[BOLCT-TWO]

8.4K 177 8
                                    

[BOLCT-TWO]

Masisigla naman din silang tumugon at kumaway sa akin.

Mag-isa akong bumalik sa tinutuluyan ko.

"Hoy!"

Napatalon ako sa gulat.

"Gaga ka! Kanina ka pa ha!" inis kong sambit sabay hampas kay Veronica.

Best friend ko, siya rin ang bumatok sa akin kanina.

"Gaga! Ano'ng pangalan ng macho na 'yon."

Napangiwi ako at napamaywang.

"Hindi ako hanapan ng nawawalang tao. Paki ko sa lalaking 'yon," sagot ko pa at tumungo na sa kuwarto ko para mag-impake.

Napaisip ako saglit. Ano nga kaya ang pangalan niya? Psh! Kagagahan na naman ang nasa isip ko. Matapos kong iligpit ang mga gamit ko, dire-diretso na ako palabas papunta ng sakayan.

"Bruha ka! Huwag mo akong iwan!" pagdadabog ni Veronica sa akin.

"Kasalanan ko bang makupad ka! Nanlalaki ka na naman kasi," inis kong sagot.

"E sa desperada na ako e! Pati pasyente sa ospital ayaw din pumatol sa akin," humihingal niyang sabi.

Nangilabot naman ako sa mga itinuran niya.

"Yuck! Nakakadiri ka!" napapangiwi kong sabi.

Humagalpak naman siya nang tawa.

"Gaga! Choosy din naman ako. Mga guwapo lang naman inaakit ko. Bakit kasi tigil ka nang tigil sa pag-aaral. May kasabayan na sana ako ngayon." Mariin naman akong napakagat-labi sa sinabi niya.

Kinuha niya 'yong mga dala kong gamit at siya na rin mismo ang pumara ng jeep. Hindi ko mapigilang malungkot. Tama nga siya. Patigil-tigil ako sa pag-aaral kahit na may scholarship pa ako. Malaki rin naman kasi ang nagagastos ko at minsan din ay nagigipit ako. Ang dami ko pa rin namang bayarin kahit may allowance akong natatanggap at sa suweldong kita ko sa pagtatrabaho. Buti na lang at naiintindihan ako ng foundation sa kalagayan ko. Masuwerte si Veronica dahil nakatapos siya agad, pumasa sa board exam at nakapagtrabaho sa malaking ospital na may malaking sahod.

Napahugot ako ng malalim na hininga.

Pasasaan ba't makaka-graduate rin ako. Tatlong semester na lang ang kulang ko at makakatapos na rin ako sa pag-aaral.

"Nel! Dali na!" untag sa akin ni Veronica na nauna nang nakasakay sa loob ng jeep.

Agad naman akong tumalima at nagmadaling sumakay. Napaaga ang pag-uwi namin kasi nakalimutan kong may klase pa pala akong kailangang habulin.

"Oh? Mag-review ka habang nasa biyahe tayo. May special exam ka ngayon. Nasa memo ko," ani Veronica sa akin at ibinigay 'yong libro niya.

"Ang sweet!" matipid kong sabi.

"Sapak o aral? Dali na." Napanguso na lang ako at binuklat 'yong libro.

Binasa ko lahat ang dapat basahin. Tinandaan ko rin ang mga dapat kailangang tandaan. Itiniklop ko na 'yong libro nang matapos ako.

"Ang bilis! Patay ang pasyente mo niyan," sita pa ni Veronica sa akin.

"Baka sa iyo kamo. Hmp!" Inismiran ko siya.

Ganito kami lagi. Magkaibigang may saltik at kulang nang sapak. Kung sa tingin ng iba ay para na kaming nag-aaway pero sa aming dalawa wala lang 'yon.

"Nakaka-drained ng dugo ang nursing!" litanya ko pa.

"Sinabi mo pa! Buti na lang at ang guwa-guwapo ng mga pasyente ko," nakangisi niyang sagot.

'Di rin may saltik ang kaibigan ko, may pagkamanyak din. Sinimangutan ko na lang siya. Kung tutuusin hindi naman dapat minamadali ang pagpasok sa isang relasyon. 'Ika nga nila, hintayin mo'ng dumating sa 'yo at huwag mo pang tangkaing habulin dahil kung nakalaan talaga para sa 'yo e 'di grab the opportunity. In short, there is only one thing who can really tell it and that's love.

Calvin Enzo

"YEAH? What the? Dapat kanina mo pa sinabi 'yan," inis kong sagot sa kaibigan ko sa kabilang linya.

"Dali na bro. Baka mahuli ka pa. Transferee ka pa naman," may panghihinayang niyang sagot.

"Oo na! Aayusin ko lang ang mga gamit ko. Update me. I'll be there in a minute. I swear!" sagot ko pa.

Mabilis akong kumilos para maayos lahat ang mga gamit ko. Tsk! Kauuwi ko pa lang galing sa beach. I really need a break but how would I? I really damn forget that today is my first day in school. I grab my bag and step outside.

"Ah!" tili bigla ng house keeper ko.

"What the heck is wrong with you?!" nakasimangot kong tanong.

Ang tinis pa naman ng boses niya. Masakit sa tainga.

"Kuya ganyan ka lang pupunta ng school? T-topless?" Napaismid ako.

"I've got my shirt in my bag. I am really in hurry. You know what to do," sagot ko.

Pumasok ako agad sa elevator. Kinuha ko agad ang damit ko at nagbihis ng pang-itaas.

"Shit! Thirty minutes left," I murmured.

Pagkababa ko sa parking area, sumakay ako agad sa kotse ko. Napabuntong-hininga akong bumaba ulit at pinagkukuha 'yong mga regalo na nagkalat sa bumper ng sasakyan ko. How can I live with a simple life!? Lagi na lang kasing ganito. I am not a model nor an artist but I have many fans. Or let's just say, admirers. Napailing na lang akong itinabi 'yong mga regalo. Pagkatapos ay pinaandar ko na 'yong kotse ko at tinungo ang bago kong school.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon