Chapter 10

13.8K 354 7
                                    



TRIXIE POV

Dahil sa kadiliman, di ko mapigilang kabahan, pero ang mas ikina-gulat ko ay may malambot na kamay ang biglang humablot sa akin at hinigit ako payakap sa kanya. Agad na hinila ako papasok sa loob ng... elevator? Hindi na ako nagreklamo dahil sa takot ko sa dilim. Naramdaman ko yung akap niya sa bewang ko kaya napayakap na rin ako sa kanya dahil sa takot at kaba, Naramdaman kong ligtas na ako sa mga bisig niya, ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya, ganun din ako. Dali-dali kong kinuha ang phone ko upang magsilbing ilaw, ngunit laking gulat ko ng makitang si Alex ang nakayakap sa akin at buong puso akong tinignan sa mata. I can see mixed emotions between her eyes, napansin ko ang munting butil ng luha na tumulo galing sa kanyang mga mata. Di ko malaman ang gagawin ko kaya hinagkan ko ang kanyang mga mata at napa-pikit siya.

"Spidey ko" She said between her sob.

Napasinghap ako kasabay pakawala ng isang mabigat na buntong hininga bago ko sinakop ang kanyang mapupulang labi, how I really miss her lips, I miss this. She kissed me back with full of love and longingness at mas hinigpitan ang pagkaka-yakap sa akin. I know this is wrong but my heart tells me otherwise and there's nothing to be afraid of.

Napapikit ako at mas lalong dinama ang sarap ng kanyang mga halik. No doubt, I'm still in love with this girl, My Gwenny.

_____________________________________________________________

Nang umilaw ang loob ng elevator at naayos na ang problema,dun lang ako natauhan sa ginawa ko, Dali-dali akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at dumistansya. I can see in my peripheral vision that Alex is grinning like a fool, yung totoo may sayad ba sa pag-iisip ang isang ito? Kani-kanina lang sa opisina halos bumuga na ito ng apoy dahil sa galit, dito naman sa loob ng elevator iyak ng iyak ngayon naman parang timang na pangisi-ngisi. Tsk, kawawa naman yung Gwenny ko.

"Gwenny ko? Really Trix, nakalimutan mo na ba na may boyfriend ka na?" Epal ng mahadira kong isip.

Baka naman na miss ko lang talaga yung tao. Yun nga OO na miss ko lang siya! Tama! May boyfriend ka na Trix kaya dapat nasa kanya ang focus mo.

"By the way, you can start your work tomorrow, be sure to be in my office at exactly 7:30 in the morning or else.." She said in a deep cold voice while looking at me and smirk. Oh jusmeyo, siya ang magiging boss ko? Hindi ko alam kong matutuwa ako sa katotohanang araw araw kami magkasama. Pero sabi ng kabilang isip ko hindi pwede dahil may nobyo akong naghihintay sa akin. Nalilito na ako sa mga nangyayari sa akin sa araw na ito.

"Did you hear what I say? Or baka naman gusto mong maulit muli ang ginawa natin kani-kanina lang?" taas kilay ng dyosang nasa harap ko at sabay ngisi ng nakakaloko.

"Yes A-Alex I mean Ma'am" Napataas ang kilay niya sa sagot ko.  Doon ko napagtanto ang isinagot ko sa katanungan niya. Namula naman ako na parang kamatis. Agad na binawi ko ang sagot kosa kanya.

"I mean Yes Alex ahm Ma'am Alex  I heard what you say, and diko na gusto maulit yung ginawa natin kanina." diretsang sagot ko sa kanya.

"Call me Miss Lexie" she said at inirapan lang ako, at ayun na naman po siya sa pagiging bitchy niya. Bipolar ata tung babae na to eh. Hindi ko na lang siya pinansin at nagkunwaring may tinetext dahil sa panakaw niyang mga sulyap sa akin.

At muling namayani ang katahimikan...... (Krooo...Krooo....Krooo)

Ting!

Haaay salamat naman at  nasa Ground floor na kami, pagka bukas agad akong lumakad palabas ng RTC Building. Ano kaya magiging buhay ko simula bukas? Bahala na nga lang basta may trabaho na ako. Dumiritso agad ako sa IHOP kung saan napagkasunduan namin ni Labs na magkita. Agad ko itong namataan na busy sa pagkalikot ng kanyang phone.

So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon