Una sa lahat gusto kong pasalamatan ang aming napaka-ganda, napaka-sexy, napaka-talented at napaka-bait na kaibigan, Dhong @Cora_Zone , thank you sa napaka-gandang Cover Photo kasing ganda mo dhong.We Love you mwuaahh mwuaahh.
____________________________________________________________________
Third Person POV
Habang binabaybay nila Alex ang daan pauwi sa kanilang bahay, hindi mawaglit waglit sa utak niya ang kaniyang nakita. Si Trixie, ang babaeng hinahanap niya sa mahabang panahon. Hindi niya tuloy naririnig ang mga sinasabi ng kaibigan dahil sa ukopado ang utak niya.
"Babe, Uy Alex! Are you okay?Kanina pa ako daldal ng daldal ditto hindi ka naman pala nakikinig. At saka kanina pa kita napapansin na parang ang layo ng iniisip mo? Para kang nakakita ng multo." Nagtatakang tanong ng PA niya.
"Babe I think I saw her.." mahinang sagot ni Alex sabay tingin sa labas ng bintana. Sabay buntong hininga
"See who? Pwede Alex paki diretso na yung kwento para umabot na tayo sa happily ever after." Pang-aasar ni Courtney sa kaibigan.
"Si Trixie, my Spidey.. I think I saw her kanina sa airport. She's with another w-woman.." nauutal na sagot ni Alex sa kaibigan na halos maiiyak sa kaalamang ang babaeng pinakamamahal niya pag-aari na ng iba.
"Pucha babe!!!" biglang sigaw ni Courtney na ikinagulat din ni Alex.
"Pwede ba Courtney! Kung makasigaw ka akala mo ikaw lang ang tao ditto sa sasakyan ah. At bakit ka ba sumigaw at napamura ka pa ha?!" iritang tanong ni Alex sa kaibigang nakabusangot.
"Paano babe, ako tumulong na sa paghahanap pero wala. Pati Yung PI na hinire ko di rin siya makita tapos ikaw? kararating mo pa lang, I mean kabababa mo pa lang sa plane, nakita mo siya? WoW! Gaya ng kasabihan na "Fate often works in mysterious ways" Siya na ang gumagawa ng paraan na magkita kayo babe, yun nga lang may kasamang iba at malamang bagong kasal sila o di kaya galing sa honeymo--" hindi na naipagpatuloy ni Courtney ang mga iba pang sasabihin dahil sa pinutol na ito ni Alex.
"Shut up Courtney, will you?! Hindi ka nakakatulong sa nararamdaman ko instead dinadagdagan mo lang ang inis ko. So please shut thy mouth!" madiing sabi ni Alex sa kaibigan na ikinatahimik nito. Alam na kasi niya ang ugali ni Alex, the more na ginalit lalong iinit ang usapan. Kaya minabuti niya na lang ang tumahimik na. After ng nakakabingi at nakakamatay sa katahimikang byahe mula sa airport, narating din nila ang tahanan ng mga Rogers na ngayon ay ang Lola ni Alex ang nakatira kasama ang tagapag alaga dito na si Ate Cecil.
Agad na bumaba si Alex upang salubungin ang kanyang Lola na medyo may kahinaan na din dala ng katandaan kasunod ang kaibigan na tahimik lang na nakamasid sa kanila. Masaya siyang nagmano at yinakap ang matanda. Sabay lapit niya din sa Ate Cecil at niyakap din.
"Aba ang apo ko ang ganda ganda mo na talaga! At ang tangkad tangkad mo pa. Aba'y talo mo pa ang mga artista ditto." Natatawang bungad ng Lola niya sabay akay niya sa apo para makapasok na sila sa loob. Agad na dumiretso silang lahat sa dining room kung saan makikita ang mahabang mesa na puno ng mga paboritong pagkain ni Alex.
Para naman nakakita si Alex ng magandang babaeng nakahilata sa mesa. Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Alex at agad na nilantakan ang mga pagkaing nakahain, dampot dito kuha doon. Lihim naman na napapangiti si Courtney sa nakikitang pagiging masiba ni Alex sa pagkain. Mukhang nakalimutan niya sandali ang tinatawag na table manners. Umiiling-iling na lamang si Courtney habang ang Lola ni Alex ay tuwang-tuwa na makitang muli ang kaisa-isang apo niya.
BINABASA MO ANG
So It's You After All(COMPLETED)
RomansMatagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE? Abangan ang storyang hatid nina Trixie and Alexandra na magpapainit ng ulo niyo, magpapakilig, magpapaiyak, magpapatawa at magpaparamdam n...