[BOLCT-THIRTY-THREE]
ENZO'S POV
Mabuti na lamang at nahapit ko siya sa beywang niya. Muntik na siyang bumagsak sa putikan kung hindi ko iyon naagapan.
"Sorry...hindi ko sinasadya..." Paumanhin niya.
Nagulat ako sa nakita ko sa mukha niya. Sobrang maga ng mata nito at walang humpay ang pagtulo ng luha niya. Mas lalo kung ikinabahala 'yon. Kanina pa din ako nagtataka kung bakit panay ang pag-iwas niya sakin. She seems so unhappy and I felt so hurt seeing why she's acting like this. I hug her tight.
"Enzo..." She whispered.
Walang pasubali ko siyang kinarga at dinala sa kotse ko. Hindi ko alam kung bakit sobra akong naapektuhan sa mga ikinikilos niya. Ipinasok ko siya sa loob at ayaw ko pa din siyang bitawan kaya para na itong nakakandong sakin. Agad kung isinirado ang pinto ng kunti at hinayaan lang na yakap ako ni Nel. Masuyo kong pinahiran ang mga luha niya.
"Nel, I really hate to see you like this. Tell me please what's wrong?" Pagsusumamo ko.
Bahagya siyang lumayo sakin at naupo na lamang sa tabi ko.
"May sakit si Sister Carmen kaya ako ganito." Sagot niya at inayos ang sarili.
Duda ako sa naging sagot niya pero may dapat ba akung ipagduda sa mga sinabi niya. I am so f*cking hurting right now and I just can't understand why! I cleared my throat first.
"Who is she?" I curiously asked. She never mention to me about Sister Carmen.
"Siya nag-aalaga sakin noong nasa ampunan palang ako. Mauna na ako, Enzo." Mabilis siyang lumabas ng kotse at naiwan akong napatanga.
She grew up to an orphanage? How come I never knew she was an orphan? Magtanong ka din kasi! Puro ka kasi Ms. World! Ugh! Lumabas din ako ng kotse at napatanaw nalang kay Nel sa 'di kalayuan. Napahilamos ako ng mukha ko. Naiinis ako sa nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, may kung anong bagay akong hindi mailabas!
"Babe!" Bungad sakin ni Moana at mabilis na ipinulupot ang mga braso nito sa beywang ko.
"Hey..." Matipid kung saad.
"Ayos ka lang ba?" May pag-aalalang tanong nito sakin.
"Oo naman..." Sagot ko agad.
"Talaga bang nagkausap kayo ni Marinel?" Biglaang tanong ko. She frozed slightly.
"O-oo...n-naman!" She answered. Napahawak ako sa batok ko.
"I'm so sorry if I asked you that way." Paumanhin ko agad at hinalikan siya sa noo. Moana just smiled at me.
"Let's pack up so we can go home early." Dagdag ko.
I hope she wouldn't mind why I am asking her that thing.
"Wait me here, Babe." Paalam niya at mabilis akong hinalikan sa aking labi. Nakahinga ako ng maluwag at napasandal sa kotse.
"Tol, nakita mo ba si Nel?" Andy asked me habang inilalagay 'yong mga gamit sa compartment. Napatango ako."Napauwi na ng maaga, bakit? She seems so sad about what happen to Sister Carmen. May sakit daw eh." Sabi ko pa. Napakunot naman ito ng noo.
"Di nga? Iyon ang paliwanag niya?" Clueless akung napatango.
"May iba pa bang dahilan ang pag-iyak niyang 'yon?" Tanong ko. Napasabunot naman ito bigla sa sarili niya.
"Ay ewan! Kaya ayaw ko sa mga ganyan eh! Nakakabaog!" Inis na sambit ni Andy at tuluyan ng pumasok sa loob ng kotse. Kasunod na dumating ay si Veronica. Matipid niya lang akung nginitian at pumasok na sa kotse.
"Umusog ka nga! Iyan ang hirap sa inyo eh! Obvious na nga, nagkukunwari pang walang alam! Buwesit!" Narinig kung litanya naman ni Veronica at parehang nag-irapan ang dalawa. What the hell is happening between them? Tss!
"Babe, tapos na ako. Tara na." Moana spoke at my back. Napatango ako at mabilis siyang pinagbuksan ng pinto.
"Andy, paano pumatay ng linta?" Biglaang tanong ni Veronica.
"Buhusan mo ng suka." Walang gana din namang sagot ni Andy.
Ang gulo talaga nilang dalawa. Nasa likuran kami sumakay ni Moana. Mas gusto niya daw kasi ritong maupo.
"Babe, inaantok na ako." Lambing sakin ni Moana.
Kinuha ko 'yong unan na nasa likuran namin. Bahagya pa akung natigilan dahil nang maalalang unan 'to ni Nel. Itinabi ko lang ito at kinuha 'yong isa. Ipinatong ko ito sa may hita ko para makatulog na siya. Kinuha ko na rin 'yong unan ni Nel para gawing sandalan ko. Sobrang bango nito at hanggang ngayon ay naiiwan pa ang amoy nito dito sa unan. Ilang saglit din akung natigilan. I am with Moana but my thoughts are so flooded with Nel. I think, I am going insane.
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
ChickLitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...