[BOLCT-SEVEN]

3.9K 105 0
                                    

[BOLCT-SEVEN]

ILANG oras na biyahe ay nakaraos din ako sa sobrang tensyon. Pinagpapawisan ako, pati na singit ko dahil sa sobrang kaba! Foots spa! Nakakailang kaya sa part ko itong ganito. Kung tutuusin ay pareho kaming estranghero sa isa't isa kaya nagkakahiyaan pa. O talagang ako lang ang nahihiya sa aming dalawa. Sa isang fancy hotel naman niya ako dinala. Para akong tuod na 'di man lang magkamayaw sa pagkapa ng mga nangyayari.

"Hurry up, Nel," lingon sa akin ni Enzo.

"Ha?"

Hindi niya ako sinagot bagkus ay hinawakan na lamang ulit ang kamay ko at agad na pumasok sa elevator. Hindi ko mapigilan ang pagkalabog ng puso ko. Hotel? Elevator? Anong susunod? Kuwarto!? Oh hindi!

Bumukas naman ang elevator at bumungad sa akin ang isang fancy restaurant. Tanga Nel! Kung ano iniisip mo! At first time kong makatuntong sa ganito ka garang hotel at makakain sa mahal na restaurant.

"You look pale," puna pa sa akin ni Enzo.

Umiling-iling ako. Ikaw kaya dalhin dito na walang pasabi. Malamang mamumutla ako.

Matipid na lamang akong ngumiti. Umupo na kami sa bakanteng mesa. Si Enzo na rin ang nag-order ng pagkain namin.

"Para saan ba ang mga 'to?" naguguluhan kong tanong.

May dinukot naman ito sa bulsa niya at iniabot sa akin. Aanhin ko naman itong phone niya.

"Read the text, please."

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nagulat ako sa nabasa ko.

"So? Let me explain first before you say anything. First, I've waited you right after your work because I really wanted to talk to you. I mean, to say a formal thank you for what you did at the laboratory."

Tangina! Napapakagat-labi ako ng mariin, 'yong tipong 'di halata. Nakakatunaw ang mga titig niya o ang mas tamang sabihin ay nakakahalina ang bawat kibot ng mga labi niya habang sa akin lamang nakatuon ang mapupungay niyang mga mata na kulay brown kung sa malapitan mo titingnan.

"And I wanted to treat you too, to celebrate because you got it perfect the exam and I do too and that's because of you."

Lumabi naman siya. Putek! Napapalunok ako ng wala sa oras sa ginagawang pagbasa niya sa kanyang labi.

"Nel? Are you listening?" untag niya sa akin bigla.

Napatikhim ako at napainom ng tubig.

"Ah? Oo at wala 'yon," sagot ko na lamang.

Ngumiti naman siya ng sobrang lapad.

"Really? Well, that's great. Let's eat." Tumango lang ako.

Naman Nel! Nasa earth ka nga pero utak mo hanggang universe. Kasalanan ko bang may adones sa harap ko. Tsk!

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon