[BOLCT-TWENTY-FIVE]
STILL ENZO'S POV
*****
Buong pwersa kung ibinagsak ang katawan ko sa couch dahil biglang sumama ang pakiramdam ko.
"F*ck!" Narinig kung mura ni Andy at nagkukumahog na lumapit sakin para itingala ako.
"Ugh!" Ungol ko at agad na tumayo.
Diretso ako agad sa kusina para maghilamos ng matanggal 'yong dugo. Panay pa din ang pagmumura ni Andy sa likuran ko.
"Pwede ba tol! Kailangan mo nang magpasession!" Pakiusap nito.
"Magtatalo na naman ba tayo tungkol dito? You know the truth Andy! It's useless! Ilang taon ko na bang ipinaglalaban 'to!? All my life Andy and you know that!" Galit kung sagot.
Ayaw ko sanang pagsalitaan siya ng ganoon dahil alam kung masakit din iyon para sa kanya. Pinagdadampot ko agad ang mga gamit ko.
"Hurry up Andy. Let's not fight about this. Hihintayin kita sa kotse." Bilin ko at umuna ng lumabas ng condo ko.
Pagkaabot ko sa kotse ko, mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Napatungo nalang ako at marahang napapikit upang maibsan ang matinding hilo.
"Drink this." Untag ni Andy sakin.
Kinuha ko agad 'yong tubig, for sure ay hinaluan na naman niya ito.
"Ako na ang magmamaneho." Presinta nito. Tango lang ang naitugon ko sa kanya at umusog na ng upo.
"Tumawag siya kagabi at kinakamusta ka." Panimula ni Andy.
"He knew I am not." Sagot ko at nakatanaw lang sa labas ng kotse.
"He will still pushed you to be confine." Mapait na sagot nito.
I know, anytime, Andy will cry but he still managed not to let me see it.
"Andy, starting from now, let me go." I said. Narinig ko pa ang biglaang paghikbi nito. Marahan ko siyang sinuntok sa braso at napatawa.
"Umayos ka nga!" Nakangiti kung sita sa kanya.
"Gago ka tol! Mas masakit pa ito kaysa sa masipa sa pundasyon ng populasyon." Napatawa ako lalo sa sinabi niya.
"You are such an as*hole Andy." Kumento ko nalang.
Bumaba ako agad sa kotse ko nang makarating kami sa bahay nila Marinel. Kalalabas lang nito ng bahay na may dalang mga gamit nito. The way her hair flips with the wind makes my heart palpitating so fast. This is definitely weird at all but I am feeling so good.
"Bro! Tulala ka." Ani pa ni Andy at bahagya akung siniko.
"Huh? I...am not." Sagot ko at bahagyang napatikhim.
"Good morning Ms. Universe." Bati pa ni Andy.
Marahan namang napatawa si Nel sa sinabi nito. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit Ms. Universe ang tawag ni Andy sa kanya because she is so damn beautiful. But sad to say, I can't see it for so long.
"Tara na." Yaya ko.
"Salamat nga pala dito Enzo." Tukoy nito sa mga dala niyang gamit.
"It's nothing Nel. Nag-enjoy din naman akung kasama ka kahapon." Matapat kung saad.
"Grabe! Harvest season na ba ng mga sugarcane ngayon?" Pagpaparinig ni Andy. Napailing nalang ako at pinagbuksan ng pinto si Nel.
"Ako na magmamaneho, sa likod ka na bro." Presinta pa ni Andy. Mukhang may balak na naman itong kalokohan.
"Andy..." Protesta ko.
"Late na tayo, sakay na."
Itinulak pa niya talaga ako papasok sa kotse. Ang kulit talaga!
MARINEL'S POV
Para akung nakuryente sa hindi sinasadyang paghaplos ng palad ni Enzo sa likuran ko. Tinulungan niya kasi akung isukbit ang aking seat belt. Naiilang man pero pinilit kung maging kalmado.
"Dinala mo ba lahat ng gamit mo?" Tanong pa nito sakin at bahagyang ngumiti.
"Oo..." Nag-aalangan ko pang sagot.
"Good to hear that." Sagot din naman nito.
Panandalian din kaming natahimik.
Hindi paman kami nakakalayo sa apartment na inuupahan ko ay huminto na lamang bigla ang kotse. Pareho kaming dalawa ni Enzo na napatingin kay Andy.
"Anong problema?" Tanong ni Enzo kay Andy.
"May hihintayin pa tayo saglit." Anito.
Nagkatinginan kami ni Enzo at pareho kumikit-balikat. Tatlong minuto din ang lumipas nang biglang may kumatok sa bintana ng kotse. Pinagbuksan naman ito agad ni Andy.
"Pasensya ho kung natagalan, Sir." Sabi pa nito kay Andy."Wala ho iyon, Mang Karyo." Sagot din naman ni Andy at lumipat ng upo.
"So clever Andy." Kumento ni Enzo.
"Inaantok pa ako kaya kailangang isama ko ang driver namin." Nakangising saad ni Andy. Bahagya lang din namang napailang si Enzo.
"Nga pala Nel, usog ka kay tol. Be-bend ko lang 'yong upuan." Baling pa ni Andy sakin.
"Ha?" Tanging naisagot ko.
Ngumuso naman ito na para bang ipinapahiwatig niyang umusog ako ng upo. Magsasalita pa sana ako ngunit mabilis na kinalas ni Enzo ang seat belt ko at kinabig ako papalit sa kanya. Para akung aatakihin sa puso sa ginawa niyang iyon.
"Iyon! Makakatulog na ako." Masaya pang wika ni Andy at umayos na nang pagkakahiga.
Kung 'di rin naman kasi ako uusog ay baka sakaling maipit ako. Isang Montero ang sinakyan namin at kung tutuusin ay may bakante pa sa likod. Pero sa dami ng gamit na dinala namin ay talagang maookupado ito.
"Sorry Nel." Bulong ni Enzo sakin.
"Ha? A-Ayos lang." Nauutal kung sagot.
Sa sobrang lapit namin at nag-iingkisan pa ang mga braso namin ay talagang hindi ako mapapakali. Ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Tama nga kayang may nararamdaman na akung espisyal para sa kanya? Naguguluhan na ako.
BINABASA MO ANG
BUT ONLY LOVE CAN TELL
ChickLitBut Only Love Can Tell. Kayanin kaya niya ang lahat ng dagok na darating sa buhay niya? Kakayanin kaya niyang tanggapin ang ang salitang.... "I can't be with you...anymore." Kakayanin niya kayang tanggapin na kailanman hindi na mababago ang lahat? O...