[BOLCT-TWENTY-SIX]

3K 78 0
                                    

[BOLCT-TWENTY-SIX]

STILL MARINEL'S POV

*****

Baguio...

Hindi ko alam kung ilang oras ang inabot bago namin marating ang La Trinidad. Nauna akung nagisina at hindi ko man lang namalayan ang posisyon namin ni Enzo. Nakahiga na ako sa kandungan nito at ramdam ko din ang isang kamay nito sa may beywang ko. Pumaling ako sa kanya ng dahan-dahan at laking pasalamat ko na hanggang ngayon ay tulog pa ito. Marahan akung kumilos upang hindi ko magising si Enzo.

"Bulaga!" Bungad ni Andy.

Napaigtad ako sa gulat dahilan para magkauntugan kaming dalawa ni Enzo.

"What the hell Andy!" Mura ni Enzo. Napahawak ako sa noo ko.

"Ahm? Sorry!" Saad naman ni Andy at kumaripas na ng takbo.

"Are you okay, Nel?" Tanong pa nito pero nanatili akung napatanga sa mukha nito dahil sa may dugo ang labi nito.

Mukhang malakas nga ang pagkakauntog ko sa kanya. Walang ano pa at bigla nalang akung napahawak sa labi nito. Pareho kaming natigilan sa ginawa kung iyon. Agad akung lumayo at umayos ng upo.

"Ano! May dugo...ano...'yong labi mo..." Nakandautal ko pang sabi.

Ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko at para na akung mabibingi. Napatawa naman ito bigla.

"I'm alright, Nel. Thanks." Sabi pa niya at umuna ng lumabas ng kotse.

Ugh! Kung pwede lang magpatiwakal, kanina pa! Napatakip ako ng mukha at napapadyak. Nakakahiya 'yong ginawa ko.

"Come on Nel." Ngiting-ngiti pang gayak ni Enzo sakin.

Napatanga lang ako sa sinabi nito. Laking gulat ko sa sunod nitong ginawa. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ko at agad akung inakay palabas.

"Forget what happen Nel." Sabi pa nito. Napatango nalang ako kahit na ang totoo ay masiyado parin akung naiilang.

"Why the hell she's here?!" Narinig ko pang saad ni Andy.

Napabaling ako ng tingin sa harapan nito at laking gulat ko ay kung bakit nandito ang pinsan ko.

"Okay guys! Let's gathere and start your responsibilities." Tawag pa samin ni Doc. Arellano.

Nginitian ako ni Enzo at nagpatiuna na. Kitang-kita ko ang mabilis na paglapit ng pinsan kung si Mocha kay Enzo. Pakiramdam ko ay parang gusto kung sugurin silang dalawa at ilayo si Enzo dito.

"Bakit nandito siya?" Tanong ko kay Andy ng makalapit ito sakin.

"I am supposed to ask you that too." Sagot naman ni Andy.

"Ako, alam ko." Pareho kaming napalingon ni Andy sa likuran namin.
"Nica!" Masaya kung sambit at niyakap ito agad.

Matagal din kasi siyang hindi nauwi sa apartment namin. Lagi kasi itong

sumasama sa mga co-nurses para sa foundation ng Angels Orphanage nitong mga nakaraang araw. Pagmamay-ari ng pamilyang Montero at Hamelton. Sila kasi ang madalas na kunin, bukod sa naging family doctor narin nito si Doc. Arellano.

"Uy! Namiss mo ako?" Biro pa ni Veronica.

"Syempre naman! May padrama ka pa kahapon. Magkakasama din naman pala tayo." Agarang sagot ko.

Napatikhim naman itong si Andy sa likuran ko.

"Sisig!" Narinig kung bulong ni Nica ng makita si Andy.

Siniko ko ito ng marahan. Umaandar na naman ang kalandian ng gaga.

"Nga pala Andy, si Veronica, bestfriend ko at kasama ko sa apartment." Pakilala ko.

Bigla naman akung pinaipud ni Nica at siya na mismo ang nakipagkamay kay Andy kahit 'di naman nakaangat ang kamay nito. Itong si Andy naman, parang nakakita ng bagong biktima.

"I'm Veronica Fuentes and you are?" Masayang wika pa ni Nica habang nakadaop parin ang palad nito sa kamay ni Andy. Napatampal ako sa noo ko.

"And I'm Andrez Flores, but you can call me Andy." Sagot naman ni Andy sabay ngiti ng malapad. Tumikhim ako ng malakas dahilan para mapansin nila akung dalawa.

"Ha-ha-ha! Andy usap muna kami." Sabi ko pa at hinila agad si Nica.

"Grabe Nel ah! Iyon na eh!" Maktol niya. Marahan ko siyang dinagukan.

"Gaga! Puro kalandian lang naman gagawin mo. Iwasan mo si Andy, dakilang playboy iyon." Litanya ko.

"Okay na, at least single! Kaysa naman sa mga naging boylet ko na puro may sabit! Hmp!" Napangiwi ako at dinagukan siya ulit.

"Ugh! Basta huwag na si Andy." Pagpipilit ko. Napasimangot naman ito ng todo at napapadyak.

"Oo na!" Sang-ayon nito. Bahagya kung hinimas ang ulo nito.

"Sorry, ang landi kasi eh!" Sabi ko pa.

"Wow 'te! Nagsorry pero maninisi naman." Nakanguso nitong sagot. Umirap lang ako.

"Tara na." Gayak ni Nica sakin. Napatango lang ako at sumunod na sa kanya.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon