[BOLCT-FORTY-ONE]
MARINEL'S POV
Pareho kaming napalumbaba ni Enzo. Kanina pa kami review ng review matapos naming magmeryenda.
"I'm bored looking at the books but not at you." Hirit pa nito.
Ngiti lang ang itinugon ko. Sobrang sweet niya yata ngayon.
"Puro ka kalokohan." Kumento ko na lamang.
"Kailan ba ang early exam natin?" Tanong nito.
Kinuha ko ang memo pad ko.
"Sa sabado na pero ang sabi ililipat daw nila sa lunes. Kailangan nating pumasa para makasabay tayo sa mga magtatapos sa sa september." Sagot ko. Napanguso ito.
"Wala bang kodigo?" Ngali-ngali ko itong binatukan ng mahina.
"Puro ka kalokohan. Mag-aral na nga tayo."
Buong araw kaming nag-review at parang napiga ang utak ko sa dami ba naman ng kailangang pag-aralan. Pero para kay Enzo, parang minamani niya lang ang review namin. Ang dami na kasi nitong na-jat down sa notepad niya. Napasulyap ito sa relo niya at napatingin sakin.
"May trabaho ka pa, 'di ba?" Aniya. Inayos ko ang mga libro ko.
"Nag-resign ako sa trabaho ko. Si Nica na daw kasi at Andy ang bahala sa mga gastusin ko." Sagot ko.
"That's good." Nakangiti nitong sagot at nagligpit na rin ng mga gamit niya.
"Tara na." Gayak nito sakin. Takang-taka akong napatitig sa kanya.
"Saan?"
"Sa bahay ko, saan pa ba?" Nanlaki mata ko sa sinagot niya.
"Huwag kang magbiro ng ganyan Enzo." Kinakabahan ko pang sabi.
"Seryoso ako Nel." Sagot nito sabay buhat sakin.
"Teka!" Angal ko.
"Hanggang sa hindi pa tapos ang medical mission ni Veronica kaya sa akin ka muna mananatili." Nakangiti pa niyang paliwanag sakin.
"Ano? Ayaw ko nga!" Angal ko at pilit na bumababa.
Nakakahiya kaya iyon! Ibinaba niya naman ako at para naman siyang baliw kung makatawa. Napatirik ako ng aking mata.
"Nakakainis ka talaga!" Napanguso ako at umirap sa kanya.
"Bukas susunduin kita sa apartment niyo. Mag-impaki ka, okay?" Napanganga ako.
"Huwag na, ah!" Angal ko at nagpatiuna na nang lakad. Umakbay naman ito sakin ng maabutan niya ako.
"Kaya nga mahal kita, eh!" Panakaw din niya akong hinalikan sa aking pisngi.
Diyos ko! Alapaap na yata ang nakikita ko. Napangiti na lamang ako at humawak na lamang sa beywang. Masaya ako kahit ganito kaming dalawa. Iyong tipong walang status kaming pinagbabasihan dahil ang importante ay mahal namin ang isa't isa.
*****
Pagkahatid sakin ni Enzo sa bahay, mga bagahe ko ang bumungad sakin pagkabukas ko ng pinto. Kumunot ang aking noo.
"Pinapalayas mo na ako?" Bahagya niya akong nilingon.
"Gaga! Mga bagahe ko 'yan. Ilang araw din kasi akong mawawala kaya doon ka muna kay Enzo." May panghihinampo pa nitong sagot sakin. Hinila ko ang buhok niya.
"Ayaw ko doon! Dito lang ako." Padabog akong naupo sa kama niya.
"May bago ng titira dito kaya wala kang pagpipilian." Napanganga ako sa isinagot niya. Napatayo ako sa pagkagulat.
"Paano nangyari iyon!?" Patuloy lang siya sa pagliligpit ng mga gamit niya bago niya ako hinarap.
"Ewan ko nga ba diyan sa Landlady natin. Ibinenta niya itong apartment na wala man lang pasabi sa atin. Wala din naman akong magagawa kaya doon ka muna kay Enzo. Huwag kang mag-alala, pagkauwi ko ay agad akong hahanap ng mauupahan natin." Mahaba nitong paliwanag sakin. Napapadyak ako sa sobrang inis. Nangingilid na din ang mga luha ko sa mata.
"Nica naman!" Ngawa ko.
"Huwag mo akong dramahan diyan Nel. Nandoon din naman si Andy, happy family na!" Nakangiti pa nitong saad sakin.
"Buwesit naman 'yan, eh! Kahit naman mutual ang feeling naming dalawa ni Enzo, hindi ko pa din maiwasang mailang sa kanya." Rason ko.
Umirap naman siya sakin at sinimulan nang i-impaki ang mga gamit ko.
"Wala akong narinig Nel! Shoo na kasi! Hindi ka naman kakagatin ni Enzo. Kung ako iyon, aba'y gora na ako 'te!" Nakangisi niya pang sagot sakin.
"Ugh! Ewan ko sa'yo!" Nagdadadabog akong lumabas nang kwarto namin. Kaasar! Bakit ba kasi ang malas ko. Oo na! Masaya iyong kasama ko si Enzo araw-araw pero nakakahiya pa din sa parte ko. Titira ako sa kanya ng ilang araw o hihigit pa sa isang buwan at hindi ko kakayanin iyon! Nakakatukso kaya ang kagandahang lalaki no'n. Pambihira!
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
ChickLitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...