Good Day Everyone.. Na miss ko kayong lahat ah.."Courage doesn't always roar. Sometimes courage is the little voice at the end of the day that says I'll try again tomorrow." – Mary Anne Radmacher
This is your lovely Kuting again..
Nanlumo ako pagkatapos i.kwento sa akin nila Itay at Inay ang tunay kong pagkatao. Feeling ko ngayon di ko na kilala ang aking sarili, lahat ng bagay na pinaniwalaan ko simula pagka-bata ay kasinungalingan lang pala. Ang mahal at tinuring kong pamilya sa loob ng mahabang panahon ay di ko pala ka-dugo.
Hindi naman ako nagtanong pa kung sino ako dahil may ibang lahi din ang tatay. Anak din pala siya ng amerikanong sundalo noong panahon ng gyera. Nagkataon lang na di niya kilala ang kanyang ama. Kaya akala ko naman anak talaga nila ako. Pero nang ipinanganak na si bunso yun ang unang napansin ko ang hindi namin pagkahawig. Ayoko naman itanong sa kanila pa ang bagay na iyon. Hanggang sa nakalimutan ko na dahil napuno naman ako ng kanilang wagas na pagmamahal sa akin. Kaya hindi ko na naisip pa na iba ako.
Nandito ako ngayon sa burol, nakatanaw sa kawalan habang ina-alaala yung katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Ang dami ko palang hindi alam sa sarili ko. Ngayon saan ako magsisimula, Sa paghahanap sa magulang ko? Paghingi ng kapatawaran sa lahat ng nagawa ko kay Alex?Mabuti na lang at tuluyan nang naipakulong si Andre sa lahat ng ginawa niyang kahayupan sa akin. Nabawasan ang mga pasanin ko sa buhay.
Umuwi ako dito para makapag relax and unwind ito pa palang eksina ang mararatnan ko. Paano ko sasabihin sa kanila ang nangyari sa akin sa kamay ni Andre? Paano ko sasabihin sa kanila na umiibig ako sa kapwa ko babae? Napapailing na lamang ako sa aking isipan. Naisip ko pa rin ang sinabi nila sa akin.
===Flashback===
"Anak patawarin mo kami kung hindi namin sinabi sayo ito noon pa, noong panahon na nakita ka namin sa may baybayin, akala namin wala ka ng buhay noon. Pero nang tignan ka namin na namimilipit sa sakit at may maraming sugat sa katawan agad ka naming isinugod sa ospital, tatlong buwan ka ring nakaratay sa ospital, halos mawalan na kami ng pag-asa na gumaling at magising ka, sa awa ng Diyos nagising ka ngunit ang pinagtataka namin ay wala kang maalala sa nakaraan mo, maging ang tunay mong pangalan" Mahabang salaysay sa akin ni Itay.
"Yung kwintas mo, yan ang nakita naming sout-suot mo ng araw na matagpuan ka namin, nakalagay jan ang pangalang "Trixie" kaya yan ang pinangalan namin sayo, patawarin mo kami anak, noong panahon na yun, kaytagal rin namin naghintay at nagdasal na magkaroon ng anak at dumating ka. Ikaw ang sagot sa aming panalangin anak, kaya inako ka namin, inalagaan at itinuring na tunay na anak. Wala din kaming nabalitaang may naghahanap sayo at hindi namin alam kung saang isla ka nanggaling. Dahil ang tinitirhan namin ng nanay mo noon isang maliit na isla at malayo sa kabihasnan. Saka na lamang kami nagdesisyon ng nanay mo na lupimat ng lugar dahil sa ikaw ay mag-aaral na." Si Inay na panay tulo ang luha habang kinu-kwento ang aking nakaraan.
===End of Flashback===
I let out a deep sigh at pinahid ang luha ko. Sunod-sunod na problema ang dumarating sa buhay ko ngayon, first with Alex then with Andre and now ito, tungkol sa pagkatao ko but I need to be strong for myself. Di ako dapat magpadala sa lahat ng problema ko. Pero saan ko sisimulan ang paghahanap sa tunay kong magulang? Inaalala pa kaya nila ako? Alam kaya nila na buhay pa ako? Ano kaya ang tunay kong pangalan. Ang daming tanong sa isipan ko na di ko kayang sagutin.
Si Alex, kamusta na kaya siya? Galit pa rin kaya siya sa akin? Kinalimutan na kaya niya ako? Kasalanan ko rin naman lahat yun, kung naging malakas lang sana ako, kung sinabi ko lang sana sa kanya ang totoo, kung di lang sana ako natakot... sana..sana nandito pa rin siya katabi ko... I'm sorry gwenny ko.. Im sorry...
BINABASA MO ANG
So It's You After All(COMPLETED)
RomanceMatagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE? Abangan ang storyang hatid nina Trixie and Alexandra na magpapainit ng ulo niyo, magpapakilig, magpapaiyak, magpapatawa at magpaparamdam n...