THIRD PERSON
Finally my update stays longer. Gosh Sorry sa mga nag- abang at walang nabasa. Kasi si Watty nasiraan ng bait kahapon. Anyway, maraming salamat sa lahat ng tumangkilik sa aming mga gawa. Masayang Masaya kami ng Co- Writer ko sa lahat ng support niyo sa amin. We Love You Guys muahhh..
XOXO
ALTRIX
Makalipas ang ilang sandaling pagpapalitan ng bala mula sa suspek at kapulisan tatlong bulto ng katawan ang makikitang nakahandusay sa labas ng function hall ng The Fairmont Hotel sa Makati. Isang lalaking nakatakip ang mukha at ang dalawang babaeng magkayakap sa isa't isa. Kaagad na sumaklolo si Blake, binuhat si Alex at isinakay sa ambulansiya. Ganun din ang ginawa ni Mr. Johnson binuhat si Trixie papunta sa isang ambulansiyang nakaabang. Pareho isinugod sa Makati Medical Center ang dalawa samantalang dead on the spot naman ang hindi pa nakikilalang lalaki dahilan sa wala itong mapagkikilanlan.
Inalalayan ng mga pulis ang mga taong naroon upang lisanin na ang nasabing hotel para sa kanilang imbestigasyon. Maraming dugo ang makikita sa paligid , mga basag na salamin at sirang kagamitan. Takot at puno ng pangamba ang makikita sa mukha ng bawat isa. Sino ang mag-aakalang ang isang masayang selebrasyon ay mauuwi pala sa isang malagim na pangyayari. Lahat tulala at takot na takot.
Maging ang mga hotel employees ay hindi makapaniwala na mangyayari ang ganitong eksina mismo sa loob ng sikat na hotel. Maraming haka haka at spekulasyon ang kumakalat sa loob ng hotel, paano nakapasok ang taong may baril? Ano ang kaugnayan ng taong ito kay Miss Castro? Sino ang lalaking gustong patayin si Miss Castro at ngayon ay dinamay pa ang anak ng may ari ng RTC?
Naunang dumating si Alex sa hospital at kaagad na dinala sa trauma ward, kasunod ni Trixie. Maririnig mo ang pagtawag ng code 99 sa loob ng emergency department kung kaya nagpanic ang mga doctor at nurses habang sinasalba ang dalawang taong hanggang sa muli ay magkasama at parehong nakikipag patintero kay kamatayan. Bigla namang may dumating na inalalayan din ng doctor at mga nurse, ang ama ni Alex na biglang sinumpong ng kanyang sakit pagkatapos masaksihan ang isang malagim na pangyayari sa buhay ng kanyang anak. Kaya pinagtulungan ng mga ER doctor ang tatlong nilalang.
Biglang nagsidatingan ang mga kaibigan ni Alex na umiiyak at natatakot sa posibleng mangyari. Lahat sila kinakabahan, nanlulumo, puno ng galit sa dibdib para sa taong may gawa nito. Sa ngayon isa lang ang gusto nilang mangyari ang mabuhay ang tatlong taong mahalaga sa kanila. Dumating din ang kapatid ni Trixie at ang tyahin nito na umiiyak. Napasuntok naman sa pader ang kapatid ni Trixie dahil sa nangyari sa kanyang pinakamamahal na ate. Kaagad naman ito sinaklolohan ng tyahin at niyakap ang pamangkin na ngayon ay lumuluha sa isiping baka di na niya makikita pang muli ang kanyang ate Trixie. Wala pang kalahating oras na nakaantabay sa labas biglang bumukas ang pintuan ng trauma ward.
Lahat sila nagulat ng may inilabas na stretcher, unang lumabas na stretcher ang kay Alex. Tulak tulak ng mga nurses na halos liparin ang hallway marating lang ang operating room kasunod ang mga doctors. May nagpupump ng kanyang dibdib at may nagpupump ng kanyang oxygen. Maririnig mo naman ang sigaw ng mga mahal niya sa buhay na umiiyak.
"Alex don't give up! Huhuhu! Alex! Keep fighting! Stay with us Alex, we love you very much! You're a trooper Alex keep fighting! Aleexxxxx!!!!" iyakan at hagulhulan ang maririnig mo sa waiting area. Lalo pa silang nanlumo nang lumabas naman ang stretcher na sakay si Trixie. May nakatayo sa gilid nito at panay pump sa dibdib din. Kaya napatakbo ang kapatid nito at sinabayan ang stretcher at pilit inaabot ang kamay ng ate niya papuntang operating room.
"Ate kaya mo yan.Huhuhu! Wag kang bumitaw ate alam ko hindi papayga sina Itay at Inay na sumunod ka sa kanila. Ateeee wag mo akong iiwan ha. Mahal na mahal kita ateee, lumaban ka ate." Si carlos Jr na halos mamaos na sa kakaiyak at kakasigaw sa ate niya na walang malay at pilit sinasalba ng mga doctor.Pilit naman siyang hinarang sa may pintuan kaya napaupo siyang sapo ang mukha na punong puno ng luha at hinagpis. Lumapit naman sa kanya si Yana na hinihingal dahil sa sumunod ito nung siya ay tumakbo kasunod ang tyahin nila na iyak din ng iyak. Mahal na mahal niya ang kanyang bestfriend. Kung maari lang durugin niya ang taong may gawa nito sa kanya gagawin niya pero ano pang magagawa niya dahil ang pagkakaalam ng lahat patay na ang lalaking may kagagawan ng pamamaril Kaya ang tanging magagawa na lamang nila ay magdasal na makaligtas sina Alex at Trixie.
BINABASA MO ANG
So It's You After All(COMPLETED)
RomanceMatagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE? Abangan ang storyang hatid nina Trixie and Alexandra na magpapainit ng ulo niyo, magpapakilig, magpapaiyak, magpapatawa at magpaparamdam n...