAKITAWA, NAKIIYAK,NAIINIS,NAIRITA SA ALTRIX. SA LAHAT NG SUPPORT NIYO SA AMIN MARAMING SALAMAT PO SA INYO. KAYO ANG NAGING INSPIRASYON NAMIN UPANG MAGAWA ANG STORIES NAMIN...

MARAMING SALAMAT TO OUR FOLLOWERS AND NEW FOLLOWERS, TO ALL OUR READERS AND SILENT READERS ..WE LOVE YOU ALL!

XOXO

ALTRIX





Napasapo sa sariling mukha si Alex matapos makausap ang nasabing detective,ngayon back to square one na naman sila sa paghahanap sa babaeng mahal niya pero ang tanong saan siya magsimulang maghanap. Hindi na naman niya namalayan na napapaiyak nap ala siya. Agad naman siyang niyakap ng mga kaibigan. Alam nilang nahihirapan na ang dalaga. Alam din nila kung gaano nito kamahal si Trixie. Kahit sila nagtataka kung bakit wala man lang text o tawag sa kanila si Trix. They knew hindi siya ganung klaseng tao. Sa tagal na panahon na pinagsamahan nila, kilala na nila ang pagkatao nito. Pero this time iba, ayaw man nilang isipin pero naiisip nila na baka nga nakidnap ito for ransom.

"Guys,I think the best thing that we can do right now is to go home and get some rest so we can think a better plan on how to find her. Right now we're all exhausted and hungry. Let's all get some full rest first. Just make sure all your phone isn't in silent mode. Kapag may tumawag and it is about kidnapping then wag padalos dalos ng desisyon lalo kana Alex. We should inform Trix parents and report to the police or NBI. What do you think?" Suggestions ni Blake habang tinitingnan isa isa ang mga kausap. Napaisip naman sila sa sinabi nito.

"I guess Blake is right. Hintayin natin na may tumawag. Isang araw pa lang siyang nawawala so far wala pang tumawag. And yeah we all need some rest. It's been a long day. Look at yourself Alex, para kang nanganak ng sampung beses. Wala ka pa yatang suklay eh. Naku Babe kapag nagpakita si Trixie at ganyan ang ayos mo kahit single ka dika papatulan nun. Tingnan mo nga oh laki ng bag mo sa mata. Anong brand yan Babe? LV, Hermes, Coach, MK, Guess?" natatawang biro ni Courtney. Yumuko na lamang ang dalawang kaibigang si Charm at Nikki na pigil ang mga tawa. Maging si Blake napangiti na rin dahil ibang Alex ang nakikita niya sa ngayon. Rugged ang suot, walang make up, kahit man lang lipstick wala.

Dito napansin ni Blake na ang ganda nga pala talaga ni Alex kahit na walang make up at kahit magsuot pa ito ng basahan maganda pa din ito. Binelatan naman ni Alex ang tawa ng tawang si Courtney at binato ng hawak hawak na pinagbali bali na skewer.

"Diko na naisip pang mag-ayos o magpaganda dahil ang gusto kong gawin ngayon ay ang hanapin si Trix pero hindi ko alam kung saan..."naiiyak na sambit ni Alex habang pilit nginunguya ang kinakain na banana cue.

"Babe, don't you remember kung ilang years ang ginugul mo para lang mahanap mo siya noon? Ilang milyong peso ang naipalabas mo dahil sa paghihire ng agent? Oh di ba anong nangyari? Nag-apply siya ng trabaho mismo sa company mo. Malay mo this time mag-aaply ulit siya, taga timpla mo ng kape."hagikgikan naman silang lahat sa tinuran ni Nikki.

"That's right. You even asked Courtney to hire a special agent to search for your spidey but I guess that agent is only getting your money and Courtn-"hindi naituloy ni Charm ang sasabihin dahil pinasakan na ito ng saging ni Courtney. Pinandilatan naman siya ng mata ni Charm dahil halos mapaubo ito dahil sa laki ng saging na isinubo ni Courtney sa kanya.

"Tapos na yun wag na ibalik ang nakalipas." Habang ang mga mata nasa girlfriend niyang si Nikki na nakabusangot na. Courtney knew nagseselos na naman ang kanyang mahal. Binigyan niya lang ito ng matamis na ngiti at bumulong sa hangin, "mamaya" sabay kindat. Lalo naman sumimangot si Nikki.

So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon