BEFORE THE YEAR END...
To All Our Avid Followers and ALTRIX fans
It's an honor for us to have such great readers, avid fans and followers. Without you guys there will be no ALTRIX. Thank you guys for the time you spent, late nights etc because of ALTRIX. Oh wait, Wishing you all a Happy New Year with the hope that you will have many blessings in the year to come. Again Thank you for all you have given us. Love Love Love... See you again in 2016 :))
XoXo
ALTRIX (Alex)
--------------------------------------------------------------
Pagkatapos ng ilang oras na pamamalagi ni Trixie sa ER inilipat na ito sa kanyang private room. Kilala na kasi ito ng doctor niyang si Dra. Veswei. Tulak tulak na ang kanyang stretcher ng makausap ang anak na nakahawak sa kanyang mga kamay.
"Xandre did your mommy Alex knows about our whereabouts?" Xandre looked at her and shook his head. Parang kinurot ang puso ni Trixie sa naging kasagutan ng anak. Hindi man lang ba ito nag-alala na kahit pagtawag sa kanila o kaya pag text hindi man lang nito magawa? Hindi man lang niya naisip na may mga taong naghihintay sa kanyang pag uwi? Nasaan na ang dating Alex na halos oras oras itong tumatawag para lang alamin ang kanilang kalagayan ngayon bihira na. Ano bang nagawa niya upang magbago ng damdamin si Alex? Dahil ba sa hindi niya ito napagbigyan ng kanyang hinihiling? Hindi kaya may babae na si Alex? O baka naman hindi na niya kami mahal?
Ito ang mga katanungan na biglang sumagi sa utak ni Trixie. Hindi niya namalayan na may ilang butil ng luha ang sunod sunod na nagsipatakan. Hindi niya yata kakayanin na malamang may ibang babae ang asawa. Bakit ngayon pang malalaki na ang mga bata saka pa ito gagawin ni Alex sa kanila. Pinahid niya ang kanyang pisngi ng makapasok na sila sa kanyang kwarto. Tahimik lamang ang kanyang panganay, halatang pagod ito at inaantok na rin. Bilang ina kahit na hirap ka dahil sa iniindang sakit, dimo din kayang tiisin na makitang nahihirapan ang iyong mga anak. Kaya pinakiusapan niya ang isang nurse na bigyan sila ng extra na pillow at blanket para sa anak nito.
Makalipas ang ilang sandali, bumalika ang nasabing nurse dala dala ang hinihingi nitong gamit.
"Anak, take these and get some rest. Give me your phone just in case your mommy Alex will phone us. At least dika mabobother pa. Sige na it's getting late. Matulog ka na. Mom will get rest later. Nawala na din ang sakit." Utos sa anak.
"Mom, I can stay up if you want. Don't worry about me mommy. Big na ako kaya. If you want, I'll call mom and find out where she's at. Is that okay with you my lovely mother? Minsan lang kayo magkahiwalay miss mo na agad si Mommy Alex. Mom don't tell me may balak pa kayong dagdagan kami?" natatawang biro sa ina. Inirapan naman ni Trixie ang biro ng anak.
"Tumigil ka na nga diyan. Sige na try to call mommy Alex. Baka kasi gumagapang na sa kalasingan. Ask where she is para mapasundo natin siya." Tumango naman si Xandre saka nag scroll ng mga contacts sa kanyang cellphone. Habang nasa cellphone si Xandre pumasok ang kanilang family doctor na ob doctor ni Trixie. Lumabas saglit si Xandre upang tawagan ang inang nasa galaan.
"Hello Mrs. Rogers how are you feeling? Tell me about your pain from 0-10 (A/N Doc mine is over 20. Choss) and where exactly you feel the pain kapag umataki?" tanong ng doctor habang sinusuri si Trixie.
"So far medyo mild na lang yung pain maybe because of the pain reliever that they gave earlier. Out of 10 well if meron pang 11 masasabe kong 11 is the highest Doc. Mostly kapag sumakit siya sa tummy ko lahat nararamdaman ang pinakamasakit. Yung halos ayaw kong pahawakan kapag umatake." She answered calmly.
BINABASA MO ANG
So It's You After All(COMPLETED)
RomanceMatagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE? Abangan ang storyang hatid nina Trixie and Alexandra na magpapainit ng ulo niyo, magpapakilig, magpapaiyak, magpapatawa at magpaparamdam n...