THIRD PERSON POV
Late na nakarating ng bahay si Alex dahil sa matinding traffic lalo na at last hour, bumper to bumper ang mga sasakyan. Bago siya umuwi dumaan muna siya sa isang drive thru upang umorder ng makakain. Habang nagdadrive panay naman ang kagat niya sa inorder na grilled chicken burger with some lettuce, tomato and their secret seasoning, sabay dampot ng fries and sip on her drink. Hindi naman siya sinumpong ng topak dahil sa nabusog naman siya sa kanyang kinain. Inabot din ng siyam siyam bago niya narating ang kanilang tahanan.
Nagulat naman si Alex ng may nagbukas ng pintuan, si Ate Cecil niya. Kinakabahan naman si Alex ng makitang namumula ang mga mata nito na kagagaling lang sa pag-iyak. Nakaramdam ng takot sa dibdib si Alex nab aka may masamang nangyari sa Lola niya. Agad na pumasok siya sa loob at nagpalinga-linga. Tinanong niya kaagad ang Lola niya kung nasaan ito at kung ano ang nangyari. Nagulat naman si Ate Cecil niya sa tanong ni Alex kaya hindi kaagad nakapagsalita.
"Oh no, Ate Cecil don't tell me that... " agad na napaiyak si Alex. Na agad naman dinaluhan ng Ate Cecil niya.
"Alex, bakit ka umiyak? May problema ka ba? Maysakit ka ba? Gutom ka ba? Anong masakit sa iyo bata ka?" medyo natauhan naman si Alex sa klase ng mga tanong ng Ate Cecil niya. Kaya kahit kinakabahan pinilit niya pa ring itanong ang kalagayan ng Lola niya.
"Ate Cecil.. M-may nangyari ba sa L-Lola ko?" bikig ang lalamunan na tanong ni Alex. Nagulat naman ang Ate Cecil niya sa tanong niya.
"Aba'y Alex wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Kakahatid ko lang sa Lola mo kani-kanina lang sa kwarto niya. Katunayan nga niyan nakuha pang sumayaw ng 'GANGNAM STYLE' ng Lola mo. Dyaske kang bata ka at bakit mo ba naitanong yan ?" natatawang tanong ng Ate Cecil niya.
"Eh kasi kanina pagbukas niyo po ng pintuan parang kagagaling niyo lang sa iyak, so I assumed something bad happen to my dearest Lola. Kaya ayun sa takot ko umiyak na lang ako." Nakangiwing sagot ni Alex.
"Ah yun ba.. Naku eh pasensiya ka na Alex kaya ako napaiyak e dahil dun sa pinanood ko sa TV na 'Bridges Of Love'. Nakakaiyak ang eksina at nadala ako kaya umiyak na rin ako." Natatawang wika ng Ate Cecil niya at nakitawa na lang din si Alex. Dahil sa matinding pagod niya sa buong maghapon dumiretso na siya papuntang kwarto niya na nasa ikalawang palapag. Nilapag niya ang mga gamit sa kama at naghubad ng sapatos, checked emails (mostly junk mail), turn on the TV( puro drama) madrama na nga ang buhay niya dadagdag pa sila. Dumiretso na lang siya sa washroom para gawin ang mga palagiang Gawain niya bago matulog. After 3 years ( joke) finally natapos na din siya, napagpasyahan niyang humilata na sa kama.
Habang nakahiga na si Alex at pinipilit ang sarili upang matulog na bigla syang may naisipang gawin. Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan.
"Pwede ba tayo magkita bukas? Yeah, we can meet at the coffee shop beside RTC building. What about after lunch? Is it possible for you to be there? Yes, I really need your service and according to your commander you're the most trusted and reliable person. That's why we need to meet up and talk about something you need to do for me. Don't worry about the payment. So tomorrow is a good time? Okay, See you then. My pleasure. Bye!" Pagkatapos niyang makipag-usap sa isang agent na hinire niya kumuha siya ng alak sa baba at pumunta sa veranda. Agad na tinungga niya ang alak at nagpasya ng matulog ng biglang may narinig siyang tunog na nagmumula sa kanyang laptop. It's a skype sound. Someone is trying to call. Well it was her two asungot friends Charm and Nikki. She right away accept the call.
"Biatchhh! Oh Mama Mia. Gosshh! You turn me on baby. You're so hot with that red silky lingerie baby." Charm trying to tease Alex. Agad na tumakbo si Alex para kumuha ng robe from her walk in closet.
BINABASA MO ANG
So It's You After All(COMPLETED)
Lãng mạnMatagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE? Abangan ang storyang hatid nina Trixie and Alexandra na magpapainit ng ulo niyo, magpapakilig, magpapaiyak, magpapatawa at magpaparamdam n...