Hello To All Our Avid Readers
Sorry kung matagal ang update. Alex is known as Accident Prone Person. Hehehe. Dahil sa katigasan ng ulo ilang linggo na di nakapag laptop kasi bawal. Baka lalo pang magkasakit and worst dahil nga head injury, magkaron ng selective amnesia. LoL!
Since okay okay na siya according to her kaya Ito ang kanyang pasalubong sa inyo. Updates!
Thank you for waiting patiently :)
Love Love sa lahat.
XOXO
ALTRIXPHILIPPINES
NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
Kalalapag lang ng eroplanong sinakyan ni Tyler galing Vancouver Canada ang Philippine Airlines. Nasa baggage area ito at hinihintay ang paglabas ng kanyang maleta nang may mahagip ang kanyang mga mata. Dalawang babaeng papalabas na ng lobby ang kanyang namataan. Kung pagbabasehan niya ang tindig at lakad ng isang babae masasabi nyang ito ang empostor ni Alex. Ngunit nagkibit balikat na lamang ito dahil ayaw niyang magkamali at masira ang kanyang iniingatang pangalan. Isang paraan ang nasa utak niya, alamin ang pangalang nakasulat sa kanilang marriage contract.
Pagkakita sa kanyang luggage, mabilis na hinila ito at nagmamadaling lumabas ng nasabing area papunta sa sasakyang nakaabang sa kanya. Ang kanyang kanang kamay na si Carter.
"Hey bro kamusta ang byahe?" seryosong tanong ng nakashade na lalaki sab aging dating na si Tyler.
"As usual nakakapagod at di ako nakatulog sa mahabang byahe ko. I had so much in my brain right now. What happened to your investigation, may nakuha ka bang information regarding that woman?" mahinahon niyang tanong.
"Bro, right now wala eh. Ang tanging pag-asa na lamang ay ang marriage contract niyong dalawa. At sa tingin ko bro walang alam ang pamilya ni Alexandra na fake ang nakikita nilang anak. Dahil nakausap ko si Mr. Rogers and he seems so excited na magkaron na kayo ng anak. I was thinking that there might be someone who sabotage your plan? Isang taong may galit sayo bro." litanya ng kaibigan. Napatingin naman si Tyler sa katabi ng may nagtatanong na mga mata saka ibinalik ang paningin sa labas ng bintana.
Napapaisip siya kung sino ang taong may galit sa kanya ang gumawa nito. Napakuyom ang mga kamay dahil sa galit. Ngayon niya gustong gumanti sa taong may pakana ng lahat. Hindi niya ngayon alam kung anong idadahilan sa parents ni Alex kung sakaling hanapin ito sa kanya. Hindi muna niya pinaalam sa lahat ang kanyang agarang pag uwi. Tumuloy ito sa condo na dati niyang tinitirhan.
"Bro wala ka bang balita kung nasaan si Alexandra?" tanong sa kaibigan.
"Bro since you left the country, wala akong balita sa kanya. Dahil ang akala ng lahat siya talaga si Alex. Nakita pa nga siyang lumabas kasama ng mga kaibigan niya di ba?" sagot sa katabi.
"Yeah, she told me the night before na magkikita silang lahat parang get together ng kanilang grupo. Kung walang alam ang kaniyang mga kaibigan, maliban kay Alexandra may iba siyang kasabwat na hindi alam ng kaniyang mga kaibigan. Maybe until now they were thinking that I had Alexandra the whole time. Kaya siguro they don't bother to check on her kasi iniisip nila nasa honeymoon kami." Napapailing na sambit nito.
"Ganun na nga Bro. Ibang tao ang kasama niyang nagplano nito. Ang poser niya, si Alexandra at kung sino man ang kasama niyang nagplano ng lahat. Wow! Talagang napabilib ako sa utak nila. Paano kaya nila nagawa ang ganun ka imposibleng bagay? Lahat perfect ang pagkaplano ha." Napapahangang turan ni Carter.
BINABASA MO ANG
So It's You After All(COMPLETED)
RomanceMatagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE? Abangan ang storyang hatid nina Trixie and Alexandra na magpapainit ng ulo niyo, magpapakilig, magpapaiyak, magpapatawa at magpaparamdam n...