Chapter 17

9.8K 266 28
                                    

Halos hindi maihakbang ni Alex ang mga paa patungo sa elevator. Nanginginig ang mga kamay habang pinipindot ang button papuntang ground floor. Bakas sa mukha ang matinding sakit at nagbabadya ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Mabilis niyang narating ang parking lot at parang wala sa sariling pinasibad ito patungo sa kung saan.

Habang lulan ng sasakyan, pinipilit niyang nilalabanan ang sariling damdamin. Gulong gulo ang kanyang isipan. Hanggang sa hindi na niya kinaya ang sakit, bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata. Halos hirap na siyang makakita sa pinag dadaanan niya kaya pansamatala niyang itinigil ang sasakyan at doon na siya humahulhol ng iyak. Sobrang sakit.Halos gumuho ang mundo niya. Hindi niya inakalang magagawa sa kanya ito ng taong minahal niya sa mahabang panahon. Anong nagawa niyang kasalanan at saan siya nag kulang? Bakit kailangang danasin niya ang ganito kasakit na pangyayari sa buhay niya.

Sa sobrang pag-iiyak,nakatulugan na niya pala Ito. Napatingin siya sa labas ng bintana at napagtanto niya na nasa gilid pala siya ng kalsada. Pupungas pungas siyang umayos ng upo at saka binuhay ang makina at nagdesisyon siyang umuwi ng condo. Pagkarating niya doon nadatnan niya naming may kausap sa skype si Courtney malamang si Nikki ang kausap nito. Tuloy tuloy lang siya sa kanyang silid at agad nilabas ang mga maleta. Tinawagan niya ang kanyang sekretarya at binalita ang pagkawala niya ng mga ilang lingo sa opisina. Tinawagan niya din si Blake na siya na muna ang bahala sa lahat lahat habang wala siya. Pagkababa ng telepono ay siya naming pagpasok ni Courtney.

"Babe, ano yung narinig ko na aalis ka?" nagtatakang tanong ng kaibigan. Hindi niya kasi napansin pa ang mugtong mata nito dahil sa nakatalikod ito sa kanya.

"Ahm yeah. Pansamantalang mawawala muna ako sa opisina at kung maaari sana eh pakitignan mo ang bawat branches natin. Gaya ng dati babe." Pilit niyang pagtatakip sa kanyang garalgal na boses.

"Babe, tell me. Ano ba ang nangyari? kanina habang kausap kita sa phone ang saya saya mo at magkikita kayo ni trixie pero ngayon, you look really different para kang namatayan, you look really wasted." nag-alalang tanong ni Courtney sa kaibigan. Biglang humarap si Alex sa kanya at ganun na lamang ang pagtataka sa kanyang mukha. Dahil kitang kita niya kung gaano namaga ang mata nito dahil sa pag iyak. Kaagad niyang nilapitan at niyapos ng sobrang higpit si Alex. Doon na bumuhos ang mga masaganang luha mula sa mga mata nito at paunti unting sinasabi kay Courtney ang nasaksihan niyang eksina sa condo ni Trixie. Halos hindi naman makapaniwala si Courtney sa narinig ngunit base sa kwento ni Alex na nagsinungaling sa kanila si Trixie kaya may namuong inis at galit sa puso niya para sa dalagang si Trixie. Nang mahimasmasan na si Alex tinawagan niya ang kilalang travel agency for ticket.

"Hello yes, this is Alexandra Rogers. I need an urgent flight going to San Francisco. The sooner the better." Kausap niya sa kabilang linya.

"Okay ma'am Alex, I will just send you the details regarding your flight as well as your ticket." Sabay end ng tawag niya. Binalingan naman niya si Courtney na hanggang nagyon naguguluhan sa sobrang bilis ng pangyayari, nung isang araw lang sobrang saya ng kaibigan niya ngayon halos gumuho ang mundo nito.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo ang lumayo at layuan siya? Kung mahal mo siya bakit dimo ipaglaban yang nararamdaman mo?" sabay turo sa puso nito. " Hindi pa naman niya siguro asawa yun." Suhestyon nito.

"As much as possible ayokong manira ng magandang pagsasama at isang masayang relasyon. Kitang kita naman sa mukha nila na pareho silang masaya. Ayoko na dumating sa punto na kailangan niyang mamili. Di ba may kasabihan na 'If you love someone set them free. If they come back they're yours; if they don't they never were'. Kaya palalayain ko siya kahit na sobrang sakit dito. I can forgive her but I cant forget. Don't worry I'll be back here maybe not right away but promise uuwi ako dito. A brand new Alexandra 3.0 wiser, stronger, braver, bolder and piercer."pilit na ngiti niya sa kaibigan ngunit nasa mata nito ang matinding sakit at pagkabigo.

So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon