Chapter 51

10.7K 223 190
                                    

Ola! Musta na kayo mga bru! Yeah..yeah.. lam namin medyo natagalan yung update pero saree naman may inasikaso lang. Anyways eto na talaga.. hahaha palagi naming sinasabi na malapit na matapos pero tuwing tatapusin na namin nanghihinayang kami tapos may mga idea pang-dumadating.. pero eto na talaga! Last nato as in laaasssttt na! Hahaha

Sana masiyahan kayo sa handog namin.. and please don't kill us. Ah basta.. well see kung lalagyan namin ng Epilogue watcha think guyths??

Comment kayo.. Any reaction will do.. kahit violent pa yan! hahaha

Lablab namin kayo mga Guyths..!!

Always,

Trixie ^_^

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

REMINDER TO ALL FROM YOUR BELOVED  ALTRIX<3

••Do not use CELLPHONE while DRIVING••

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Halos gumuho ang mundo ni Alex ng malaman ang sakit ng asawa. Paano ito nagkaron ng ganung karamdaman? Napakalakas nito at hindi nakikitaan ng anumang karamdaman kaya sinong magsasabi na may sakit na pala ito. Iyak lang ito ng iyak. Halos hindi na makita ang daan dahil sa luhang wala na yatang katapusan sa pag agos. She's driving without knowing where shes heading. Basta niya lang tinatahak ang daan patungo sa lugar na hindi niya alam. Maya't mayang titigil dahil sa sobrang sakit at bigat ng dibdib na dala dala nito. Mabilis din ang pagpapatakbo nito, hindi pinapansin ang pag ring ng kanyang telepono. Gusto niya munang mapag-isa, pilit inaanalisa ang lahat. Saan siya ngayon kukuha ng lakas kung ang bukod tanging nagbibigay sa kanya ay mawawala din pala.

Nakahinto ang kotse niya sa isang tindahan, bumili ito ng maiinom at crackers for dinner. Pagkabalik sa sasakyan, sunod sunod na ang mga messages nito, calls from loveones but she just ignored them. She's not ready to talk to anyone. Muli siyang nagmaneho ng nagmaneho malapit na rin siyang maubusan ng gas. Muli itong nagdrive hanggang sa may madaanan na gasoline station. Nagpagas ng full tank at pagkatapos magbayad muli itong bumeyahe. Nasa hitsura na nito ang pagod. Hindi na rin ito nakikitaan ng anumang emosyon. Wala pa ring tigil ang pag ring ng telepono nito. Kaya sa sobrang inis, she grabbed the phone and turned it off.

It's almost midnight ng may madaanang inn. Kumuha ng isang kwarto para makapag pahinga. Ni hindi nagtanong kung saang lugar na siya. Gusto niya lang matulog at makalimot sandali. Pagod na pagod na ang kanyang puso at isipan mas lalo na ang kanyang buong katawan. Pagkakuha ng nasabing susi at nakapasok sa loob ng nasabing kwarto basta niya na lamang pinagtatapon kung saan saan ang phone, keys at iba pang gamit. Padapa itong napabagsak sa kama.

Bigla na lamang umagos ang masaganang luha ng muli nitong maalala ang tungkol sa asawa. Paulit ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang sinabi ng doctor. 'I'm sorry Alex we did everything we can to save your wife.'

Wala kang ibang maririnig sa loob ng silid kundi ang kanyang paghikbi at pag iyak sa isiping mawawala na sa mundo ang taong pinakamamahal niya. Kagat ang mga labi upang pigilan ang damdamin nito, gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya ito magawa. Sa sobrang pagod hindi na namalayang nakatulog na pala ito sa kakaiyak.

Tanghali na ito ng magising, kumakalam na din ang kanyang sikmura kaya lumabas ito ng kanyang room upang makapaghanap ng makakain sa labas. Habang nasa cafeteria ito bigla siyang nagtataka sa mga kasuotan ng mga tao, bakit naka beach wear ang mga karamihan? Kaya she asked the lady kung nasaan siya at sinabing nasa Batangas ito. Kaya nagmamadali itong nagbayad at lumabas ng nasabing coffee shop. At bumungad sa kanya ang lugar na nagpapaalala sa kanyang nakaraan, ang lugar kung saan una niyang nasilayan ang taong unang nagpatibok sa kanyang murang puso. Naglakad lakad ito habang tinatanaw ang mga taong masayang naliligo sa mala asul na karagatan.

So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon