Chapter 19

9.4K 255 19
                                    




Nais kong ialay ang chapter na ito sa mga masusugid naming mga tagasubaybay.

@nyler18

@agentorange11

@alydenden213

@gemsie10

@chaofun









Good Day sa Inyong Lahat Mga Kapamilya, Kapuso, Kapatid, ka bruh at ka BErks. Heto na naman po ang inyong tagahatid newspaper na si Lovely Kuting. Aba namiss ko kayong lahat dito. Ito na ang update para sa aming mga tagasubaybay jan.




















Alex POV


Maaga akong gumising upang paghandaan ang nasabing proposal. Hindi ko tuloy alam kung alin ang uunahin. Ito na ang pagkatuyot ng utak ko mamaya sana lang eh pumayag sila at wala ng madaming tanong pa. Kausap ko sa sarili ko habang nagbibihis, kahit na wala akong tulog kagabi dahil kailangan kong pag-aralan ang ipepresent ko. Pinanood ko din ang kopya ng video na pinadala sa akin upang hindi ako mahihirapan sa presentation ko.


Iniwan kong tulog si Cory alam niya naman kasi kung ano ang gagawin ko ngayon although meron kaming small arguments dahil napansin niya ang pagka irita ko sa ginawa ni Trixie kagabi. Kaya nasabi ko sa kanya na si Trixie ang ex-girlfriend ko. Medyo nagulat siya pero later on naging okay na din siya. Speaking of Trixie, d-doon ng aba siya natulog sa r-room ni B-Blake? M-magkatabi kaya sila? Kahit na may isang bed doon p-pero'? Sh*t kailangan kong magfocus ngayon. Pwede ka ba munang umalis sa utak ko kahit sandali lang?'irita kong saway sa utak ko ngunit kusa itong bumabalik sa isipan ko.





Nagngingit-ngit ang kalooban ko ngayon dahil naiirita akong isipin ang nangyari kagabi. Yung babaeng yun! How could she accept Blake's offer? Hello, babae siya at lalaki si Blake kahit pa magkaiba yung kama nila pero ang isiping nasa iisang kwarto lang sila natutulog makes me want to scream out of anger, pwede naman siyang magsabi na sa bahay nalang siya matutulog, maluwang naman yung kama ko ah, hindi ako bitter at hindi ako nagseselos, concern lang ako sa reputation nilang dalawa. Oo tama hindi ako nagseselos nagmamalasakit lang ako.








Mabilis kong narating ang parking lot ng condo at sumakay na sa kotse na hiniram ko kay Cory. Agad na pinasibad ko ito at napapailing sa isipang makikita ko na naman silang magkasama. Oo sobra ang pagseselos ko. Kung maari lang na hablutin ko siya mula kay Blake at ikulong sa mga bisig ko ng mga oras na iyon gagawin ko. At kanino nanggaling ang bulaklak na iyon? May namamagitan na kayang pagmamahal sa kanilang dalawa? Pero wala naming nababanggit si Courtney sa akin noon pa man. Lagot ka talaga sa akin babae ka kapag nalaman kong tinatakpan mo ang kanilang relasyon, malilintikan ka talaga sa akin.'maktol ko sa sarili ko habang binabaybay ang kahabaan ng highway patungo sa isang sangay ng RTC.


Nakapark ako ngayon sa harap ng isang gusali. Ito ang itinayo ng aking lolo bago siya pumanaw.  Makikita mo sa labas ang anim na palapag na building. Napaka moderno ng design nito at dito madalas nagaganap ang mga pagtipon tipon ng pamilya Rogers.


Napangiti ako habang nakatanaw sa nakaukit na pangalan sa harap ng building na ito. Gawa sa tanso ang mga letra nito at ang mga salamin naman kapag nasisinagan ng araw nagiging iba din ang kulay nito.


Welcome to Rogers Company Intl. Building


Naglalakad na ako papasok ng building, sige ako na ang magara manamit. Naka corporate business suit ako ngayon at suot ang akin avaitor. Makintab ang suot kong sapatos na kahit ang langgam e mahihiyang manalamin. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad na akala mo walang katao tao sa loob.


So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon