Alex POV
Nagising ako sa init ng sinag ng araw, pag tingin ko sa side ko wala na akong katabi. Bumangon na ako at pumunta sa bathroom para maligo at maghanda sa pag-alis. Nang matapos akong maligo pumunta ako sa walk in closet ko nag bihis, pinili ko yung fitted v-neck shirt ko at tinernohan ng torn black skinny jeans at high heeled sneakers. Pagkatapos kong mag-bihis ay sumakay na ako ng elevator papuntang basement kung saan naka park ang baby Lambo ko. Sumakay agad ako at nag drive pauwi sa bahay. As usual di ko na naabutan ang parents ko, kaya pumasok na ako sa kwarto. Naalala ko na malapit na pala ang alis ko kaya I decided to pack my things. Habang busy ako sa kaka ayos ng gamit ko ay nakita ko ang isang box na naglalaman ng mga ala-ala namin ni Trixie. Naalala ko na naman yung masasayang araw na kasama ko siya.
******************Flash Back******************
Muling bumalik si Alex sa lugar ng Lolo at Lola niya pagkarating niya galing sa Amerika na ngayon ay labing limang taong gulang na. Habang nasa byahe si Alex kasama ang kanyang Yaya Cora, hindi mapuknat-puknat ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Iniisip niya ang magiging reaksyon ni Trixie kapag nagkaharap na sila although sa kabilang panig ng kanyang isipan andun ang kakabahan siya na baka galit ito sa kanya dahil sa hindi na naman niya pagtupad sa kanyang mga pangako. Mina-master na niya ang mga dapat sasabihin sa bestfriend niya. Pagkarating sa bahay ng grandparents niya, agad naman na sumalubong ang kanyang Lola na ngayon ay puro puti na ang mga buhok nito at may katandaan na rin noong huling magkita sila. Agad siyang nagmano dito at yumakap.
"Apo mabuti at naisipan mong dalawin kami uli dito." Masayang salubong na wika ng Lola ni Alex. Wala pa ring pinagbago sa katauhan ni Alex, gaya ng dati malusog pa rin ito at maysuot pa ring glasses.
"Lola, miss ko na po kayo ni Lolo. Asan nga po pala si Lolo?"habang palinga-linga sa paligid na parang may hinahanap.
"Ah nasa may burol Apo at binisita ang mga bagong pananim na mga puno ng prutas doon. Oh siya tara na sa loob at magpahinga. Sigurado akong pagod na pagod ka sa byahe." Sabay hila sa Apo papasok ng bahay. Pumasok sila sa kwarto at pabagsak niyang inihiga ang pagod na katawan. Habang nakahiga sa kama si Alex, iniisip niyang puntahan si Trixie at hindi na siya makahintay pa na gawin ito kinabukasan. Nasasabik na talaga siyang Makita ang taong matagal niyang inaasam na makasama. Dali- dali siyang lumabas ng kwarto at hinanap ang Yaya Cora niya. Natagpuan niya itong masayang nakikipag kwentuhan sa mga kasambahay habang kumakain ng bagong luto na banana cue. At super lamig na koks.
"Yaya Cora, medyo maaga pa naman pwede po ba tayo pumunta kila Trixie?" sabay pout at paawa effect ni Alex sa Yaya Cora niya. Ito ang kadalasang ginagawa ni Alex kapag may gusto siyang hilingin dito.
"Naku bata ka, hindi ka ba napapagod sa byahe? Dyaske! Ako nga sumakit ang puwet ko dahil sa mga lubak na daan kanina eh. Hay! Bakit kasi di pa matapos tapos ang pag-aayos ng mga kalsada. Sisimulan nila pagkatapos hihintayin na naman ang susunod na eleksyon para ipagawa ulit..." walang prenong kwento ng Yaya Cora niya. Agad na pinutol ni Alex ang mga susunod pang sasabihin ng Yaya niya.
"Yaya! Stop! Hehehe. I'm only asking if it's okay to see Trixie today. How come you end up talking about the unfinished project of those politicians? Funny Yaya. And besides I'm not that tired, having all these fats with me I'm just bouncing back. Hahaha. Para lang akong nakaupo sa water bed eh. Yaya please..." sabay yakap sa Yaya niya. Super lambing kasi si Alex sa Yaya niya. Ito na kasi ang nag-alaga sa kanya simula nung nasa sinapupunan pa lamang siya. Dahil sa pusong Siopao ng Yaya niya ayun napapayag niya ito.
" Oh siya tara na pero bago tayo umalis eh magpaalam ka muna sa Lola mo ha at kakausapin ko lang yong driver na ipahanda ang sasakyan." Para namang si flash si Alex sa bilis ng takbo upang puntahan ang Lola niya na nasa palikuran at nagdidilig ng mga alaga niyang iba't ibang uri ng mga rosas at orchids. Agad naman siyang pinayagan ng Lola niya dahil kilala naman nila ang pamilya nila Trixie sa kanilang lugar. Habang lulan ng sasakyan papunta kila Trixie ay hindi maipaliwanag ni Alex ang kabang nararamdaman niya habang papalapit sila sa bahay ng kaibigan. Maya't maya siyang napapailing, na parang pusang di makaihi. Napansin naman iyon ng kanyang Yaya Cora.
BINABASA MO ANG
So It's You After All(COMPLETED)
Storie d'amoreMatagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE? Abangan ang storyang hatid nina Trixie and Alexandra na magpapainit ng ulo niyo, magpapakilig, magpapaiyak, magpapatawa at magpaparamdam n...