Chapter 32

8.6K 265 71
                                    

THIRD PERSON

Umiiyak na nilisan ni Trixie ang lobby ng hotel at lumipat sa isang hotel kung saan isa ang parents niya sa mga investor. Dito siya mananatili habang hindi pa tapos ang sinasabing conference. Hindi niya kayang makasama sa loob ng isang kwarto ang babaeng dumurog sa puso niya ng paulit ulit. Gusto niyang isiping nagseselos ito dahil sa ipinakita nito kanina pero ayaw niyang isipin na yun nga ang dahilan ng pagputok ng butse niya.

Pagod na pagod na siya sa kakaunawa at kakaantay na maalala siya nito ngunit hindi. Unti-unti na siyang nawawala sa puso ng taong pinangarap niya at inaasam na makasama. Mag-uumaga na ng nakarating siya dito kaya pagkadating na pagkadating niya basta na lang siya nahiga sa kama at hinayaang pumatak ang mga luhang sanhi ng pagsasagutan nila ni Alex. Kailangan niyang matulog dahil maaga pa siyang babalik sa hotel kung saan naiwan si Alex upang kunin ang mga gamit niya at makapagpalit na rin ito.

Dahil sa matinding pagod  dala ng buong araw na conference, at pakikipagdebate niya kay Alex naisip niya na para siyang may nililitis na kaso dahil napagod yata maging ang utak niya sa pakikipag laban sa isang Alexandra na hindi din magpapatalo maisalba lang ang kasalanan niya.Halos mapatalon naman siya sa higaan ng biglang umatungal ang alarm clock mula sa kanyang cellphone . Nakapikit pa siyang kinakapa ito na nasa ibabaw ng side table at pinatay ulit.

Makalipas pa ang ilang sandali muli na naman itong tumunog, this time nagmamadali na siyang bumangon,nag ayos ng sarili dahil sa buong magdamag na pag iyak kaya medyo mugto ang mga mata nito. Naglagay ng powder a pinatungan ng blush on ang pisngi, sinuot ang kanyang aviator at nagmamadali siyang sumakay ng elevator  at lakad takbo siyang papalabas ng hotel building para sumakay sa pinatawag niyang cab. Halos mapudpud na ang mga kuko niya sa kakakutkot dahil malelate na siya sa kanilang conference plus hindi niya alam kung paano harapin ang dalagang nakasagutan niya nung gabing yun.

Pagdating sa hotel lobby kung saan sila nagstay ni Alex, halos liparin niya ang unit dahil gahol na siya sa oras. Nanginginig pa ang kaniyang kamay nang iniswipe ang card key ng hotel dahil sa kakapanic niya. Walang kaabog abog na tinulak ang pintuan at bumungad sa kanya ang nagkakalat na mga unan, cushion, wine bottle, used tissues sa sahig. Bigla siyang kinabahan dahil sa naratnan niyang akala mo dinaanan ng matinding delubyo kaya nagpalinga linga siya at hinahanap si Alex sa buong silid. Una niyang pinasok ang washroom sa pag aakalang naliligo lang ito. Silip dito silip doon at finally natagpuan niya itong tulog na tulog na ang tanging kasuotan lamang ay ang red underwear at red na bra ( A/N Lady in Red ).

Napapalunok naman ng ilang beses si Trixie dahil sa napakagandang tanawin. Tinitigan niya ang babaeng buong buhay niyang minahal at ang tanging babaeng pinag alayan niya ng kanyang puso at maging ang kanyang kaluluwa. Hindi niya alam kung bubuhatin o gigisingin ang lasing na lasing na sinisinta niya. Napansin niya rin sa mga mata nito ang ilang natuyong butil ng mga luha. Napapakagat labi siya dahil sa matinding awa niya sa dating minamahal. Kung may kakayahan lamang siyang ibalik ang alaala nito matagal na niyang ginawa. Gusto na niyang maging masaya ito kasama siya. Pero anong kay lupit naman ng tadhana at sa kanila pa ito nangyari. Akmang bubuhatin na niya sana ang dalaga ng magmulat ito ng mga mata.

"Hey you're back..Oh my gosh!"sabay yakap sa kanya ng dalaga. Hindi naman siya nakakibo at parang na frozen dahil sa pagdikit ng kanilang mga katawan. "I was really worried about your whereabouts last night. I'm very sorry Trix, I shouldn't have said those words to you. Please forgive me na." hawak hawak ni Alex ang kanyang magkabilang pisngi habang nakatingin sa mga mata niya. Napatitig naman ang natutulalang si Trixie sa mga mata ni Alex at parang may kung anong magnet ang mga mata nito dahil pababa ang mga mata niya sa mga mapang akit na mga labi nito.

Ganun din ang ginawa ni Alex, napatitig siya sa maamong mukha ni Trixie. Para kasi itong mamahaling bagay na kailangan pag ingatan upang hindi mabasag o magalusan. Ito ang madalas niya itanong sa kanyang sarili, anong meron sa babaeng ito na para siyang minamagnet sa tuwing mapatingin ito sa kanya. Hindi naglaon at nagkadikit ang mga labi nila. Sa una'y banayad lang ang kanilang halikan. Hanggang sa unti unti itong naging mapusok at pinagsaluhan ang mga nag aalab na mga halik.  Nakaupo na si Trixie sa lap ni Alex habang nakaakap sa mga leeg nito. Samantalang nakayakap si Alex sa bewang niya at ginalinangan ang paghalik sa dalaga.

So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon