Chapter 22

9.6K 282 34
                                    

Makalipas ang ilang linggo balik trabaho na si Trixie. Dito na sila naninirahan sa may bandang Makati na di kalayuan sa pinapasukan at di kalayuan sa eskwelahan ng kapatid. Dito siya nakakuha ng bahay na hinuhulog hulugan niya buwan buwan. Sa unang linggo nila, hindi naging madali sa magkapatid ang mamuhay na kulang ng dalawang kasapi ng pamilya. Madalas pa din siyang umiiyak sa gabi maging sa araw. Pero pinilit niyang magpakatatag sa lahat ng pagkakataon.

Tungkol naman sa kaso ng magulang niya, may nahuli na ngunit ang nakapagtataka mukhang mali mali ang mga sinasabi ng akusado. Mukhang hindi alam ang nagawang kasalanan. Parang may isang tao siyang pilit pinagtatakpan at kinatatakutan.

Naghahanda na ng almusal si Trixie para sa kanilang dalawa ng kapatid niya ng may tumawag sa kanyang cellphone.


Rinngggg! Riinggggg! Rinnggggg!


"Hello Sir Blake, napatawag ka? May kailangan ka ba?" tanong niya sa kausap.


"Hey, omit the word sir please. Ginawa mo naman akong matanda niyan. Kindly call me Blake na lang. Para namang wala tayong pinagsamahan." natatawang sagot ng lalaki sa kanya.


"Hehehe. Oo na sir este Blake. Oh bakit ka nga pala napatawag? May ipapasuyo ka bang trabaho sa opisina?" si Trixie na hindi tumitigil sa ginagawa habang kausap ang lalaki sa kabilang linya.


"Oh yeah, kung okay lang sayo dadaanan sana kita. Sabay ka na sa akin. Besides madadaanan ko kasi ang area niyo papuntang opisina. So you don't need to commute especially every morning parang lumilipad ang mga tao para lang makasakay. May itulak ka, merong aagawan ka ng pwesto, makipagsiksikan, Kahit wala nang space singit pa rin ng singit. Sa liit mo pa namang yan baka lalo ka lang mapitpit." natatawang biro ng lalaki sa kanya.


"Ah ganun pala ha. Pag-isipan ko yung offer mo ha kung okay siya." ngunit wala pang isang minuto.


"Sige pumapayag na ako. Sayang din ang pamasahe, gwapo ang driver ko, comfortable pa ang upo ko at higit sa lahat aircon at mabango ang simoy ng hangin." puro tawanan ang maririnig sa usapan ng dalawa.


" So see you in 15 minutes? Wag ka na magbaon ha. Si Courtney nga pala nagyayaya na kakain sa labas. I don't know what's the occasion pero siya na daw bahala. Kaya wag ka nang mag-abala magbalot ng baon Miss. See you soon beautiful." sabay end niya sa tawag ni Blake na naging dahilan ng kanyang pag ngiti. Since kasi nang mawala ang parents niya naging close na silang tatlo. Siya, si Blake at si Courtney.


Laging napag-iwanan si Alex ng tatlo dahil sa palaging nakabuntot ang girlfriend na si Cory. Napapadalas na din ang kanilang tampuhan at giriian. Dahil sa kaseselos ni Cory kay Trixie.

Naging mabilis ang kilos ni Trixie dahil ayaw niyang paghintayin pa si Blake ng matagal. Kaya nag-iwan na lang siya ng note para sa kapatid.


'To My Lil Bro,

Breakfast is ready. Your lunch is packed. Ate put some money into your account for this month. See you tonight my lil brother. Muahh Labyu lil bro.

Your one and only

sweet Ate.


Napapangiti siya habang tinitingnan ang mga inihanda para sa kapatid. Walang ano-ano nakarinig na siya ng honk ng car. Si Blake nakaabang na sa labas ng bahay nila. Pagkalabas niya ng gate nabungaran niya ang gwapong mukha ng lalaki na kapag ngumiti labas ang dimple nito at nakapamulsang naghihintay sa kanya sa labas ng car nito. Napakalinis niyang tingnan sa suot na kulay na asul na long sleeves na finold ng half sa mga braso, makikintab ang sapatos na kahit langaw mahihiyang lumapit dito at napakabango. Seriously? Ilang bote ba ng pabango ang binubuhos sa katawan nito? She smiled at him and binati.


So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon