Chapter 33

8.7K 249 108
                                    




TRIXIE

Pagkarating ko sa address na binigay sa akin ni Chloe halos liparin ko ang ilang palapag marating ko lang kaagad ang kanyang kinaroroonan. Lumapit ako sa information at nagtanong. Matapos maibigay ang room number patakbo akong sumakay ng elevator papuntang floor kung saan nandon sila naka admit. Sobrang kabado ako. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin at paano ko bibigyan ng kasagutan ang bawat katanungan niya. Pagdating ko sa floor nagpalinga linga ako upang hanapin ang room number. Finally nakita ko din.

Ilang Segundo na akong nakatayo dito sa harap ng pintuan, I don't know but I don't have the courage to face him yet but minutes later I found myself entering the room. Halos diko maihakbang ang mga paa ko when our eyes first met. Napatingin ako kay Chloe and binigyan ng tipid na mga ngiti. Then we hugged each other. Matagal na din na hindi kasi kami nagkita personally puro text,tawag, skype, at lahat ng paraan para makausap ko sila.

"Trix, mabuti naman at nakarating ka. Kamusta naman ang byahe mo?" si Chloe college friend ko na di alam ng nakakarami even nila tatay at nanay.

"Okay naman medyo madaming kamalasang inabot sa flight ko. Merong walang available na flight, merong cancel daw o kaya delay. Pero kahit papaano nakarating ako dito. Kamusta na nga pala si Xandre? Ang laki na pala niya at ang gwapo na." Sambit ko na ikinangiti niya.

"He's under observation pa actually at saka maraming test ang ginawa. Malalaman natin ang findings pagbalik ng doctor, umalis lang yun saglit to do her rounds. Kumain ka na ba? Ito may natira pa ako sa lunch kanina, si Mama ang nagluto nito." sabay bukas sa mga pagkain sa lamesa. Ang sasarap naman nito. May pakbet, paksiw na isda, may adobong manok. Gosh na miss ko ang mga ito.

"Si Xander kumain na ba? Chloe, I don't know where to start, nag aalangan ako. Malamang madaldal na iyan. Gaya ng mga kinukwento mo sa akin dati."andito kami sa may corner nag-uusap malayo kay Xander na ngayon ay nakapikit na ang mga mata niya, I guess nakatulog na ulit siya.

"Kumain na siya pakunti kunti. He's not that big eater. Masyadong pihikan sa mga pagkain. Sa una medyo nakaka akward nga kasi ngayon ka lang ulit niya makikita pero ganun lang siguro yun. Mukha nga dika niya matandaan kasi ibang iba na ang aura mo Trix. Grabe ka girl, you know what, naniniwala na talaga ako na hindi natutulog ang Diyos. Look at you, ilang beses nang nadapa, nabigo, nasaktan, iniwan, nakipaghabulan kay kamatayan pero heto ka pilit na binibigyan ng pagkakataon na mabuhay at makabangon. Siguro alam niya na may isang taong higit na nangangailangan ng pag aaruga mo." Sabay tingin niya sa natutulog na si Xander at napatingin na din ako. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama nga naman siya siguro, gaya ng pagkaligtas ko ulit sa bingit ng kamatayan. Malamang sa bumagsak na eroplano wala na talaga akong ligtas pa doon.

"Trix pwede bang ikaw muna dito. Uuwi lang ako para kumuha ng mga gamit niya ha. Ikaw may kailangan ka pa ba?" tanong niya sa akin.

"Im okay. Oo ako na ang bahala dito. Siguro pabili na lang ako sayo ng toothbrush at toothpaste makihingi na lang ako sa shampoo mo." sagot ko

"Ay yun lang pala sige ako na ang bahala diyan. Bibili na din ako ng pang snacks natin. O sige maiwan na muna kita ha." Tumango lang ako sa kanya. Pagkaalis ni Chloe, binalingan ko naman ng paningin ang batang nmahimbing na natutulog.

Lumapit ako sa higaan niya, gusto ko siyang buhatin at yakapin pero nag aalala akong baka magising ko siya at matakot siya sa akin. Habang pinapanood ko siyang natutulog bigla na lang nagsipatakan ang mga butil ng luha mula sa mga mata ko. Kagat ang mga labi ko at halos dudugo na ito dahil sa kakakagat ko at sa kakapigil kong makagawa ng ingay ng pag iyak. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko pero sinong ina ang hindi mapapaiyak lalo na kung makita mo ang anak mo na hindi mo nakita ng matagal at hindi mo naalagaan? Yes, may anak na ako.

So It's You After All(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon