Chapter 28

7.7K 239 58
                                    

A/N

Thank you sa lahat ng nagbasa at nagvote,nag add sa kanilang RL. Maraming maraming salamat po... <3 <3


@numberonetroll


@I_Trixie

sana gumaan na ang dibdib mo ha





TRIXIE








Parang kilan lang ng mangyari ang isa sa pinakamasaklap na pangyayari sa buhay ko at sa buhay naming lahat. Yun na yata ang pinakamasakit sa lahat ng sakit na nararamdaman ko sa tanang buhay ko. Hindi ko inakala na sa isang kisap mata lang ang lahat ng pangarap ko mawawasak at mawawala. Pilit kong sinasabi sa utak ko na ang lahat may dahilan pero hanggang sa ngayon wala akong maisip na dahilan kung bakit nangyari sa akin ang mga yun. Napabuntong hininga ako kapag naiisip ko ang mga kaganapang iyon.


Bago ako pumasok sa office dumaan muna ako sa isang lugar na matagal ko ding hindi nadalaw. Forbes Park Cemetery kung saan nakahimlay ang katawan ni Andre. Dumaan ako sa flower shop at bumili na din ng kandila. Pagkatapos pumunta na ng sementeryo. I parked my car not too far from where Andre's body has been buried taon na din ang nakakalipas. Inilapag ko na ang dala kong bulaklak at nagtirik ng kandila at nag-alay ng dasal. I looked up the sky then speak like he's only next to me.


"Ano hanggang diyan ba e pasaway ka pa rin? Siguro may nililigawan ka na naman diyan ano? Madaya ka talaga. Nangako ka sa akin dati na walang iwanan di ba. Ikaw kasi ang bilis mong magalit kaagad, ang lahat naman kasi napag uusapan pero ikaw lagging init ng ulo ang pinapairal mo. Ano may maganda at seksing babae ka na ba siyan? Tsk. Di ba patay na patay ka sa akin. Hehehe. Wag kang pasaway diyan ha. Paano aalis na ako. Wag mo akong dalawin at takutin ha kung ayaw mong mapatay kita ulit. Di joke lang. Ingat ka diyan. Bye." yun lang at nilisan ko ang lugar na iyon. Akala ko dati hindi ko siya kayang patawarin pero naisip ko bakit ko pa dala dalahin ang hatred sa dibdib ko. Wala na siya. Kahit murahin ko siya wala din mangyayari. Naging mabuting magkaibigan kami ni Andre bago ko siyang naging kasintahan. Kaya may pinagsamahan kami.








Andito na ako sa office ko, ako ang pansamantalang acting CEO ng family business namin. Nasa vacation ang parents ko. Yes, family business. My real family. My Mom Felly and Dad Douglas. Also my brother Carlos at tyang andito din sa bahay nila mommy. Sila mom and dad na ang gumastos para sa pag aaral ng kapatid ko. At para maging legal na kapatid ko na siya inadopt siya ng parents ko. Kaya isa na siyang Johnson kagaya ko. Pagkaupo ko sa swivel chair ko at napatingin sa picture na nasa drawer ko. Bumalik naman sa isipan ko ang mga kaganapan sa buhay ko.








FLASHBACK





Nang imulat ko ang mga mata ko, nagtataka ako sa kinaroroonan ko. Bakit puro puti? Nasa langit na ba ako? Naku, kasama ko na ba si San Pedro at ako ang nakatoka para magpakain ng kanyang alagang manok? I closed my eyes again just to make sure about where I'm at. Pero I heard voices... Ito ba yung sinasabi nilang boses ng mga anghel? Pero teka masakit sa tenga eh. Parang familiar sa akin ang boses na iyon. Kaya muli akong nagmulat at tumambad sa akin ang ibang mga panauhin na diko kilala.


They were smiling at me. Sino sila? Nasaan ang kapatid ko at si Tyang? I was speechless for a moment then I heard the door open and right there I saw the smile on my brother's face kasunod niya si Tyang. Nakita naman nila ang pagtataka sa mukha ko kaya tinanguan niya sina Mr. and Mrs. Johnson? Anong ginagawa nila dito? (Marahil dinadalaw ka kasi nasa hospital ka shunga lang Trixie). Sagot ng echuserang palaka kong utak. It was my brother ang nagsimula ng convo.


So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon