[BOLCT-THIRTY-ONE]
STILL MARINEL'S POV
*****
Para akung nadrained pagkalabas ng kotse. Ni hindi ko nagawang makatulog dahil sa matinding lambingan nilang dalawa at aminado akung nagseselos sa bagay na iyon. Alam kung magkaibigan lang sila pero hindi ko parin maiwasang mangamba. Nagsimula na kami ulit sa mga trabaho namin. Gaya ng trabaho ko kahapon, tumutulong ako sa pagbibigay ng mga gamot.
"Nel, ayos ka lang ba?" Tanong bigla ni Nica sakin.
"Oo naman..." Matamlay kung sagot at pasimpleng sinulyapan si Enzo na busy sa pag-aasikaso sa mga bata.
"Tawagin mo lang ako, okay?" Napatango ako kay Nica.
Ang hirap magpanggap na maayos ako. Napabuntong-hininga nalang ako at tuluyang tinapos ang trabaho ko. Pagkatapos ng mga gawain ko, pasimple akung umalis at tumigil sa isang malaking puno. Napasandal ako rito at tinanaw ang ganda ng bundok. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko. Bigla namang may yumakap mula sa likuran ko. Napaigtad ako sa gulat. Naiilang ako sa ginagawa niyang pagyakap sakin.
"Kamusta ang Ms. Universe ko?" Ang sarap sa tainga pero masakit sa puso.
"Baliw! Nahahawa ka na kay Andy. Umayos ka nga. Makita pa tayo ng pinsan ko, baka akalain niyang may relasyon tayo." Pilit na pagpapasigla ko sa boses ko kahit na ang totoo'y mababasag na ito.
"She knows it Nel. You're my friend, my bestfriend." Masigla nitong sagot. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Hindi ko na napigilang maluha sa narinig ko.
"Enzo!" Tawag bigla ni Moana.
Mabilis na kumalas sakin si Enzo at agad na napatakbo sa pinsan ko. Hindi ko na nagawang lumingon pa at hinayaan nalang umagos ang luha ko. Para akung tanga! Agad kung pinahiran ang luha ko. Hindi tama 'to. Maling-mali!
ENZO'S POV
"Hey? Something wrong?" Taka kung tanong nang makalapit ako kay Moana. Mukha siyang malungkot.
"Hey?" I said in a low tone.
She's spacing. The next thing I knew, she kissed me. My eyes was stuck on her while kissing me. Bahagya naman siyang lumayo sakin ng kunti.
"Enzo, mahal kita..." Bigla niyang sabi. Halos magsalubong ang dalawang kilay ko.
"Moana if you are just playing on me, just take it back." Sagot ko. I am really surprised. She shook her head.
"Narealize ko na mahal pa pala kita." Napahilamos ako ng mukha."I asked you last night kung para saan ang paghalik mo sakin. You never say a word." Kunot-noo kung sabi.
She remain silent at napatungo. Tinalikuran ko siya at nagsimula ng humakbang.
"Kinausap ako ni Nel. Kinausap ako ng pinsan ko...na...na sana pag-isipan ko lalo itong nararamdaman ko." She said. Napahinto ako at napaharap ulit sa kanya.
"I'm not playing you Enzo. I really do love you." Umiiyak niyang sabi.
Blangko ang utak ko. I only felt now is happiness. Napalapit ako agad sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"You never know how much you made me happy." Ani ko.
"Ako din Enzo." I trailed her lips with my thumb and kiss her. But the moment my lips landed on her lips, I felt something unidentified feeling. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit.
*****
After we talked, bumalik kami ulit sa trabaho namin ng masaya. I always took a peek look at Moana every time I get a chance. My smile on my never wants to fade. I am so blessed to
have her again and I should thank Marinel for bringing her back to me again. Even if it's just a little time.
"Wow! Blomming! Pumapag-ibig ka na naman tol!" Saad ni Andy sa likuran ko. Bahagya akung napalingon sa kanya.
"Nah! Just happy bro." Nakangisi kung sagot.
"Talaga lang huh? Iniisip mo siguro si Ms. Universe." Sabi pa niya at umakbay sakin.
"My Ms. World and not Nel." Pagtatama ko. Napabawi ito ng pag-akbay sakin.
"What! Don't tell me, nagkabalikan na kayo?" Gulat pa nitong tanong.
"Absolutely..." Nakangisi kung sagot. Laglag ang balikat niya at panga.
"I hate you!" Nakanguso nitong sambit at nagwalk out sa harap ko.
Andy is insane. Napailing nalang ako. He knows what I feel and I know he wanted to make me happy that's why he's reacting like that. Nah! I am happy with Moana. Do I?
*****
After our job, pinuntahan ko agad si Moana.
"Hey." Untag ko. She immediately cling her arms around my nape.
"How are you babe?" Napangiti ako at hinaplos ang mukha niya. I gentle kiss her but I froze. I see Nel in her. Mariin akung napapikit at iminulat ulit ang mga mata ko.
"I love you..." She whispered. I just smiled at her.
"Guys! Lunch time na!" Dr. Arellano announce.
"Tara na." Yaya ko.
Magkahawak kamay kaming tinungo ang bakanteng mesa para doon na maglunch malapit sa tent. Nakita kung nasa kabilang mesa sila Andy. Andy just glared at me, bahagya niya din akung inirapan. He never agreed. Veronica just look at me and continue eating her lunch. Napabaling ako kay Nel but she's busy eating her lunch kahit na alam kung nakita niya kami. What's wrong Nel? Aren't you happy for me?
"Babe, kain na tayo." Pukaw sakin ni Moana.
Matipid akung napangiti at napatango. Naupo na kami at nagsimulang kumain. I can't eat properly. I was thinking why Nel is acting that way. Hindi siya masaya para sakin at ramdam ko 'yon.
"Babe? What's wrong?" Moana said at me.
"Ahm...yeah..." Tipid kung sagot.
I really need to talk to Nel. Siguro mamaya, 'yong kami lang dalawa.
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
ChickLitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...